Chapter Three

1019 Words
Chapter 3 Walang tulog si Britney sa kanyang thirty-six hour shift sa hospital na pinagsisilbihan niya. She's on her fourth years in a residency program in one of the biggest Private Hospital in the country. Ilang buwan nalang mag-eexam na din siya upang maging ganap nang surgeon. Sa propesyon niya halos walang tigil na ang pag-aaral. Pag-katapos kasi niya maipasa ang professional licensure exam na na kinuha niya pag-katapos ng kaniyang internship ay kailangan niya mag-aral muli siya para maging isang ganap na espesyalista. It was her dream to become a heart surgeon, ngunit sa ngayon pinaghuhusayan muna niya ang pagiging resident surgeon sa ospital kung saan halos lahat ng klaseng ng operasyon ay ipinapasa sakanya ng kanyang consultant sa utos ng isang nakakainis na tao, si Lucas Agustus. Katulad nalang ng isang pasyente na kaharap niya ngayon. The young man had a leg amputation dahil sa isang motorcycle accident. Bata pa ito, siguro kakatungtung palang nito sa kolehiyo sa istema ni Britney, ngunit heto na at naka upo sa wheelchair na tulala at malayo ang diwa. He was a drunk driver, mabuti nalang nga at walang itong naidamay sa naturang aksidente. But the boy really looked defeated and depressed. May nakatayo sa tabi ng table ni Britney na isag nurse. Si Jaymie ay isang bagohan sa kaniyang propesyon. Masipag ito, petite at morena. Ito na ang nagging regular niyang katulong lalo na sa mga huling oras niya sa ospital. Isinulat lang ni Britney ang kaniyang orders sa file ng pasyente at isa isa na din niya tinapos ang pagsusulat ng mga take home medications nito. "Doc, Bakit ho ganoon. Alam ko naman po na putol na ang paa ko pero nraramdaman ko padin ito. Minsan ho ang sakit. " mariing sabi g binata habang nakatingin sa nawala nitong binti. Naawa si Britney sa lalaki. Ang bata pa nito para maranasan ang ganiton sitwasyon. "Phantom pains po ang tawag sa nararanasan mo. Hindi kasi ganoon kabilis mag-heal ang nerves kaya nakakaramdam pa din ito kahit wala na ang parte ng katwan na iyon. Kadalasan ho ito nangyayari sa mga trauma cases katulad sainyo. Mawawala din iyon sa tulong ng mga gamot na ibibigay ko saiyo." saad niya sa tanong nito. "Since almost two weeks na pwede na ho naming alisin ng tahi ng sugat mo, Sir. Dadalhin ka po ni nurse Jaymie sa treatment-room at aalisin na niya ang tahi nito." Tinuong naman ni Britney ang pansin sa Kasama ng pasyente. "Ito ho ang mga gamot ni Sir. Makakatulong ho ito para maiwasan ang impeksyon at ang sakit na nararamdaman niya. siguraduhin din hong linisin ng maigi ang sugat niya sa paraang itinuro ho sainyo ng Nurse bago kayo umuwi galing ng ospital." Tumango ang matandang babae habang kinukuha ang mga risetang isinulat niya. Marahil ay kamag-anak ito noon dahil ng mga magulang ng bata ay nasa ibang bansa at ang lola naman nito ay kilala na ni Britney. Sumunod na ito sa treatment room kung saan kasalukuyang inaalis ang tahi ng Nurse. Huling pasyente na niya iyon at pwede na siya makauwi, unless meron nanaman emergency charity case na ipapasok sa department nila. Malamang sa kanya nanaman ibigay iyon kahit off na niya for the next 48 hours. p*****n ang shifting ng mga doctor, at hindi din niya maiwan ng basta basta sa mga junior nya ang mga patients niya. Lalong lalo na kung mga komplikado ang kaso, ang may mga nagpatong-patong na sakit, mga matatanda o ang mga masyadong bata. She took a sip from her coffee--double espresso shots at tinignan niya ang relos. It's almost nine in the morning, nasagallery na ang nanay niya from her shift sa call center na pinagtatrabahoan nito. Yun din ang araw ng huling pasok na ng ina sa pinagtatrabahuan nito dahil kailangan na nitong pag tuunan ng pansin ang kanilang gallery. "Doc, natanggal na po ang tahi. For inspection nalang at lalagyan ko na ng pressure bondage." Saad ni Nurse Jaymie na pumukaw sa paglipad ng isip ni Britney. Ngumiti si Britney at tumayo sa kaniyang lamesa. Pinuntahan niya ang binata sa treatment room, nakaupo ito sa bed habang ang putol na paa ay naalaad sa harap niya. "Mukhang maganda naman ang paggaling ng sugat ninyo sir." Nagsuot siya ng clean gloves at hinawakan ang sugat, "linisin lang ho ng maayos," humarap siya sa bantay ng pasyente, "lalong lalo na ho sa parteng namumula. After a month at magaling na ang sugat ng tuluyan, pwede na kayo bumisita sa rehabilitation and physiotherapy center ng hospital para sa pagprocess na ang prosthetic leg nyo." Biglang lumiwanag ang mukha ng binata, he looked at her hopeful. "Makakapaglakad ho kayo ulit sir. Bibigyan ho kayo ng referral letter sa sunod na follow up ninyo upang makapag-inquire na kayo sa Physiotherapy department ng hospital." Ngumiti ito at tumango. "Maraming salamat ho doc." Hindi pa din matatawaran ng kahit anung pera ang ngiti na ibinigay sakanya ng pasyenteng nya, this was enough to motivate Britney even more in her chosen profession. "Walang anu man ho yun sir." Saka niya tinawag si Jaymie para lagyan ng packing ang surgery site ng patient. At ng matapos iyon ng dalaga ay hinatid na nito ang pasyente sa may hallway ng OPD unit ng hospital. "Mauna na ako ma'am Jaymie ah? Paalam at salamat sa tulong mo." Tango at ngiti naman ang sagot sakanya ng Nurse. Umalis na siya sa OPD ng hospital at tumungo na sa department nila upang kunin ang mga tira niyang gamit sa sleeping quarters nila. Malaki ang hospital na pinagtatramahuan niya na halos umabot ng halos labing limang minuto na paglalakad lang papunta sa doctors' quarters. Hindi niya akalain na matataos na niya ang apat na taon na pagiging residente sa hospital na yun. Malayo na ang kaniyang mga narating, pero malayo pa ang kanyang tatahaking landas upang makamit niya ang kaniyang mga panagarap. Doon ay naligo na upang malinis niya ang mga bahid ng halos dalawang araw na trabaho. Habang inaayus ni Britney ang mga gamit niya sa kaniyang duffle bag ay saka naman ang pagring ang mobile phone niya. Sinagot niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD