Chapter 4
"You wouldn't believe what's waiting for me when I arrived here in the gallery." Pabungad sakanya ng kaniyang ina sa telepono ng sinagot na ni Britney ito.
Napa ngiti siya sa enthusiasm sa boses ng kaniyang ina "Isang truck ng antiques galing Africa?" It was a dumb guess, which she was sure earned an eye-roll from her Mom.
"Tss...I wish anoh!" May kaunting katahimikan sa kabilang linya, "palapag nalang dyan." Sabi nito kung sino man ang nasa gallery. "Someone sent me a bunch of flowers. Halos magmukhang flower shop na ang gallery natin. And apparently it's from some mystery man." May halong kilig at inis sa boses ng kaniyang ina. Kilig dahil it's been almost thee years ng huling may nanligaw sakaniya, at inis dahil ginambala nito ang haven ng ina which was the gallery they owned. "Halloooooo, anaaaaaak." Pukaw nito kay Britney na hindi nakasagot sa ratsada nito.
"Ma, wala akong tulog." She was spacing out. Hinagod niya ang kamay niya sa kanyang buhok na nakapony tail. Iyon nalang ang maayus tignan sa pagkatao niya sa mga oras na iyon. "Halos ako na naman ang nagmamay-ari ng OR buong shift ko." Reklamo pa ni Britney in a very whiny tone, "I can't believe na saakin lahat binibigay mga charity cases." Gumawi siya sa salamin at tinignan ang sarili. Mukha siyang zombie na maganda. Maputi at mahaba ang buhok, matangos ang ilong ala mestiza ang ganda. Maliban siguro sa kaniyang nguso ma minana niya sa ina kamukang kamukha na niya ang tanyag na Senador. She had a set of full rosy lips. Ama niya kasi ay manipis ang mga labi, which really brought up his masculinity. She also had dark circles under her eyes.
Natawa ang ina, "Eh, yan naman talaga trabaho mo. Tsaka syempre naman ikaw pagkakatiwalaan ng consultant mo, fourth year ka na and you're the best sa hospital na yan." It was her turn to roll her eyes. Binalaan na siya noon ng ina niya sa possibleng out come ng pag pursue niya ng medicine. Pero ngayun ineencourage na siya ng ina. "Dadaan ka ba sa gallery ngayon?" Tanong nito sakanya, halatang may mga ginagawa na ito sa gallery. "Don't forget magsisimula ang art show ni Solenn dito mamayang gabi. Invite mo mga board members ng hospital na pumunta anytime this week. Sayang ang commission natin sa mga mabebentang paintings." sabi nito na halatang masaya.
Nagtaka si Britney, wala pa bang tulog itong ina nya? Napakahyper nito eh, "I think matutulog muna ako before ako pumunta dyan. Teka bakitt nga pala ikaw nag-open niyang gallery? Di ba si Herley ang dapat nagbubukas diyan?" Si Herley ang hired help ng gallery nila. Isa itong art geek at antique expert. College student pa lamang ito ay nagtatrabaho na ito sa nanay niya. Ngayun ay full pledge art curator kaya naman ito na full time na inaasahan ng ina niya.
"Kailangan ako dito. Darating ang mga paintings ngayun. We need all the extra hands we can get. Kahit nga ang guard natin ay tumutuling na." Ngayun naman may nginunguya ang ina. Malamang pandesal yun. "Kung mamayang hapon ka pa darating magluto ka ng hapunan natin dito. Namalengke naman ako kahapon, may sugpo at isda sa freezer. Sinigang with pritong isda nalang ihanda mo. Magsaing ka na din ano?" Napakamot nalang ng ulo si Britney, marunong siya magluto pero gusto lang niya sa araw na yun ay magkaroon ng mini-coma. yung tipong gigising nalang siya kung kelan muli magsisimula ang shift niya sa hospital. Ngunit hindi niya pwedeng banggain ang ina. Lalong lalo na ngayung may cliente sila sa gallery.
Kaya bugtong hininga niyang sinabing, "Yes po ma. " dinampot na ni Britney ang duffle bag kung saan nakalagay lahat ng gamit niya sa nakaraang shift. "I'll see you later, yah?" Sabi nito, "bye." Hindi na niya pinagsalita pa ang mama niya. She turned off the active call and went on her way to the parking lot. She just hope na walang tumawag sakanya sa mga juniors niya para bumalik on duty for the next forty-eight hours.
It was as if yung duty na yun na ang pinaka sa mga pinaka nakakapagod na thirty-six hour shift nya. Tatlong femoral bone realignment assists kasama ang ortho consultant, apat na explore laparotomy kung saan dalawa ay merong sepsis dahil pumutok na appendix ng pasyente sya pa ang naglinis ng buong peritoneal cavity ng pasyente para maiwasan ang impeksyon, in short naglaba siya ng mga internal organs ng pasyente, at sa huli sya pa ang gumawa ng emergancy amputation. Okay na sana ang lahat kung hindi lang 50% ng lahat ng cases nya ay charity under the great Senator Hubert Agustus na pinupush naman ng biggest share holder ng hospital na si Lucas Agustus ang anak nito. Naiinis sya sa tukmol na iyon! Tukmol na pinagtitilian ng halos lahat na staff ng hospital.
What can she say, he's good looking and a charismatic guy. Walang babaeng tumatanggi sa mga invitation nya for dinner or even a plus one on an event he's invited to. Lahat siguro ng babaeng katrabaho ni Britney pinagpapantasyahan si Lucas. The guys a business tycoon at a very young age, sa dami ba naman nitong manang properties at businesses from his real parents. Ampon lang si Lucas ng ama ni Britney, pero dahil siya lang din ang nag-iisang heridero ng kaniyang tunay na mga magulang sakanya pa din napunta ang mga kayamanan ng mga ito. Talk about being born with a silver-spoon in his mouth. Mayayaman din naman ang mga angkan ng mga Agustus, yun nga lang hindi nag-asawa pa ang Senador, kaya wala din siyang magiging tagapag mana, which made Lucas' adoption very convenient. Iniisip palang iyon ni Britney ay nahihilo na siya. Napakakomplicado ng mga buhay ng mga mayayaman sa bansa nila.
Nagmessage muna si Britney sa kaniyang mga junior resident physician na uuwi na siya, busy ang mga ito kaya hindi na niya naabutan sa quarters nila. Binilang niya ang ang mga admitted patients na under sa kaniya, so far naman completo na mga post operative orders nya para sa mga iyon. At malamang tatawag ang juniors niya kung may magkaproblema man. She started her car at akmang aalis na ng may humintong kotse sa likoran ng sasakyan niya, hindi tuloy siya makaatras. Bumusina siya sa sobrang pagkainis. 'Magbiro ka na sa lasing at sa bagong gising, huwag lang sa walang tulog!' Naghuhurumentadong sigaw ni Britney sa kaniyang sarili habang mariing pinipindot ang busina.