Who is She? Weena's POV NIYAYA ako ni Brexley na magkape sa isang mamahaling coffee shop. Nahihiya talaga ako na tumanggi kaya't tinanggap ko na lang lalo na't sobrang kulit niya. "So, ano pala ang mga hobbies mo, Winter?" tanong niya habang hinahalo-halo ang kaniyang iced capuccino mula sa straw na nakapasok ro'n. "Hmm. . . Mahilig akong magluto, magbasa at mangumbinsi rin ng mga tao," sagot ko na ikinalaki naman ng kaniyang mga mata pero mababakas ang pagiging kuryoso. "Mangumbinsi ng mga tao? Sa paanong paraan?" 'Letse wala talagang preno ang bibig ko kaya't nahuhulog din ako sa sarili kong ipinagsasabi. Weena, kailangan mong mag-isip kundi mayayari ka ng mga tanong ni Brexley.' "Ahm. . . Dati kasi ay rumaraket ako sa mga online retailers. Doon lumabas ang talento na manghikaya

