Gossip Weena's POV NAKALIPAS ang ilang mga araw, malapit na’ng pasukan sa Hunkros University. Medyo nakaramdam ako ng kaba sa ‘king dibdib sa gagawin kong pag-eespiya. Hindi na muna rin ako lumabas mula sa dorm ko para hindi magkrus ang landas naming dalawa ni Seven. Napapansin ko rin na medyo maingay ang hallway sa tinutuluyan ko at napagtanto ko na halos ang nasa listahan mula sa Sin Book ay nakatira malapit sa unit ko. Saktong-sakto 'yon para sa 'king trabaho ngunit may hindi pa 'ko nakikitang mga target at 'yon ay sina Kennedy at Leidon. Inayos ko ang mga gagamitin ko para sa pagpasok, kahit na may trabahong nakaatas sa 'kin ay kailangan ko pa rin na pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko. Malaking oportunidad na rin 'yon kaya't dapat pag-igihan ko. Mga ilang sandali ay nagpagpasiy

