Meet Up Weena's POV NANDITO ako ngayon sa Forbes Park, ang meeting place naming dalawa ni Seven. Dumaan muna 'ko kanina sa isang mall para magbihis ng pambabaeng damit at suot ko rin ang wig na ginagamit sa mga video calls naming dalawa at sinigurado kong matibay at maayos ang pagkakasuot ko 'non. Bahagya 'kong nakaramdam ng lungkot sa isiping panandalian lang ang saya na mararamdaman ko sa kaniya lalo na't may misyon akong kailangang gawin. Isasantabi ko muna ang saya at kilig para sa kaniya at titiisin ko dahil 'yon ang nararapat. Habang nakatayo ako sa waiting shed ay may humawak sa balikat ko na ikinalingon ko. Napasinghap ako nang nakita ko nang harap-harapan si Kennedy na may bahid ng ngiti sa labi at sa hindi malaman na dahilan ay natulala ako habang nakatitig sa kaniya ngunit b

