Daughter-in-Law Weena's POV TINIGNAN KO ang aking repleksyon sa salamin pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili. Napakaganda ng aking itsura habang suot ko ang mamahaling damit na nakahanda para sa 'kin. Wala sa sariling napahagod ako sa lambot ng tela 'non at napangiti dahil napakabait nila. Mabuti na lang at hindi masyadong nabasa ang wig na suot ko at naisalba pa ng blow dryer na nakita ko rito. Kumpleto ang mga gamit at halatang mamahalin ang lahat. Hindi ko aakalain na ganito pala ang pagtrato nila sa mga bisita sa kanilang mansyon. Nakaramdam na naman ako nang matinding kaba dahil hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong sabihin kay Kennedy lalo na't hindi naman kami close. Masungit din ba'ng mga magulang ni Kennedy? Masungit at suplado kasi siya sa Hunkros University at baka gan

