Prologue ✓

343 Words
Disclaimer:  Plagiarism is a crime. All of the scenes, names and dialogues are pure fiction and imagination of the author. If there is any resemblance in reality it is only a pure coincidental. This story contains scenes that are not suitable for very young readers. TRIGGERED WARNING.  All rights reserved © Anjzel Ica 2019-2020 --- Hunkros University, isang prestihiyosong eskwelahan ng mga mayayamang anak na lalaki. Kalat na'ng chismis na kalahati raw sa populasyon do'n ay mga bakla kaya nama'y naisipan ni Madam Esperanza Soler na magkaroon ng imbestigasyon dahil na rin mga malilihim ang mga binatang estudyante. "I want some further investigation about my students here. Maryosep! Hindi ko alam kung ano'ng sakit ang dumadapo at laganap ang chismis na dumadami na'ng mga bakla. Nababahala ang mga magulang dahil na sila ang magpapatuloy ng kanilang henerasyon. I don't want that happen," aniya sa mga staff ng paaralan. "Masusunod po. Ang problema nga lang ay medyo tikom ang mga bibig nila at hindi ko alam kung sino'ng may pakana pero nakakabahala na rin dahil marami ang mga gumagawa ng haka-haka at baka makasira rin ito ng imahe ng ating paaralan," singit naman ni Don Hideyo Suejos, ang isa rin sa mga stockholder sa paaralan. "Heto ang aking suwestyo, Madam. Magpapasok tayo ng espiya natin sa loob ng paaralan para malaman natin kung totoo ba o hindi ang napapabalita. Mahirap na't baka mademada tayo ng paninirang puri," maarteng turan naman ni Donya Katarina Uchengco, stockholder din ng paaralan. Napatango naman ang mga stockholders at pati na rin si Madam Esperanza. Napapitik siya ng kaniyang daliri at lumabas ang alalay na si Burgos. "Humanap ka ng magiging espiya sa 'ting paaralan. Kailangan walang makakaalam na kahit sino mula sa mag-aaral ng ating eskwelahan dahil kapag nabulilyaso ang lahat damay-damay na tayo." Natatakot naman na tumango ito at agad na lumabas. ‘Hindi ko hahayaang masira ang lahat ng pinaghirapan ko lalong-lalo na sa eskandanlong ito. I won't let that happen. Hunkros University will be for male students only,’ aniya sa kaniyang isipan habang nakatiim bagang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD