Chapter 1 ✓

865 Words
Her Story Weena's POV "TABI!" sigaw ko sa mga dumaraan. Tagaktak na rin ang pawis ko habang ipinepedal ang aking side car na may lamang panindanf mais at mani. Dagsa ang mga tao ngayon lalo na't bakasyon kaya naman talagang inagahan ko ang pagpunta ko rito sa plasa pero huli na'ng lahat nang may biglang sumulpot na babaeng pakendeng-kendeng sa gitna ng daan na may maraming bitbit. "Ay!" hiyaw nito at natumba ang babae. Natapon din ang dala nitong mga bulaklak at mamahaling bag kaya naman mistulang naging shower ng bulaklak ang nangyari. Lumapit ako rito at tinulungan ngunit pansin ko rin na may sugat ito kaya naman inaalalayan ko itong tumayo pero tinabig ang kamay ko at nasaktan ako ro'n. "Pasensiya na po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya," hinging pahumanhin ko at pansin ko naman ang mga mata nitong papaiyak na pero pagtingin sa 'kin ay naging mabalasik na. "Bwiset! Regalo sa 'kin 'yon ng syota ko, e! Ano ba'ng ginagawa mo? Papatayin mo pa 'ko sa katangahan mo! Tignan mo, ang ganda-ganda pa naman ng mga 'on! Oh, no! My expensive bag at nadumihan na! Kasalanan mo itong boba ka!" sigaw nito at tila nataranta naman ako. "Pasensiya na po talaga, Ma'am. Nagmamadali po kasi ako dahil kailangan kong makabenta agad," mahinahon kong turan at pansin ko naman ang paghagod ng tingin nito sa itsura ko. "Hmp! Walang kwenta! Hayaan ko na lang 'yon tutal mukhang hindi mo naman kayang ibalik ang pera na iginastos ng syota ko dahil mukha kang pulubi!" panlalait nito sabay sabunot sa buhok ko na ikinatumba ko. Pansin ko rin na mas dumami ang umuusyoso sa 'min at wala ata silang balak na pigilan ang babaeng ito. Tinulak ko ito habang may lungkot ang aking mga mata. "Oo nga po, mukha naman akong pulubi pero marunong naman po 'kong gumalang kaysa naman mukhang nagyayaman-yamanan pero mas masahol pa sa basahan ang ugali," saad ko at hindi na naman nakapagpigil ang babae. Kaya naman sinabunutan ako nitong muli. Nakita ko naman na dumating ang aking kaibigan na si Andoy. "Oy! Huwag mong galawin ang kaibigan ko!" sigaw nito sabay layo sa babae mula sa 'kin. Pinrotektahan ako nito mula sa babaeng pakiramdam ay mayaman. "Bwiset! Umalis ka nga r'yan at makakatikim talaga sa 'kin ang babaeng 'yan! Lakas ng loob mo, ah! Mukha kang pulubi at ang malas ka talaga!" Dumating ang isa pa naming kaibigan na si Lourdes at hinatak ang babae palayo sa 'min. "Teka nga po! Tama na po 'yan. Humingi na po ng paumanhin ang kaibigan ko at tinanggap ang lait niyo. Tigilan niyo po 'yan at baka kayo ang maging viral sa social media sa pinaggagawa niyo," sabi nito at tinignan kami ng masama ng babae at napahawak naman ako sa buhok ko na parang pugad na ng ibon sa pagsabunot nito. "May araw ka ring babae ka!" pagbabanta nito sabay tabig sa kamay ni Lourdes at pinulot na'ng maruming bag nito. Napaluha naman ako sa sinapit kong pagkakapahiya. Ang hirap maging mahirap dahil minamata ka kahit ano'ng pagsisikap na gagawin mo. ---- "TAHAN NA, WEENA. Talagang may gano'ng tao na sobrang matapobre kahit na mukhang mahirap naman. Feelingera nga lang na mayaman," pag-aalo sa 'kin ni Lourdes. "Paano 'yan? Wala na tuloy akong kita. Pambili pa naman 'yon ng gamot ni Tita Elly," malungkot kong turan at tinapik naman ang balikat ko ni Andoy. "Huwag kang mag-alala at ako na'ng bahala ro'n. Lourdes, ikaw na muna ang tumingin kay Weena." Tumango naman si Lourdes at umalis na rin ito. Pinapainom din ako nito ng tubig. Nandito kami ngayon sa pwesto ni Andoy ng Merchandise. Tindera naman nito ay si Lourdes, inaalok ako minsan ni Andoy na rito na lang magtinda pero tumatanggi ako dahil tinutulungan ko si Tita sa mais at mani nitong negosyo. "Tsk! Napakapapansin mo talaga kahit kailan, Weena. Hindi na 'ko magtataka kung magiging viral ka," mataray na turan ni Flora, ang tindera ng tsinelas sa kabilang stall. Napaikot naman ang mata ni Lourdes. "Inggit ka? Edi pumunta ka sa gitna ng daan at ibalandra mo ang katawan mong lawlaw do'n sa gitna at paniguradong viral ka na n'yan dahil napaka-inggetera mo kahit kailan," asik ni Lourdes na ikinasinghap naman nito at pumasok na lang sa stall. Sina Andoy at Lourdes ang mga kaibigan ko simula nang magkamalay ako sa mundo. Si Tita Elly ang aking kasama sa araw-araw at walang asawa si Tita dahil na rin sawi sa pag-ibig pero kahit gano'n ay masaya siya na 'ko ang naalagaan niya. Patay na'ng aking ama na kapatid ni Tita kaya siya ang nagpalaki sa 'kin. Ang Nanay ko nama'y hindi nila alam kung nasaan. "Dapat ay hindi mo na lang pinatulan, Lourdes." Umiling naman ito at umupo sa tapat kong silya. "Hindi, dapat talaga sinosoplak ang gan'yang tao. Masyado kang mabait kaya naman inaabuso ka ng mga 'yan. Hayaan mo't igaganti kita sa kanila," sabi nito at napangiti naman ako. "Ang swerte ko talaga sa inyo ni Andoy. Napakabait ninyong mga kaibigan kaya nama'y mahal na mahal ko kayo." Ngumiti naman ito. "Syempre, friendships tayo forever!" bulaslas nito sabay yakap sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD