Newbie Weena's POV LUNCH NA at excited kong inilabas ang aking inilutong baon. Alam kong maya-maya'y darating na si Seven para samahan ako. Hindi ko pa rin napigilang kiligin nang palihim kapag naiisip ko na magkasama kaming dalawa na kumakain. Kanina habang sinusundan ko ang grupo ni Leidon ay mukhang uuwi na rin ito agad. Half day lang naman kasi kami ngayon at ang iba nama'y busy para sa event ng Celestina Academy bukas at alam kong nagpapagwapo sila. Lihim akong napairap sa kalibugan nila. Mga ilang sandali'y may naglapag ng bag sa harap ko kaya't inangat ko ang tingin ko rito na agad nagpakunot sa noo ko habang si Seven nama'y nakangiti at may kasamang lalaking mukhang bampira na seryosong-seryoso ang tingin. "Hey, Winter! This is my best friend Gavin Samonte. Gav, si Winter si

