Research Weena's POV PAGKAUWI KO sa bahay ay sobra ang kasiyahang nadarama ko dahil may nakilala na naman akong panibagong kaibigan. Napakabait talaga ni Seven at gustung-gusto ko ang kaniyang kaibaitan sa 'kin pero sumasakit ang ulo ko nang gusto nila 'kong ipares na sa kapatid ni Gavin na si Gazia. Tuwang-tuwa pa silang tinutukso ako dahil bagay daw kami lalo na't napakagaling ko raw magluto at bagay na bagay na pagsilbihan ko si Gazia. Napakamot na lang ako sa 'king ulo lalo na't napakaimposible na maging kaming dalawa ni Gazia. Kailangan ko muna pa lang mag-research tungkol sa mga nakalap kong mga pangalan mula sa mga pinag-uusapan sa Hunkros University. Una ko munang itinipa ay nagpababaliw kay Parker na nabingwit naman ni Leidon na si Marie. Marie Crisostomo, 19 years old daught

