Chat Weena's POV NAMAMAWIS ang aking mga kamay at pakiramdam ko rin na sumasakit ang aking tiyan at nasusuka pa. Napaka-weird at napakagulo dahil kay Seven. Gusto niyang makilala si Weena, ang totoong ako at hindi si Winter. 'Seven Geto Asuncion sent you a friend request' Wala pang ilang segundo ay na-confirm ko na agad ang kaniyang Friend Request. Napakagat ako sa 'king labi habang tinitignan ang kaniyang sss Wall at halatang private dahil konti lang ang mga ipinopost niya sa social media at puro mga larawan na kuha sa isang hacienda sa Baryo Dos. Nakaraang pasko pa ito nakuha at napakaganda ng kanilang Family Picture. Wala sa sariling napangiti rin ako dahil nakaka-good vibes siya sa sistema ko. Napasinghap ako nang mag-beep ang aking messenger. Seven: Hi, are you Winter's sister

