Shock Weena's POV HINGAL NA HINGAL ako habang sinusundan ang misteryosong lalaki sa Hunkros University. Nakita ko kasi siyang may kahalikan sa loob ng Laboratory. Ang matindi pa'y wala namang babae rito kaya't automatic na lalaki 'yon. Ito na talaga ang ipinapahanap ni Madam Esperanza sa 'kin. Maingat din ang bawat galaw ko lalo na't ang laki ng pangangatawan ng lalaking 'yon. Unti-unting napaupo ako habang nakasandal sa pader. Hindi ko naman kasi nakita ang mukha nito dahil nakasuot ng bonet at face mask kaya't hindi niya mamukhaan ngunit kakatuwang tinanggal nito ang suot na face mask at mabilis kong kinuha ang aking cellphone at pinindot ang video button para kuhaan ito. Kinakabahan ako sa ginagawa ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ito ang magsasalba sa 'kin at kailangang

