Kiss Weena's POV NAPANGUSO ako habang mag-isang kumakain sa loob ng kusina ng aking dorm. Wala kasi ngayong klase at mamaya pa'y pupunta ako sa Hunkros University para magmasid. Kailangan ko pang mas malaman kung sino ba silang dalawa kahit na medyo delikado ang gagawin ko'y gagawin ko ang lahat para maisagawa ang utos ni Madam. "Kainis! Ang palpak ko talaga. Nando'n na pero may nangyayari naman na kung anu-ano," usal ko at napakamot na lang ako sa 'king ulo. Nilingon ko ang aking cellphone na naka-log-in sa sss ko bilang si Weena Villareal. Naka-turn off ang active button pero nakakapag-send ako ng message sa kaibigan kong si Lourdes. Lourdes Mendoza: Hi, Bes! Kumusta ka na? Paramdam ka naman d'yan, oh. Mamaya'y hindi ka na namin ma-reach ni Andoy. Malungkot naman akong napangiti da

