Kabanata 7

2006 Words
Hindi nagtagal ay kaagad namang nangunot ang noo ko no'ng mapansin kong bahagyang manlaki ang mga mata ni Winston habang nakatitig pa rin ito sa akin. "Gosh! Kiara, bakit ba laging dumudugo 'yang ilong mo!" Awtimatiko akong nagbaba ng tingin bago ko tuluyang idampi ang mga daliri ko sa ilong ko para pahirin ang sariwang dugong tumutulo mula rito. "H-here, take this." Kaagad naman akong napaangat ng tingin kay Winston no'ng madako ang tingin ko sa kulay puting panyo na iniaabot nito ngayon sa akin. Marahan ko na lamang itong kinuha at mabilis na ipinunas sa ilong ko at maging sa mga daliri ko na rin. "Are you okay? Magpacheck up kana kaya, baka mamaya niyan-..." Pinutol ko na si Caresse sa mga pinagsasabi niya dahil alam ko naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. "I'm fine, don't worry," pagkasabi ko no'n ay narinig ko na lamang itong napabuntong-hinga at napayakap sa akin mula sa likuran. Nabaling naman ang tingin ko kay Winston na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin habang nakapamulsa ang dalawa nitong mga kamay sa mga bulsa ng suot niyang white jeans. "If there's nothing we should worry about then, Winston would to mind to show us the end of this sand bar ha?" sabi naman ni Merick na siyang nagpangiti naman ng bahagya kay Winston, bago ito sumagot ng, "Yeah, ofcourse," pagkasabi niya no'n nanguna na ito sa paglalakad para tahakin ang mahaba at puting sand bar. Samantalang hinapit naman ni Merick sa bewang si Caresse para sana sabay silang sumunod kay Winston, pero tumanggi si Caresse dahil sasamahan niya raw muna ako. Ngumiti na lang si Merick at ginawaran na lamang ng isang halik sa pisngi si Caresse, bago pa ito tuluyang sumunod kay Winston. Pagkatapos no'n ay naramdaman ko na lamang na ikinawit ni Caresse ang mga kamay nito sa braso ko bago kami tuluyang magsimula sa paglalakad sa puting buhangin. "So, now tell me. Bakit kayo magkakilala ng friend ni Merick ha?" Napairap na lamang ako sa kawalan dahil tama ang nasa isip ko. Kaya ito nagpaiwan sa tabi ko ay mang-uusisa ito tungkol sa amin ni Winston. "Well, remember that guy na ipinakilala sa akin ni Lolo last night?" sagot ko rito bago ako sumulyap sa kanya. Nakita ko naman na marahan itong napatango-tango at bahagyang napanguso pa ito bago magsalita at magsabing, "Ahmm yeah, so ano namang kinalaman niya sa...Oh my G! Don't tell me?!" Napailing na lamang ako sa kanya at pagkatapos ay nagbaling na ako ng tingin sa harapan namin. "Yes, that Winston is no other than Winston Salameda." Kaagad namang napahinto ito sa paglalakad kaya naman natigil na rin ako. Kunot-noo ko siyang tinignan at sumilay naman sa mga labi niya ang malawak na ngiti na para bang sobrang na-amaze siya sa nalaman niya... "Isn't amazing? What a small world?! Kung iisipin mo ang saya no'n. Our future husbands are close friends, yeee!" sabi nito na ikinailing ko lang bago ako magpatuloy ulit sa paghakbang. "Tigilan mo nga 'yan, Caresse. We're not even sure kung tama nga ang hinala mo na si Winston na ang napili ni Lolo para pakasalan ko." Nakita ko naman itong ngumuso kaya naman nagbaling na lamang ako ng tingin sa harapan namin. Pagkatapos no'n ay mas bumilis na ang paglalakad namin sa puting sandbar. Dumidilim na rin ang buong paligid kaya naman isa-isa na ring naiilawan ngayon ang mga nakahilerang bumbilya na nakasabit sa kaliwa't kanan na gilid ng tinatahak naming sandbar. Sinipat ko na ang oras sa suot kong wrist watch at mag-aalas sais na ngayon ng gabi. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa dulo ng sandbar. Pagkarating namin doon ay bumungad sa amin sina Merick at Winston na nakatayo sa gilid ng isang circle na table, kung saan nakahain ang mga pagkain, flowers at mga pulang candles. May apat din itong upuan na sa tingin ko ay nakareserved talaga para aming apat. Napailing na lamang ako no'ng binawi na ni Caresse ang mga kamay nitong nakapulupot sa braso ko at mabilis na tumakbo ito papalapit sa fiance nitong si Merick. Napasulyap naman ako kay Winston, dahilan para sumalubong sa akin ang maganda nitong ngiti sa labi. Napangiti na lamang ako sa kanya at pagkatapos ay agad na rin akong nag-iwas ng tingin sa paligid. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, dahilan para kaagad mahagip ng paningin ko ang isang malaking shed malapit sa amin. Napapalibutan ng kulay dilaw na ilaw ng mga bumbilya ang apat na haligi nitong gawa sa makapal na tabla. Ibinaba ko pa ang tingin ko at napansin kong gawa rin sa tabla ang patag na sahig nito sa gitna. Samantalang nakapwesto naman doon ang dalawang mahahabang couch at pinagigitnaan ng mga ito ang isang maliit na glass table. Napalunok ako no'ng makita kong nakapatong doon ang dalawang wine at tatlong pulang candles. "Kiara! Let's eat!" narinig kong tawag sa akin ni Caresse, kaya naman nagbaling na ako sa kanila ng tingin. Napatango na lamang ako dahil nakaupo na silang tatlo at ako na lamang ang hinihintay nila para magsimulang kumain. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay kaagad na tumayo naman si Winston para pag-usugan ako ng upuan at nang madali lang akong makaupo. Naibaba ko na lamang ang mga tingin ko no'ng bahagya akong mapangiti rito. No'ng tuluyan na akong makaupo ay napasulyap ako kay Winston bago pa magsabi ng, "Thanks." Nakita kong ngumiti lang ito sa akin bago siya tuluyang umupo malapit sa tabi ko. Bahagya akong napangiti no'ng makita kong puro seafoods ang mga nakahandang pagkain sa amin. Matagal tagal na rin kasi mula no'ng huli akong makakain ng seafoods. Napasulyap ako sa mga kasama ko at abala na ngayon sila sa pagkain, kaya naman nagsimula na lang din akong kumain. 2 HOURS LATER Nandito na kami ngayon sa ilalim ng shed na nakita ko kanina lang no'ng dumating kami rito sa dulo ng sandbar. Hindi na ako mapakali sa pagsulyap ng oras sa wrist watch ko dahil hanggang ngayon ay mukhang wala pa ring balak umuwi nitong si Caresse. Mag- aalas otso na ngayon ng gabi kaya nag-aalala akong baka magalit sa akin si Aunt Mildred. Lalo na at hindi naman namin sinabi sa kanya na sa isang private beach resort pala kami pupunta... "Kasalanan kasi 'to ni Caresse eh! Ay naku!" tanging pagmamaktol ko sa isip. Napahalukipkip na lamang ako no'ng makita kong binuhusan pa ni Merick ng panibagong red wine ang wala nang laman na baso ni Caresse. "Aren't you drinking?" narinig kong sabi ni Winston no'ng bigla itong umupo sa tabi ko. Halos magkadikit na kami kaya naman pasimple na lamang akong dumistansya rito. "Hindi eh," sagot ko sa kanya nang may kasama pang marahang pag-iling. Ilang sandali pa ay naisip kong hanapin ang cellphone ko sa loob ng bag dahil baka tumatawag na ngayon si Aunt Mildred. Ngunit natigilan din ako no'ng maalala kong ipinatapon ko na nga pala iyon kay Merick sa basurahan kanina. Napatampal na lamang ako sa noo ko at naglakas loob nang kausapin si Caresse. "Caresse, we have to go." Nakita ko sumulyap silang pareho ni Merick sa akin dahil sa sinabi ko. "Kiara, mamaya na lang ano ka ba," pagkasabi no'n ni Caresse ay sumimsim ulit ito ng wine sa baso niya. Napailing na lamang ako at akmang magsasalita pa sana ako no'ng bigla na lang akong matigilan dahil sa hampas ng malamig na hangin sa buong katawan ko at sobrang lamig no'n. Ngunit no'ng sandaling inilibot ko ang aking paningin sa mga kasama ko ay parang hindi naman sila naaapektuhan nito. Normal pa rin ang mga galaw nila, pero ako, heto at giniginaw na sa sobrang lamig. Nasapo ko na lamang ang dibdib ko no'ng bigla na lang nanikip ito, bumibigat na rin ang paghinga ko. Hanggang sa nahagip na lamang ng mga mata ko ang isang babae na nakatayo na ngayon sa likuran nila Caresse at Merick. Nakatulala lang ako ngayon at halos ko na magawang gumalaw dahil sa pagkakatitig sa akin ng babae. Purong itim ang mga mata nitong deretsong nakatingin sa akin. Basang basa naman ng kulay itim na tubig ang naaganas na nitong katawan at para bang mayroon pa itong mga berdeng lumot. Napakasangsang at lansa ng amoy nito kaya't hindi ko na napigilan pa ang maduwal. Alam kong siya 'yung multong nakunan ng camera ng cellphone ko kanina. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko dahil nahihirapan na talaga akong huminga, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Hindi naman kasi ganito ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng mga ligaw na kaluluwa. "Kiara? Kiara! What's wrong?!" narinig ko pang sigaw ni Caresse no'ng tuluyan na akong mapahiga sa inuupuan kong couch. "Kiara?!" Nakapikit pa rin ako at hindi ko na magawang magmulat pa dahil pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay sa sobrang paghahabol ko ng hininga. "Let's take her to the hospital! Merick, Winston!!!" huli kong narinig na sigaw ni Caresse. ROMANA HOSPITAL... "Bakit ba kasi kayo nagpunta sa gano'ng lugar nang hindi man lang sinasabi sa akin!" naririnig ko na ngayon ang boses ni Aunt Mildred. Ngunit hindi pa rin ako nagmumulat ng mga mata ko. "I'm so sorry po, h-hindi na po mauulit," narinig ko naman ngayon ang boses ni Caresse. Halata sa pananalita niyang nag-aalala na rin ito sa akin. Ilang saglit lang ay bigla na lamang silang nanahimik at tanging ang tunog lang ng bawat pagyapak ng sapatos ang maririnig. Hanggang sa marahan ko nang imulat ang mga mata ko, na siyang dahilan para bumungad sa akin si Aunt Mildred na hindi mapakali at palakad-lakad. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kaya naman hindi na naalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Hindi nagtagal ay kaagad na rin itong lumapit sa akin no'ng sandaling magtama na ang paningin namin. "My God, Kiara! How are you feeling now ha?" bungad na sabi nito na siyang nagpangiti sa akin ng bahagya. "I'm fine, Aunt. There's nothing you should worry about," pagkasabi ko no'n ay kaagad na rin akong nakatanggap ng mahigpit at mainit na yakap mula sa kanya. Nahagip naman ng paningin ko sa likod nito si Caresse na para bang iiyak na dahil sa sobrang tuwa. No'ng kumalas ng pagkakayakap sa akin si Aunt Mildred ay sunod namang yumakap sa akin si Caresse at nagsabing, "I'm so sorry, If I only knew na magkakaganito ka hindi na dapat kita isinama." Nangunot na lamang ang noo ko dahil sa mga sinabi niya. Wala naman kasi siyang kasalanan, sadyang napakalakas lang siguro no'ng kaluluwa na 'yun para magawa niya ito sa akin. O 'di kaya'y isa siyang ligaw na kaluluwa na hindi na muli pang natagpuan ang liwanag, hanggang sa naging isa na siyang masamang espiritu dahil sa pananakit niya sa mga buhay na tao. Naramdaman kong kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Caresse kaya naman naigala ko na ang paningin ko sa paligid. Dahilan para magsalita si Aunt Mildred at sabihing, "We're here in Romana Hospital, dinala ka rito nila Caresse with her fiance and his friend last night." Naibaba ko na lamang ang aking tingin sa suot kong hospital gown at kamay kong may nakatusok na hose ng dextrose. "The doctor assured us that there's nothing we should worry about," pagkasabi no'n ni Aunt Mildred ay nag-angat na ako ng tingin sa kanya. Nakita kong ngumiti ito sa akin bago nito ipatong ang kamay nito sa likod ng kamay kong nakapatong sa tiyan ko. Bahagya na lamang akong napangiti sa kanya bago magsabing, "I'm sorry, Aunt. Sorry for the nervousness that I've caused you. I think it's a sign that you should lessen drinking your all time favorite coffee," narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Aunt Mildred dahil sa sinabi ko. Palagi ko kasing sinasabi sa kanya na kaya siya masyado nerbyosa ay dahil sa pag-inom niya ng apat na tasa ng kape sa isang buong araw lang. Nadako naman ang mga tingin ko kay Caresse at ngayon ay nakangiti na rin itong nakatingin sa amin ni Aunt Mildred.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD