Kabanata 6

2054 Words
Naiinis na naalimpungatan ako no'ng maramdaman ko ang pangyuyuyog sa akin ng isang tao at sa boses pa lang niya ay alam na alam ko na kung sino. "Kiara, come on! Bakit ba tulog ka ng tulog diyan," sabi nitong si Caresse habang patuloy pa rin sa pagyugyog sa akin. Kaya naman wala sa oras na napamulat ako at naiiritang nagsabi ng, "Ano ba kasi 'yun???" Kunot-noo akong tumingin sa kanya dahilan para makita kong ngumuso ito sa akin bago magsabing, "Samahan mo ako, may date kasi kami ni Merick and he has a friend with him, so I came all the way here just to pick you up cause you're my bestfriend!" Napabalikwas na lang ako ng bangon dahil sa mga sinabi niya. "Caresse, I'm sorry but I can't! I'm so exhausted and I just want to sleep the whole day, so please." Babalik na sana ako sa paghiga para matulog na lang ulit, pero kaagad din niya akong nahila sa braso ko at pagkatapos ay tinignan pa ako nito gamit ang nagmamakaawa niyang mga mata. "Please, Kiara. Just this once! Bukas hindi kita iistorbohin, I promise!" Napabuntong-hinga na lamang akong napasulyap sa oras sa wall clock at alas dos na ngayon ng hapun. Nagbaling ako ng tingin at Caresse bago nagsabing, "Fine!" Kaagad namang rumehistro sa mukha niya ang tuwa, mula sa nakangusong labi ay sumilay na ngayon dito ang malapad niyang ngiti. "Yes! Thank you, Kiara. You're the best!" pagkasabi niya no'n ay kaagad na rin akong nakatanggap ng mahigpit na yakap mula sa kanya. Sinuklian ko na lang din ang yakap niya at pagkatapos ay nagsabi na akong, "Magbibihis lang ako." Hindi nagtagal ay kumalas na rin ito sa pagkakayakap sa akin habang hindi pa rin naaalis ang masaya nitong ngiti sa mga labi. Umalis na ako sa kama at nagkusang magpunta sa banyo para maligo. Pagkapasok ko sa loob ng banyo ay pumasok ako sa transparent cubicle malapit sa bathtub. Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang mapaisip kung mahal ba talaga ni Caresse ang fiance nitong si Merick. Since hindi naman siya ang pumili rito kundi ang mga magulang niya. Natigil ako sa pag-iisip no'ng matapos na akong maligo, kinuha ko na ang puting towel na nakasabit sa gilid at ipinulupot sa buong katawan ko. Dumiretso na rin ako sa closet room ko at naghanap nang maisusuot ko. Napako naman kaagad ang tingin ko sa isang peplum dress na ang kulay ay pink flamingo. Napanguso na lang ako dahil last month ko pa ito nabili pero ngayon ko pa lang ito maisusuot. Kinuha ko na ito at isinuot, pagkatapos kong magbihis ay nagsuot lang din ako ng cream colored pair of doll shoes. Nag-ayos na rin ako ng kaunti sa makeup desk ko at nag-apply lang ako ng light makeup sa mukha ko. Bago pa ako lumabas ng closet room ay kinuha ko muna ang isang cream colored clutch bag na ginamit ko no'ng umalis kami ni Caresse kahapun. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ang wallet at cellphone ko. Hindi na ako nag-abala pang ilipat ito sa ibang bag dahil hindi naman ako maarte pagdating sa bag. Nang makalabas na ako ng tuluyan sa closet room ay kaagad ko na ring pinuntahan si Caresse. Pero hindi ko siya nakita sa may kama kaya naman naisipan kong nandoon siya sa desk ko. Sinilip ko siya roon at hindi nga ako nagkamali, nakaupo siya ngayon sa swivel chair ko habang iniikot-ikot ito. Hawak niya ang sketchpad ko kaya naman nilapitan ko siya na siyang naging dahilan para magbaling ito ng atensiyon sa akin. "Akala ko puro mga bahay lang ang makikita kong naka sketch dito sa sketchpad mo, may tao rin pala?" sabi nito no'ng iharap niya sa akin ang tinitignan niya sa sketchpad ko. "That's him, 'yung lalaking nakita ko sa vision ko," pagkasabi ko no'n ay sandali itong natigilan at mabilis na tinignan ulit ang mukha ng lalaking iginuhit ko. "Woah! Really? He's so handsome! Wala pa siyang bibig nito ha. Well I think he's perfect." Hindi ko na lamang napigilan ang matawa ng mahina dahil sa reaksyon nito. Kinuha ko sa kanya ang sketchpad at nangingiting tinitigan ang portrait na iginuhit ko. Natigilan ako no'ng makita kong totoo ang mga sinasabi ni Caresse, napakagwapo nga ng lalaking ito. Mula kasi no'ng iguhit ko ito ay ngayon ko lang ito nakita ng buo at natitigan ng matagal. "Yeee! Kiara ha, I think type mo 'yang lalaki na 'yan!" rinig kong sabi ni Caresse dahilan para sulyapan ko siya ng nakakunot-noo. "If I were you, I will find him. Malay mo naman 'di ba? Mayaman siya at siya pa ang mapili ng Lolo mo para mapangasawa mo, how about that ha?!" Napailing na lamang ako sa mga sinasabi nito at kaagad nang itiniklop ang sketchpad ko. "Ay naku, aalis ba tayo o hindi?" nasabi ko na lamang dito habang iniaayos ko ang mga gamit ko sa desk. "Ofcourse aalis! Tara na nga!" pagkasabi niya no'n ay naramdaman ko nang pumulupot ang mga kamay niya sa braso ko at pagkatapos ay hinila na ako nito para umalis at lumabas ng kwarto. 3 HOURS LATER Naniningkit na ang mga mata ko habang nakatanaw sa labas ng bintana ng van na sinasakyan namin ngayon ni Caresse, dahil halos magtatatlong oras na kami sa biyahe. Napasulyap na lang ako sa kanya at sinalubong naman niya ito ng malapad na ngiti. Napailing na lamang ako habang iniisip na, "Kaya naman pala ayaw niyang gamitin namin ang kotse niya dahil tamad siyang magmaneho ng ganito kalayo, tsk..." Nabaling na lamang ulit ang tingin ko sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga malalapad na puno sa gilid na nadaraanan namin. Ang sabi kasi nitong si Caresse sa akin kanina ay magdidate lang daw sila ni Merick. Pero nagsinungaling pala ito sa akin at huli na para umatras pa ako dahil nasa kalagitnaan na kami ng biyahe no'ng sinabi niyang sa isang private beach resort pala kami pupunta. Pagmamay-ari raw iyon ng friend ni Merick at isa raw iyon sa pinakamagandang beach resort dito sa buong Pasega City. Ilang saglit lang ay napalingon ako kay Caresse no'ng magsalita ito, "We're here!" Ngiting-ngiti pa ito na para bang ngayon lang makakapunta sa isang beach resort. Nagbaling na lamang ako ng tingin sa harapan at bumungad naman sa amin ang isang napakalapad na gate at gawa ito sa makapal na tabla. May arko rin sa itaas nito at nakapaskil dito ang pangalang 'Casa Lidagat Beach Resort'. Ilang sandali lang ay nagbukas na rin ang gate at sumalubong naman sa amin ang fiance ni Caresse na si Merick. Hindi nagtagal ay inabante na rin ni Mang Rudy ang sinasakyan naming van papasok sa loob ng gate. No'ng tuluyan niya na itong mai-park sa loob ay pinagbuksan naman kami ng pinto ng dalawang lalaking nagbukas din ng gate kani-kanina lang. Nakasuot ang mga ito ng dark blue shirt at para bang ito ang uniform nila rito sa resort. Pagkababa namin sa van ay tinanguan ko ang lalaking pinagbuksan ako ng pinto at pinasalamatan ito. Tinugunan lang din ako nito ng bahagyang pagtango at pagkatapos ay umalis na ito kasama ang isa pang lalaki. Nadako na lamang ang paningin ko kina Caresse at Merick na kasalukuyan nang naglalampungan, tsk. "Maglalandian na nga lang sinama pa ako rito, ay naku. Kung hindi lang kita bestfriend ahmmmff!" pagmamaktol ko sa isip habang nakahalukipkip lang na nakatanaw sa dalawa. Hindi nagtagal ay naalala ako ni Caresse kaya naman nagbaling ito sa akin ng tingin at agad namang sinundan iyon ni Merick. "Hi Kiara, nice seeing you again!" sabi ni Merick na siyang tinanguan ko naman at tinugunan ng pilit ngunit malapit na pagngiti. "Let's go?" pagkasabi no'n ni Merick ay nilapitan na ako ni Caresse para hilahin ako sa braso ko. Napairap na lamang akong napilitan sa paglalakad para sumama sa kanilang dalawa. Pumasok pa kami sa isang gate na light blue ang kulay at gawa na ito sa bakal, pagkapasok namin sa loob ay sumalubong naman sa amin ang puting buhangin at nagtataasang puno ng niyog. Naglakad pa kami papasok sa loob at dinaanan lang namin ang mga puno ng niyog. Pagkalampas namin sa mga ito ay halos mapanganga ako at matulala sa sobrang ganda ng tinatamasa ngayong view ng mga mata ko. Ang nasa harapan namin ngayon ay isang napakalawak at napakahabang puting sand bar. Ang mga cottage naman ng resort ay nakahilera sa kanan at kaliwang gilid ng sand bar. Gawa ang mga ito sa makakapal na tabla at naglalakihang bato, samantalang ang mga bubong naman ng mga ito ay gawa sa nipa na kinulayan pa ng kulay asul at puti. Nakapatong ang mga cottage na ito sa makakapal na sementong may mga haligi at paa na siyang nakatapak sa asul na tubig ng dagat. "Oh my G! It's true!!! Sobrang ganda rito!!!" pagsusumigaw ni Caresse habang nakaunat pa ang dalawang braso sa kawalan. Narinig ko namang natawa si Merick dahil sa nakikita niyang ginagawa ng fiancee niya. Bahagya akong napangiti no'ng makita kong nakatitig na siya ngayon kay Caresse at nakangiti. Ngayon ay parang konbinsido na akong baka nga mahal na rin talaga nila ang isa't-isa kahit na arranged marriage lang ang dahilan kung bakit sila nagkaroon ng relasyon. Ilang saglit lang ay bigla na lamang napayakap si Caresse kay Merick, kaya naman ibinaling ko na lamang ulit ang paningin ko sa malawak na dagat sa paligid namin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti no'ng makita kong malapit nang lumubog ang araw at kitang-kita rito ang sunset. Sa sobrang ganda nito ay naisipan ko itong kunan ng picture, kaya naman madali na akong kinuha ang cellphone ko sa loob ng dala clutch bag. No'ng makuha ko na ito ay kaagad ko na rin na-set up ang camera, pero no'ng sandaling itutok ko na ang camera ng cellphone ko sa may sunset ay... "Ahhh!" Kaagad akong napasigaw at napabitaw sa hawak kong cellphone no'ng bigla na lamang sinakop ng isang mukha ng babae ang buong screen nito. Kitang-kita ko ito dahil nagmistulang lumapit ito sa likod ng cellphone ko para makuhanan ko siya ng close up. Nanginginig na ngayon ang mga kamay ko dahil ang hirap maalis sa isipan ko ang naagnas nitong mukha at purong kulay itim niyang mga mata. "Kiara?! What's wrong?!!" Naramdaman kong humawak sa mga braso ko si Caresse no'ng makalapit ito sa akin. Samantalang pinulot naman ni Merick ang nabitawan kong cellphone. Ibinabalik niya ito sa akin pero umiling ako at nagsabing, "P-please, just throw it away." Nakita kong nangunot ang noo nito pero marahan pa rin itong tumango. Pagkatapos no'n ay sinundan ko lang siya ng tingin no'ng lumapit na ito sa isang malaki at kulay berdeng trash bin para itapon ang cellphone. "What's going on ha? Kiara, talk to me." Nabaling naman ang atensiyon ko kay Caresse na ngayon ay parang iiyak na dahil sa sobrang pag-aalala. Kinuha ko ang mga kamay niya sa mga braso ko at hinawakan ang mga ito dahil parang mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin. "Don't worry, I'm fine. There's nothing you should worry about," sabi ko rito bago ako ngumiti ng bahagya sa kanya. "Merick!" rinig naming tawag ng isang boses lalaki kay Merick, kaya naman nabaling ang atensiyon naming lahat dito at pare-pareho namin itong tinapunan ng tingin. Kaagad namang nangunot ang noo ko no'ng makilala ko kung sino ito. Natigilan naman ito sandali no'ng magtama ang mga tingin namin, pero hindi nagtagal ay nangiti na rin ito sa akin. "Winston!" banggit din ni Merick sa pangalan niya at pagkatapos no'n ay kaagad ng lumapit sa kanya si Winston. Nagtawanan at nagyakap muna ang dalawa bago sila tuluyang lumapit sa kinatatayuan namin ni Caresse. "So, this is my friend Winston," pagkasabi no'n ni Merick ay ngumiti lang sa amin si Winston. "And ofcourse, Winston. This is Caresse, my lovely fiancee," pagkasabi no'n ni Merick ay nakipagkamay naman si Caresse kay Winston kasabay ng pagsabi nito ng, "Hi." "While this is Kiara, her bestfriend," pagpapakilala naman Merick sa akin dito kay Winston. Nakita kong ngumiti ito sa akin bago magsabing, "Yes, I know her." Napalunok na lamang ako no'ng mapako na ang mga tingin niya sa akin habang hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa kanyang mga labi na nakakadagdag lang sa pagiging charming nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD