Tulala lang akong nakatingin ngayon sa bawat baitang ng hagdan na hinahakbangan ko paakyat sa itaas. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga sukat akalain na pakikitunguhan pa ako ni Lolo ng gano'n. Magmula kasi no'ng mamatay sila Mom at Dad ay hindi na ako muli pang kinausap nito at kahit banggitin man lang ang pangalan ko ay hindi niya na rin ginawa...
Ngunit sa isang iglap lang ay nagawa niya muli akong tawagin sa pangalan ko at kausapin ako. Gusto kong makaramdam ng saya dahil doon, pero hindi ko magawa. Hindi naman kasi ako sigurado kung ginawa niya ba 'yun dahil tinatanggap niya na ulit ako bilang apo niya, o ginawa niya lang 'yun dahil do'n sa lalaking ipinakilala niya sa'kin kanina.
Nang makarating na ako sa itaas ay napabuntong-hinga muna ako bago ko tuluyang tahakin ang right hallway papunta sa kwarto ko. Sandali akong natigilan sa paglalakad no'ng maramdaman kong dumaan ang isang malamig na hangin sa may gilid ko. Nahaplos ko na lamang ang mga braso ko bago ako magpatuloy sa paglalakad. Nang marating ko ang harapan ng pinto ng kwarto ko ay kaagad ko na itong binuksan para makapasok na sa loob.
Pagkapasok ko rito ay nadatnan ko namang nakadapa si Caresse sa ibabaw ng kama ko. Nakatutok ito sa hawak niyang cellphone habang abala sa ginagawang pag scroll up and down sa screen nito. Sandali itong sumulyap sa akin, pero kaagad din niyang ibinalik ang mga tingin niya sa screen ng cellphone.
"So, how's your little chit chat with our masungit Grandpa Armani?" rinig kong tanong nito, dahilan para lumapit ako sa kama ko at pabagsak na humilata sa tabi niya.
"Well, it's fine. He introduced to me this guy named Winston Salameda." Naramdaman ko naman na umupo ito mula sa pagkakadapa at agad na nagsabing, "Sino naman 'tong Winston na 'to? Is he rich, popular and handsome?" Napairap na lamang ako bago sumulyap sa kanya at sumagot ng, "Well, according to Lolo, he's the only heir of Salameda's group and corporation." Nangunot naman ng bahagya ang noo ko no'ng mapansin kong ngumisi ito sa akin.
"So he's rich, eh how about his look?" Bahagya naman akong napanguso bago ko siya tuluyang sagutin ng, "Ahm oo, gwapo siya." Sumilay naman lalo sa mga labi niya ang nakakaloko nitong ngiti bago ito humiga sa tabi ko at tumagilid paharap sa akin.
"Hindi kaya... siya na ang napili ng Lolo mo para sa'yo?" tanong nito na ikinakunot naman ng noo ko.
"What do you mean?" balik na tanong ko naman sa kanya dahilan para mapailing ito.
"O come on! I know they already told you bout it." Naibaling ko na lamang ang paningin ko sa kesami ng kwarto ko at kusang nanahimik. Hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang sarili kong malunod sa malalim na pag-iisip.
2 years ago, Aunt Mildred already told me about it. Hindi ako pwedeng magpakasal hangga't wala pang napipiling lalaki si Lolo para pakasalan ko. Just like what he did to Mom and Aunt Mildred, but unfortunately Uncle Arturo died early due to his brain tumor.
No'ng tinanong ko si Aunt Mildred kung bakit ito ginagawa ni Lolo ay dahil daw ito sa pagpapalawig ng kanyang negosyo. Sisiguraduhin nitong magiging karapat dapat ang lalaking mapipili niya para sa amin at nang mapakinabangan niya ito pagdating sa kanyang negosyo.
Ngunit hindi ako pabor sa gawaing ito ni Lolo, ayokong maging asawa ang sinumang lalaking ihaharap niya sa akin nang dahil lang sa mga kayamanan nito at mga negosyo.
3 HOURS LATER
Nang makaalis na si Caresse para umuwi sa kanila ay dumiretso na rin agad ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko rito sa loob ay nahagip naman ng paningin ko ang oras sa wall clock ng kwarto ko. Bahagya akong napahikab no'ng makita kong alas nuebe na pala ngayon ng gabi. Masyado yata akong napagod kanina kung kaya't ngayon ay dinadalaw na ako ng antok. Pagkatapos kasi ng halos dalawang linggo ay ngayon lang ulit ako nakalabas dito sa mansion, hindi naman kasi talaga ako mahilig gumala at mag shopping kagaya ni Caresse.
Nagkusa na akong magpunta sa banyo para sandaling maligo at linisin ang katawan ko. Walang sampong minuto ay natapos na rin ako kaagad, kaya naman nagbihis na ako ng komportableng damit sa pagtulog. Pagkatapos no'n ay awtimatiko nang hinanap ng katawan ko ang malambot kong kama, kaya naman malaya ko nang ibinagsak ang sarili ko sa kama at hinayaang dalawin na ako ng antok. Napayakap na lamang ako sa malambot kong unan hanggang sa maipikit ko na ang mga mata ko.
"Amor!" Kaagad akong napamulat no'ng marinig ko ang tawag ng isang boses lalaki. Halos lumuwa ang mga mata ko no'ng makita kong wala ako sa loob ng kwarto ko at sa halip ay nandito ako ngayon sa harap ng isang ilog. Nangunot ako no'ng makita ko ang isang babae, ngunit hindi ko makita ang itsura nito dahil nakatalikod ito mula sa akin.
"Amor!" Kaagad na napalingon ako sa likuran ko no'ng marinig ko ulit ang boses no'ng lalaki. Paglingon ko ay sumambulat sa akin ang mukha ng isang lalaki na sobrang pamilyar sa akin. Halos manghina ang mga tuhod ko no'ng maalala kong siya 'yung lalaking nakabangga sa akin sa mall.
Malawak ang ngiti nito ngunit parang hindi ako nito nakikita o napapansin man lang. Sinundan ko lang siya ng tingin no'ng dumaan ito sa harapan ko at papalapit na ngayon ito doon sa pwesto no'ng babaeng nakatalikod sa amin. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit dito ay kaagad ng humarap sa kanya ang babae dahilan para halos mabuwal na ako ngayon sa pagkakatayo ko.
Halos hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko dahil kamukhang kamukha ko 'yung babae. Wala sa oras na naipikit ako mga mata ko no'ng magusot ko ito gamit ang mga kamay ko. Ngunit pagmulat ng mga mata ko ay kaagad na napabalikwas ako ng bangon no'ng bumungad sa akin ang loob ng kwarto ko.
"P-panaginip lang? Bakit ko siya napapaginipan?"
Nabaling naman ang atensiyon ko sa kulay peach na curtain sa bintana ng kwarto ko no'ng gumalaw ito at parang nagmistulang itinangay ng malakas na hangin. Naningkit naman ang mga mata ko dahil imposibleng makapasok ang hangin dito sa loob kung nakasara naman ang mga bintana rito. Ikinalat ko ang aking paningin sa apat na sulok ng kwarto hanggang sa mabalik muli ang mga tingin ko sa bintana no'ng mapansin ko ang isang itim na anino.
Bumigat ang paglunok ko at nakahawak ng mahigpit sa hawak kong kumot no'ng mapansin kong unti-unting nagbabago ang itsura nito. Mula sa pagiging anino ay naging tao ito, isang babaeng buntis ngayon ang nakatitig sa akin. Umiiyak ito at humihikbi na para bang wala na itong katapusan.
"M-maawa ka sa'kin, t-tulungan mo na ako..." Sa halip na matakot ay nakakaramdam pa ako ngayon ng inis. Hindi ko akalain na sasama at sasama siya sa akin lalo na't pinaalis ko na siya.
"Hindi ka ba nakakaintindi?! Hindi nga kita matutulungan kaya umalis kana!" sigaw ko rito na siyang naging dahilan para mas tumindi pa ang pag-iyak nito dahil mula sa marahang paghikbi ay humahagulgol na ngayon ito.
Hindi nagtagal ay unti-unti na rin itong nawala sa paningin ko na siya namang ikinahinga ko ng maluwag. Tinignan ko na lamang ang oras sa wall clock at nangunot ako no'ng alas tres pa lang ngayon ng madaling araw. Nagbaba ako ng tingin dahilan para mangunot ako no'ng makakita ako ng mga patak ng dugo sa puting kumot na hawak ko.
"Right!" Napairap na lamang ako bago ako kumuha ng wipes sa wipes dispenser box na nakapatong lang sa nightstand table ko. Pagkatapos kong pahirin ang sariwang dugo na lumabas sa ilong ko ay naisipan kong humiga na lang ulit at bumalik na sa pagtulog. Kaso bigla rin akong natigilan no'ng sumagi nanaman sa isip ko 'yung mukha no'ng lalaki sa panaginip ko.
"Amor ang tawag niya ro'n sa babaeng kamukha ko, 'yun kaya ang pangalan niya?" nasabi ko na lamang sa isip ko bago ako tuluyang matulala at madako ang paningin sa kinaroroonan ng desk ko. Hindi nagtagal ay naisipan ko na rin ang umalis sa kama para puntahan ang desk ko.
Pagkarating ko rito ay umupo na ako kaagad sa swivel chair, kinuha ko na rin ang sketchpad ko at binuklat ito para humanap ng malinis na pahina. Naisip ko kasi na baka makalimutan ko na ang eksaktong mukha no'ng lalaki sa panaginip ko kapag nagising ulit ako kinabukasan. Napasinghap na lamang ako bago ko maipikit ang mga mata ko, pilit kong inaalala ang mga panaginip ko kanina. Hanggang sa makita ko na ang mukha niya, 'yung lalaki.
Napamulat ako at kaagad na kumuha ng lapis para simulang iguhit ang shape ng mukha nito. Pumikit ulit ako at sunod kong pinagtuunan ng pansin ang hugis ng mga mata niya, mapupungay na mata. Napamulat naman ako para sunod na iguhit ang mga ito.
Nang matapos ko na ito ay natutop ko ang mga bibig ko no'ng maramdaman kong papahikab na ako. Nasipat ko ang oras sa maliit na clock sa desk ko at mag-aalas kwatro y medya na ngayon ng umaga. Napailing na lamang ako dahil sa pagpipigil ng antok ko para lang matapos ko ang ginagawa ko. Napasinghap ako bago ako pumikit ulit at pagtuunan naman ng pansin ang ang ilong nito, tamang tama lang ang pointed na hugis nito. Pinilit kong magmulat at pagtuunan ulit ng pansin ang sketchpad, halos hindi ko na maitutok pa ang dulo ng lapis sa iginuguhit ko kaya naman napailing na lamang ako at pagbasak na sumandal sa lean ng swivel chair.
"Mamaya ko na lang kaya ituloy 'to" nasabi ko sa isip ko habang idinuduro ang dulong pambura ng lapis sa sentido ng ulo ko.
"Pero paano kung makalimutan ko na nga? Tapos hindi ko na ulit siya mapaginipan?" Napabuntong-hinga na lamang ako sa mga naiisip ko. Ilang saglit lang ay nagdesisyon akong kunin sa maliit na drawer ang isang eye drops para patakan ang mga mata ko. Kaagad naman akong nakaramdam ng hapdi sa mga mata ko no'ng mapatakan ko na ang mga ito. Kumurap-kurap ako para mas kumalat ito at pansamatalang magising ako pati na rin ang diwa ko.
Pagkatapos no'n ay ibinalik ko na ulit ang atensiyon ko sa iginuguhit ko at sinimulang iguhit ang ilong nito. Matapos ang ilang minuto ay nakahinga rin ako ng maluwag no'ng matapos ko na ito. Hindi ko naman maiwasan ang sariling mapangiti habang tinitignan ang naiguhit ko, hindi ako makapaniwalang kuhang kuha ko ang itsura nito.
Gusto ko sanang ituloy na hanggang sa bibig nito kaso naisip kong guhitan na muna ito ng buhok. Ang linis tignan ng haircut niya at itim na itim rin ang kulay nito. Side parted ito dahil nasa bandang gilid ang guhit na humahati sa mga buhok nitong nakahiga dahil parang pinahiran ito ng gel.
Nang matapos ko na ito ay awtimatikong nabaling ang tingin ko sa orasan at mag-aala sais na ngayon ng umaga. Ilang sandali na lang ay sisikat na ang araw, nakakaramdam na rin ako ng pagod at pangangalay ng kanang kamay at braso ko.
"Huling part na lang, Kiara. 'Yung lips na lang," pagkasabi ko no'n sa isip ko ay napapikit ulit ako para alalahanin ang mga labi no'ng lalaki.
5 HOURS LATER
"Kiara? Honey wake up," rinig kong sabi ni Aunt Mildred kaya naman marahan ko nang iminulat ang mga mata ko. Halos mapakurap ako no'ng makaramdam ako ng konting hapdi sa mga mata ko.
"Are you okay? Bakit naman dito kana natulog sa desk mo?" Nangunot kaagad ang noo ko dahil sa mga sinabi niya. No'ng sandaling maalala ko na kung bakit ako nakatulog dito sa desk ko ay kaagad nang nanlaki ang mga mata ko at awtimatikong napatingin sa sketchpad na nakapatong pa rin ngayon sa desk ko. Umayos ako ng upo sa swivel chair at napatitig sa iginuhit ko, halos matampal ko ang sarili dahil kulang ito dahil hindi ko na naiguhit pa ang mga labi nito.
"Darn it! Kiara." Napasubsob na lang ako sa sketchpad ko sa desk at mariing napapikit.
"Honey, what's wrong ha? May sakit ka ba?" pagkasabi no'n ni Aunt Mildred ay kaagad niyang hinaplos ang noo at pisngi ko.
"May sinat ka ah, ano bang ginawa mo kagabi?" tanong nito dahilan para umalis ako sa pagkakasubsob sa desk at humarap sa kanya.
"Don't mind me, Aunt. I'm fine, I just need some sleep." Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa swivel chair at pasuray suray na naglakad papunta sa kinaroroonan ng malambot kong kama. No'ng makarating na ako roon ay kaagad ko na ring ibinagsak ang katawan ko sa kama at tinakpan ko ng malambot na unan ang mukha ko.