Halos mangangalahating oras na kaming nakasakay ngayon dito sa loob ng van pero hindi ko pa rin magawang alisin ang pagkakatitig ko sa mga kamay ko. Hindi na rin kasi mawala sa isipan ko 'yung itsura ng lalaking nakabangga sa akin kanina sa loob ng mall. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung ano ba ang meron sa mga kamay ko at nang hawakan niya ito ay bigla na lamang nagpakita sa akin ang mga pangyayaring iyon na para bang parte iyon ng pagkatao ko.
"Are you thinking about that guy again?" Napasulyap naman ako sa katabi kong si Caresse no'ng magsalita ito. Marahan akong napatango bago ko ulit ibalik ang mga tingin ko sa mga kamay ko.
"It's weird, I don't know pero alam mo 'yun, parang may connection talaga kaming dalawa at nakita ko 'yun," sagot ko naman sa kanya.
"What do you mean, nakita mo?" Napabuntong-hinga na lamang ako bago nag-angat nang tingin at deretsong tumitig sa tinatahak na daan ng sinasakyan naming van.
"N-nagkaroon ako ng vision about us, magkasama kami at magkakilala. Doon pa nga mismo sa bahay na lagi kong napapaginipan." Nagbaling ako ng tingin sa kanya no'ng bigla itong manahimik, dahilan para makita ko kung paanong mangunot ang noo nito na para bang hindi ito makapaniwala sa mga sinasabi ko sa kanya.
"N-nakakakita ka ng ganyang visions? Pero kailan pa nagsimula 'yan?" tanong nito na siyang ikinababa ng mga tingin ko.
"Ngayon lang, no'ng nahawakan niya ako tsaka lang nagpakita ang mga gano'ng visions sa akin." Nasapo ko na lamang ang kamay kong nahawakan kanina no'ng lalaking nakita ko sa vision ko.
"Fine, let's just say na may connection nga kayong dalawa sa isa't-isa, pero ano naman 'yun?" Naningkit ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya at napaangat ulit ang mga tingin ko sa harapan ng van.
"Sandaling sandali lang nagpakita sa akin ang vision na 'yun, pero nasisiguro kong hindi 'yun sa present at mas lalong hindi rin 'yun sa future," sagot ko sa kanya.
"So it's in the past?" Sinulyapan ko siya at marahang tumango-tango bago ako sumagot ng, "Maybe."
"Kung sa past nga 'yung vision na nakita mo? Hindi kaya...hindi kaya part siya ng buhay mo sa past life mo???" Nangunot naman ako at marahang nagbaling ng tingin sa harapan bago mapaisip ng, "Past life? May gano'n ba talaga ang isang tao?"
Akmang magbabaling na sana ako ng tingin kay Caresse no'ng bigla na lamang akong maalerto at agad na mapasigaw ng, "Mang Rudy! Stop this van! 'Yung buntis na tumatawid masasagasaan mo!!!" Halos masubsob kami ni Caresse sa likod ng mga upuan sa harapan dahil sa sobrang lakas ng pagpreno ni Mang Rudy sa sasakyan.
Kaagad akong nag-angat ng tingin sa harapan namin kung saan sumambulat sa akin ang isang buntis na babae na tumatawid na ngayon sa gitna ng kalsadang daraanan namin. Nakatagilid ito at hindi man lamang ito lumilingon sa amin, ngunit ilang sandali pa ay bigla itong huminto sa paglalakad.
"Miss, mukhang wala naman pong buntis na tatawid sa daraanan natin eh." Halos magpanting ang tenga ko dahil sa mga sinabing iyon ni Mang Rudy.
"I don't see anyone either, are you sure nakita mong may papatawid?" sabat na tanong naman ni Caresse, na ngayon ay nakatingin na rin sa harapan gaya ko. Napalunok na lamang ako no'ng mapansin kong unti-unti na ngayong lumilingon sa direksyon namin ang nakikita kong babae.
"Mang Rudy, let's go at pakibilisan na lang ho please!" No'ng marinig 'yun ni Mang Rudy ay kaagad na rin niyang pinaabante ang sinasakyan naming van. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko no'ng sandaling masagasaan na namin ang multong nasa gitna ng kalsada.
"Kiara, are you okay?" Napamulat ako no'ng maramdaman ko ang mga kamay ni Caresse na humawak sa kamay ko. Binalingan ko siya ng tingin at marahang tinanguan para ipaintinding okay lang ako.
Sandali akong napanatag at nakahinga ng maluwag no'ng maisip kong naiwasan na nga namin ang multong nagpakita sa akin. Ngunit hindi nagtagal ay kaagad ding nabawi iyon no'ng sandaling maramdaman kong manindig ang mga bahalahibo ko batok at braso.
"P-pakiusap, t-tulungan mo ako!" Halos mabingi ako sa iyak at pakiusap ng isang tinig babae sa bandang harapan ko.
"Tulungan mo ako!!!" Naipikit ko na lamang ang mga mata ko dahil sa malakas na singhal niyang iyon sa akin. Ramdam ko sa kanyang pagmamakaawa ang sakit at hinagpis na para bang hindi ito matahimik.
Ngunit sa kabila ng mga sigaw at pagmamakaawa niyang iyon ay mas pinili kong hindi siya pansinin at balingan ng tingin. Hanggang sa bigla na lamang akong makaramdam ng matinding lamig sa noo ko na para bang hinaplos niya ito. Kasabay no'n ang pagpapakita nito sa akin ng isang pangyayari.
Madilim na ang paligid at tanging ilaw lang ng mga street lights ang nagbibigay liwanag sa mahabang kalsada. Nakita kong paparating ang isang kulay pulang kotse. Huminto ito at bumaba naman mula rito ang isang lalaki, hindi ito mapakali sa paglakad at para bang nagpupuyos ito sa galit. Hindi nagtagal ay bumaba naman mula sa kotse ang isang babae at buntis ito.
"Rex, umuwi na tayo! Bumalik na tayo sa bahay!" singhal ng babae ro'n sa lalaki.
"Para ano ha?! Para sumama kana ro'n sa kabet mo?! Sabihin mo nga sa'kin Lanny, sa akin ba 'yang dinadala mo o anak 'yan ng gagong kabet mo?!!" nagpupuyos sa galit na singhal no'ng lalaki, dahilan para gawaran siya ng malakas na sampal no'ng babae.
"Sino bang nagsusumiksik ng ganyang karuming balita sa utak mo ha?! Si Jenny ba? 'Yung malandi mong secretary na gustong gusto kang ahasin?!!" balik na singhal no'ng babae sa lalaki, dahilan para mapailing na lamang ito at magmadali nang sumakay sa loob ng kotse.
"Rex! Rex, ano ba?!" sigaw no'ng babae habang kinakalampag ang mga pinto ng kotse na ini-lock no'ng lalaki dahil ayaw niyang itong pasakayin sa loob. Umiiyak na ngayon ang babae at pilit na pinipigilan ang pag-andar ng kotse.
Hindi nagtagal ay tuluyan na ring umalis ito at naiwang mag-isa ang buntis na babae sa gitna ng kalsada. Hanggang sa hindi na nito namalayan pa ang isang rumaragasang kotse na papalapit sa kanya. Mabilis siya nitong nabundol at nasagasaan, nasapo ko naman ang dibdib ko no'ng maramdaman ko ang agarang paninikip nito.
Bago pa tuluyang malagutan ng hininga ang buntis ay nakita niya pang bumaba ang isang babae sa kotseng nakasagasa sa kanya.
Namumutawi ang ngiti sa mga labi nito bago ito magsabing, "Akin na ngayon ang asawa mo." Pagkatapos no'n ay may tinawagan sa cellphone ang babae. Naging mabilis na ang mga pangyayari at dumating ang dalawang lalaki sa insidente. Kinuha nila ang bangkay ng buntis at ibinaon sa loob ng kakahuyan malapit lamang sa pinangyarihan ng insidente.
Hindi nagtagal ay bigla na lamang ako napamulat at napasinghap dahil tumigil na ang multo ng babae sa pagkakakita sa akin ng mga nangyari sa kanya.
"Tulungan mo ako, pakiusap, kailangang malaman ng asawa ko na pinatay ako ng babaeng 'yun, si Jenny." Kaagad ko siyang binalingan ng tingin, dahilan para makita ko ang namumuti at putlang-putla niyang balat, maging ang paghagulgol niya ng iyak. Sandali akong nakaramdam ng awa para sa kanya, pero isinantabi ko rin iyon at mas piniling mag-iwas ng tingin.
"U-umalis kana, wala akong pakialam sa'yo at hindi kita matutulungan." Lalo pang lumakas ang hagulgol ng babae sa harapan ko kaya naman sinigawan ko na ito at nagsabing, "Umalis kana!!!"
Kaagad na napahinto ang sinasakyan naming van no'ng magulat si Mang Rudy at biglaang pumreno. Samantalang si Caresse naman ay bigla akong hinawakan sa magkabilang braso at nagsabing, "Kiara! What's wrong? S-sinong kausap mo???" Mariin na lamang akong napapikit no'ng ma-realize ko kung ano ang nagawa ko.
"It's n-nothing, Mang Rudy, please just continue driving," nasabi ko na lamang, na siya namang sinunod ni Mang Rudy at muli nanamang pinaandar ang sasakyan.
"Oh my God! Kiara, you're bleeding again! Are you sure you're okay???" nag-aalalang tanong ni Caresse bago ito maghalungkat ng tissue sa loob ng bag niya. Napasulyap ako sa front seat at wala na rin doon ang multo ng babae.
"I'm fine, Caresse, don't worry," sagot ko rito bago ako napasandal at kinuha ang iniaabot niyang tissue. Marahan ko na lamang pinahid ang dugo na nagmumula sa ilong ko at napabuntong-hinga.
Pagkatapos no'n ay naging tahimik at maayos na ang naging biyahe namin pauwi. Napansin kong malapit nang magdilim sa labas, kaya naman sinipat ko ang oras sa wrist watch ko tama lang para makita kong ala sais na pala ngayon ng gabi. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa harapan ng mataas at malapad na gate ng mansion. Wala pang limang segundo ay unti-unti na ring nagbukas ang gate sa harapan namin, kaya naman inabante na ni Mang Rudy ang sasakyan papasok sa loob. Nang makapasok na kami ng tuluyan loob ay mabilis namang bumaba si Mang Rudy ng sasakyan para dali-dali kaming pagbuksan ng pinto ng van.
"Thank you po," tanging nasabi ko kay Mang Rudy, bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan. Pagbaba ko ay agad nangunot ang noo ko no'ng mapansin ko ang isang itim na Mercedes-Benz Suv na nakaparada sa harapan lang ng mansion. Nang maramdaman kong makalapit na sa akin si Caresse ay agad ko itong tinanong, "Caresse, is this yours?" Itinuro ko ang nakaparadang Suv sa kanya, dahilan para makita kong umiling ito at sumagot ng, "No, my car was right there." Itinuro naman nito kung nasaan ang kotse nito.
Marahan na lamang akong napatango dahil baka may bisita lang sa loob si Tita or si Grandpa. Napansin ko na wala pang planong umuwi ni Caresse kaya naman niyaya ko na lang muna siyang pumasok sa loob at nang makasama namin siya sa dinner. No'ng pumayag ito ay nanguna na akong maglakad papunta sa main door ng mansion. Pagkarating namin sa harap ng pinto ay kaagad din kaming sinalubong at pinagbuksan ng dalawang maids.
Tumango lang ako sa kanila bago kami tuluyang pumasok sa loob. Sabay na naming tinatahak ngayon ang papunta sa may hagdan, no'ng sandali kaming matigilan dahil parehong nabaling ang tingin namin sa mga taong masayang nagkwekwentuhan sa malawak na living area. Nakaharap sa direksyon namin ngayon si Lolo habang masayang kausap ang isang lalaking hindi namin makilala dahil sa nakatalikod ito sa amin.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko no'ng mapansin kami ni Lolo at bigla itong magbaling ng tingin sa amin. Kaagad na akong nag-iwas at nagbaba ng tingin dahil baka magalit ito sa amin. Napahawak na lamang ako sa braso ni Caresse no'ng aayain ko na sana siyang umakyat sa itaas, kaso natigilan ako no'ng marinig ko ang boses ni Lolo.
"Kiara, come here." Napasulyap ako kay Lolo at nakita kong bahagya itong ngumiti sa akin, kaya naman halos mapanganga ako at para bang hindi makapaniwala.
"Ah, good evening po, Grandpa!" rinig kong bati ni Caresse kay Lolo bago ako nito kalabitin at bumulong ng, "I'll just wait you upstairs." Napabuntong-hinga na lamang ako at marahan siyang tinanguan, dahilan para mabilis na itong humakbang paakyat sa taas. Samantalang ako ay naman ay humakbang na rin palapit kay Lolo sa may living area.
Nang makarating na ako sa kinaroroonan nila ay mas lumapad pa ang mga ngiti ni Lolo na siyang ikinalunok ko. Hindi kasi normal na ganito siya ngayon makitungo sa akin, parang may mali.
"Kiara, this is Winston Salameda. The only heir of Salameda's group and corporation," pagpapakilala ni Lolo sa kausap niyang lalaki, kaya naman binalingan ko ito ng tingin at marahang tinanguan. Sumilay naman ang maganda nitong ngiti sa manipis nitong mga labi, matangos din ang ilong nito at parang almond shape naman ang mga mata niya.
"It's so nice to finally meet you, Kiara." Tumayo ito at inilahad ang kanang kamay niya sa akin na para bang gusto nitong makipag shake hands sa akin. Ilang segundo rin bago ko inabot ang kamay nito at tuluyang makipag kamay sa kanya. Muli namang sumilay ang ngiti sa mga labi nito at nakakaengganyo ito kaya naman hindi ko na rin napigilan pa ang tumugon dito ng ngiti.