Kasalukuyan kaming naglalakad ni Caresse papasok sa loob ng D'Villa Mall, ang isa sa pinakamalaking mall dito sa Pasega. Isa lang ito sa limang branch ng mall na pagmamay ari ng pamilya De Villa.
Pagkapasok namin sa loob ay pinuntahan namin ang elevator dahil gustong umakyat ni Caresse sa 3rd floor kung nasaan ang Department store section. Pagbukas ng elevator ay sumakay na kami agad tsaka ko pinindot ang no. 3 button. Napasulyap naman ako kay Caresse no'ng magsalita ito.
"Kiara alam mo, ang old fashioned mo, kaya ka hindi nagkakaboyfriend eh, sobrang conservative mo! I mean look at you? Your dress was so covered and boring." Napailing na lang ako sa mga sinasabi ni Caresse, well actually ganyan naman talaga siya when it comes to fashion, kapag may hindi siya nagustuhan, paprangkahin niya.
"Alam mo ikaw? Kanina mo pa pinapansin 'tong suot ko, tignan mo nga 'yang suot mo, you're almost naked!" sabi ko, dahilan para tignan nga niya ang sarili niyang nakasuot ngayon ng red tube at napaka-igsing fitted skirt. Napanguso na lang ito at umirap sa akin, kaya naman hindi ko na lang napigilan ang ngumisi.
Pagkarating namin sa 3rd floor ng mall ay agad na kaming nagpunta sa D'Armani boutique, ang paboritong bilihan ni Caresse ng mga mamahaling damit, bag at sapatos. Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong agad kami ng mga shop clerks, they bowed to us as they greeted, "Good Morning, Miss! Welcome to D'Armani boutique."
Tumango naman kami sa kanila at pagkatapos ay nagsimula na ngang magtingin si Caresse ng mga sapatos sa hindi kalayuan. Habang ako naman ay nasa harap ngayon ng mga mamahaling dresses. I don't know why I'm so obsessed with this kind of classic fashion, hindi ako mahilig sa mga hapit na hapit na damit, maiigsing dresses and even jeans.
Ilang saglit lang ay naagaw ni Caresse ang atensyon ko no'ng lumapit ito sa isang shop clerk at nagsabing, "Bakit hindi ko makuha 'yong bag na 'yon ha? What's wrong with that?!" Nangunot ako sa mga sinabi ni Caresse kaya naman tinignan ko ang bag na itinuturo niya, isa itong baguette bag na kulay pula.
Pinuntahan niya ulit 'yon kasama ang shop clerk habang ako ay nakasunod lang sa kanila. Nakita kong sinubukang kunin ulit ni Caresse ang bag at kunot noo ang lahat no'ng makitang hindi nga iyon maalis sa kinalalagyan niya. Napailing na lang ako dahil hindi niya talaga iyon makukuha dahil nakahawak rito ang isang lalaki, na siyang pumipigil para hindi makuha sa kinalalagyan niya ang bag.
Napatitig ako sa lalaking ngayon ay tila umiiyak, umuusok at sunod ang kaliwang bahagi ng mukha niya at naliligo ang suot niyang puting polo sa sarili niyang dugo.
"Darn it! Will you please do something?" naiinip na sabi ni Caresse, dahilan upang lumapit sa amin ang isa pang shop clerk at nagsabing, "Naku! Ma'am, we're so sorry po, pero ini-reserved na po iyan kagabi ni Mr. Alvarez as birthday gift to his wife, ngayon na nga po iyan kukunin." Napanguso na lang si Caresse at hindi na ulit hinawakan ang bag, nakita ko naman kung paanong maglaho ang kaluluwa ng lalaki na nakahawak sa bag, maybe he was the one na nagpareserved ng bag.
"Kiara? Oh my god! You're bleeding!" Nabaling ang atensyon ko kay Caresse na mabilis na kumuha ng wipes sa bag niya ata agad na iniabot sa akin. Kinuha ko ito at ipinahid sa ilong ko na ngayon ay nagdudugo nanaman.
"Are you okay? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ni Caresse na tinanguan ko lang at, "I'm fine, don't worry," sagot ko rito, at ilang sandali lang ay tanging pagngiti na lang ang nagawa niya.
Hindi na natuloy pa ang pagshoshopping namin dahil nawalan na raw ng gana si Caresse at nagsabing sa ibang araw na lamang siya magshoshopping, kaya naman binalak na lang namin na magpunta sa Salon.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa paborito naming salon no'ng bigla akong mapangiwi dahil sa sakit ng pagkakabangga sa kanang balikat ko, na naging dahilan ng pagkalaglg ng bag na hawak ko.
"N-Naku! Ma'am! Sorry po, p-pasensya na po talaga hindi ko ho sinasadya." Nangunot ang noo ko sa lalaking agad na lumapit sa akin pagkatapos niya akong mabangga dahil pagtakbo niya. Agad niyang kinuha ang nalaglag na bag ko at iniabot ito sa akin, pero no'ng sandaling kukunin ko na ito ay hindi ang handle ng bag ang nahawakan ko kundi ang kamay niyang nakahawak rito.
Napasulyap ako sa kanya at sandaling napatitig sa mga mata niya, natulala na lang ako no'ng makita ko kung gaano siya kagwapo. Agad na iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at akmang bibitawan na ang kamay niya no'ng bigla na lang akong makaramdam ng hilo, lumalabo na rin ang paningin ko, dahilan para mapapikit ako at sa pagpikit ko ay doon nagpakita sa isip ko ang isang alaala.
Isang babaeng nakasuot ng simpleng bistida ang nakatalikod at nakatanaw ngayon sa labas ng bintana nitong isang kwarto na sobrang pamilyar sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay ito 'yong kwartong napaginipan ko lang kagabi at ini-sketch sa may garden.
Inilibot ko pa ang aking paningin sa paligid at nakita ko ulit ang dalawang painting na nakasabit sa dingding tulad din ng nasa panaginip ko kagabi. Ngunit sa pagkakataong ito ay malinaw at hindi na burado ang nakapinta rito, nakikita kong nakapinta rito ang mukha ng isang babae. Nilapitan ko ito at tinitigan, pero halos mapaawang ang bibig ko no'ng makikilala ko kung sino ang nasa painting.
"Ako? Nakakapagtaka, bakit nakapinta ang mukha ko rito?!" nasabi ko sa isip ko.
Ilang sandali lang ay may nagbukas ng pinto ng kwarto at nabaling na ngayon ang atensyon ko sa lalaking kapapasok lang. Natulala ako no'ng makilala ko ito, dahil kamukha niya 'yung lalaking nakabunggo sa akin.
"Amor, gising kana pala," sabi nito, habang nakatingin sa babaeng nakatanaw sa bintana. Lumingon naman agad sa kanya ang babae at ngumiti. Halos manginig ang buong katawan ko no'ng makita kong kamukhang kamukha ko ang babaeng iyon.
"Kiara! Kiara! Wake up!" Napabalikwas ako no'ng marinig ko ang boses ni Caresse, agad na napamulat ako at sumilay sa akin ang mukha niyang nag-aalala. Nakahiga na rin ako ngayon sa isang malambot na couch dito sa loob ng isang kwarto na para bang office room dito sa Mall.
Inalalayan niya akong bumangon at nagsabing, "Ano bang nangyari? Bigla ka na lang hinimatay." Nangunot lang ako no'ng maalala ko ang lalaking nabangga sa akin at nagsabing, "'Yong lalaki? Nasaan na?" Nagsalubong lang ang kilay niya bago ito magtanong ng, "Sinong lalaki?"
Napabuntong-hinga na lang ako dahil doon, pero ilang saglit lang ay agad din akong nabuhayan no'ng sabihin niyang, "Ah! 'Yung lalaking sumalo sa'yo after you fainted? Umalis na, nagmamadali nga eh, bakit? Ninakawan ka ba niya?!" Agad niya naman akong hinawakan sa magkabilang braso at ihinarap sa kanya kaya naman inilingan ko lang siya.
"No, it's not like that, para kasing, parang may connection kaming dalawa?" sabi ko, dahilan para mangunot ang noo ni Caresse.n
"Anong connection?" tanong naman nito na may halong pagtataka, napabuntong-hinga na lamang ako bago ko sabihing, "Parang nakilala ko na siya noon."