"Ako nga pala si Sonia, ang tiyahin ni Jethro," narinig kong sabi ng ginang sa akin bago pa nito tuluyang iabot sa akin ang isang baso ng tubig. Kinuha ko na lamang ito dahil mukhang wala naman siyang mapagpapatungan, nakaupo lang ako ngayon sa isang sofa na gawa sa kawayan at wala ni maliit na mesa rito sa gitna. Bubungad naman kaagad ang dining table nila na kaharap lang ng maliit na kusina. Samantlang ang harapan ng sofang inuupuan ko ngayon ay isang pinto na sa tingin ko ay ang nag-iisa nilang kwarto. "Sigurado ka bang okay lang 'yung kasama mo roon sa labas?" tanong nito sa akin na siyang ikinabaling ko naman sa kanya ng tingin. "Ah o-opo, ayos lang naman ho," sagot ko naman sa kanya na siyang ikinangiti niya. "O, sige sandali lang ha? Magsasaing lang ako," sabi nito na siyang mabi

