Bahagya na lamang akong napanguso habang pinapakinggan ang mahihinang tawanan ng mga magulang ni Winston at ni Lolo. Gusto kong mapairap dahil puro tungkol sa mga branch ng hotel ang pinag-uusapan nila, obvious na obvious na sobrang business minded silang lahat. Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa hawak kong tinidor bago ko ito itusok sa kapirasong grilled chicken breast sa plato ko. Pero kaagad din akong natigilan no'ng ma-realize kong napalakas ang pagtusok ko rito na siyang lumikha ng malakas na gasgas sa plato. Halos mapangiwi naman ako no'ng mapansin kong natahimik silang lahat at parang nasa akin na ngayon ang atensiyon nila. Marahan akong nag-angat ng tingin at gano'n na lamang ang pagsunod-sunod ng lunok ko no'ng makita kong hindi nga ako nagkamali. Nakatingin na silang lahat s

