"Sigurado ka bang ayaw mo nang ihatid ka namin pauwi?" tanong ko kay Jethro, na ngayon ay nagpapababa na rito sa harapan ng D'Villa mall. "Hindi na, ayos na ako rito," sagot naman nito sa akin bago ito sumulyap sa akin. Matipid siyang ngumiti kaya naman marahan na lamang akong tumango sa kanya. "Sige ho, maauna na ho ako," narinig ko pang paalam nito kay Mang Rudy, no'ng magbaling ito ng tingin dito. Ilang segundo lang ay tumango na rin sa kanya si Mang Rudy at pagkatapos no'n ay binuksan na ni Jethro ang pinto sa gilid nito. Nang tuluyan niya na itong mabuksan ay lumabas na rin ito kaagad ng sasakyan at bumaba. Hindi na rin nagtagal ay pinaandar na ulit ni Mang Rudy ang sinasakyan naming van, nang madaanan na namin si Jethro ay sumilip na muna ako sa bintana para makita siya. Nagtama

