"Ma'am Kiara, heto na ho 'yung mga damit niyong nailaba ko kagabi," narinig kong sabi sa akin ni Aling Edna no'ng siya ay tuluyan nang makapasok dito sa loob ng kwarto niyang ipinagamit niya sa akin kagabi. "Thank you po," sagot ko na lang kay Aling Edna, bago ako tuluyang ngumiti sa kanya. Kinuha ko na rin ang mga damit kong inilaba niya at ipinatong ito sa ibabaw nitong kama na siyang kinauupuan ko ngayon. "Sige, lalabas na muna ako para makapagbihis na rin kayo," pamamaalam ni Aling Edna na siyang mabilis ko namang tinanguan. Pagkatapos no'n ay tumalikod na rin ito sa akin para kaagad nang magpunta sa pinto nitong kwarto para buksan ito. Nang tuluyan nang makalabas dito sa loob ng kwarto si Aling Edna ay kaagad na rin akong tumayo mula sa pagkakaupo rito sa kama. Naglakad ako palapit

