Sunod-sunod na ang paglunok ko sa sariling laway habang ibinababa ko ang cellphone ko. Napasinghap na lang ako bago ako tuluyang lumingon sa likuran ko, paglingon ko ay kaagad na lang nanlaki ang mga mata ko no'ng bumungad sa akin si Caresse. Unti-unti na ito ngayong ngumingiti sa akin at umaaktong parang si Caresse, pero hindi ako tanga para hindi malaman na isa lang siyang doppelganger. Ang isang kaluluwang gumagaya ng itsura ng ibang tao, ang mga gaya nila ay hindi pa rin gustong umalis dahil gusto pa nilang makisalamuha sa mga buhay na tao. "L-Leave her alone," kaagad na sabi ko sa kaharap kong kaluluwa, habang pilit kong kinakalma ang sarili ko. Ilang segundo lang ay bahagya nang nangunot ang noo ko no'ng unti-unting magbago ang itsura nito, isang batang babae na sa tingin ko ay nasa

