Nagpatuloy na ako sa paglalakad dito sa hallway papunta sa swimming pool area. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa bungad nito, no'ng makapasok na ako rito ng tuluyan ay kaagad na nakahinga ako ng maluwag no'ng makita kong nakaupo sa gilid ng pool si Eliza. Tahimik lang itong nakatingin sa tubig ng swimming pool at para bang wala nanaman ito sa kanyang sarili. Napailing na lamang ako bago ako tuluyang humakbang palapit sa kanya, pero hindi pa ako nakakalapit ay nanlaki na ang mga mata ko no'ng bigla na lamang siyang tumalon sa pool. Naisip kong baka gusto lang talaga niyang magswimming, pero kung 'yun nga talaga ang gusto niya ay bakit hindi man lang siya nagpalit ng suot. Nakasuot pa rin ito ng uniform hanggang ngayon, ilang sandali pa ay nakita kong patuloy lang ito sa paglubog s

