TEASER
Nagkulay kahil ang maitim na kalangitan. Ang apoy na nagmumula sa sunog sa malawak na tubuhan ay lumikha ng kakaibang tanawin- it created a beautiful contrast against the pitch black sky. Kung sana ay spectacle iyon pero hindi lang iyon basta tanawin, kabuhayan iyon na pinanday ng amang si Deogracias at ng mga ninuno niya sa loob ng mahabang panahon.
Sa isang iglap lang ay nagbabantang magiging abo ang lahat.
Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ng mga tauhan sa hacienda ay may hawak na timba ng tubig, magkatulong na inapula ang apoy na sa ilang saglit lang ay kakalat at tutupok sa lahat ng madantayan. Paroo't-parito ang mga iyon. Incoherent words are coming from each of them.
Ang tunog ng paglamon ng apoy sa mga pananim na humalo sa hiyawan at sigawan ang prominenteng ingay na namayani sa paligid. It was defeaning.
Nakakasakit ng kalooban ang namamalas sa ngayon. It was too heartbreaking.
Her eyes are directed to that one man na sa unang pagkakataon ay kakikitaan ng pagsuko at pagkatalo habang nakatitig sa itaas, to the flying embers ascending to the night skies and falling back to the ground.
Suddenly, naglaho ang ingay at komosyon sa paligid at ang tangi niyang nakikita ay ang amang nakaluhod na lang sa lupa.
There was a spark of tears in his eyes kaya lang ay mariin iyong pinigilan. Deogracias Samonte doesn't cry. Huling beses niyang nakitang nabahiran ng luha ang mga mata nito ay noong mawala ang ina niya. It was a long time ago.
"Dad."
Hindi ito tuminag. Niyakap niya ito at masuyong hinaplos ang balikat nito.
Finding words to console him is too difficult right now. Paano ba niya aaluin ang amang kakikitaan na ng pagsuko?
"Everything will be alright, Dad. I promise you that. Babangon ang hacienda, babangon tayo. Hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga tauhan natin."
Pero sa paanong paraan ba? Saan siya lalapit? Hindi maaari kay Lorenzo, o sa pamilya nito. Baon na rin sila sa utang sa bangko, bago niya lang nalaman.
But if it means saving her father from misery at ang ibalik ang kabuhayan ng mga tauhan ay gagawin niya kahit pa ang isanla ang kaluluwa. After all, Hacienda Helenita is a legacy.