Mula sa marina, inihatid siya ng tauhan ng lalaki sa airport. Mayaman sila, sanay siyang nakukuha ang luho pero habang nakaupo ngayon sa eroplano, hindi niya maiwasan ang makaramdam na tila ba bago sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa paligid, ‘yong may ibang taong nagpo-provide ng mga pangangailangan niya.
In just a snap of her fingers, tila naging sunud-sunuran siya sa agos ng mga pangyayari.
“Maayos na lahat ng kailangan mo.”
Pinukaw ng lalaking basta na lang dumating kanina sa yate ang pansin niya. Pormal na pormal ito, walang kangiti-ngiti. Kanina nang ibigay sa kanya ang mga bagong-bagong damit at personal necessities, halata ang distansyang inilalagay nito sa pagitan nila. Nabuo na sa utak niya na baka pinagbabawalan ito. Kahit kasi eye contact, mukhang pinipigilan.
“Magagalit ba ang boss mo kung ngumiti ka naman kahit konti?”
Walang palatandaan na sasagutin ng lalaking nakasuot ng itim na polo at itim ding pantalon ang tanong niya.
Maybe, she’s becoming paranoid already at kung anu-ano ang nasasabi niya.
“Goodbye, Miss Margaux.”
Tumalikod ang lalaki.
“Wait!”
Napahinto ito at pormal pa ring lumingon sa kanya.
“T-thank you.” Wala pa ring mababakas na reaksyon mula rito. “And send my gratitude to your boss as well.” Ni hindi niya nakuhang magpasalamat sa pagliligtas ng amo nito sa kanya. Kahit pinagkamalan siyang bayaran, malaking bagay pa rin ang ginawa nito.
“Is that all?”
Tumango siya. Ano pa nga ba ang sasabihin niya?
Tuluyang naglakad palayo ang lalaking naghatid sa kanya. Habang sinusundan ito ng tingin, tila naman may kung anong pumitik sa kaibuturan niya. Something whispered in her ears. She felt like she lost the chance to know more about that man who saved her.
“You’re becoming crazy, Margaux.”
Crazy.
Ipinilig niya ang ulo at nakiisa na nga sa daloy ng mga pasaherong lumululan ng eroplano. Maikli lang naman ang biyahe niya pauwi sa kanila pero hindi siya naidlip kahit isang minuto. Hanggang sa nagbago ang scenery na nakikita niya sa ibaba.
Nasa Bacolod na siya.
Ilang minutong biyahe pa mula sa airport at tuluyan na siyang makakauwi ng hacienda. Nananabik na siyang makasama ang ama. At the same time, nalulungkot dahil wala siyang magandang balita na maihahatid dito. Much to the aching of her heart, her father was patiently waiting for her at the porch.
Ang lawak ng ngiti nito. Her dad was hopeful and she knew she would crash this hope.
“Princess.”
Mas mahigpit ang sagot niyang yakap sa daddy niya. Hugging her father unleashed all emotions inside her heart. Gusto niyang magsumbong pero ‘yon ang hinding-hindi niya gagawin. Baka hindi makontrol ng ama ang sarili at sugurin si Governor. Wala silang kalaban-laban sa pagkakataong ito.
Nangingilid ang mga luha niya pero maagap niyang pinigil na huwag malaglag.
“I’m afraid I have rather bad news, Dad.”
“Shh…” Hinagod ng ama ang buhok niya. “I know, I know.”
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa daddy niya at tiningala ito sa mukha. Ngumiti ito, halatang pilit. His dad knew too well how to make her feel okay.
“You were less enthusiastic when you see me. Wala ang prinsesang tumatakbo payakap sa akin every time na galing ka sa malayo.”
Mas kumirot ang dibdib niya.
“Hindi ba kayo galit sa akin, Dad?”
She heard that signature scoff again. Inakbayan siya ng ama at inakay papasok sa kabahayan. Inihilig niya naman ang ulo sa balikat nito. “There’s more reason to celebrate than feel sorry.”
Sa hapag, naghihintay sa kanya ang masaganang meryenda na inihanda ni Nanay Belya. Habang kumakain sila, panay lang ang kwentuhan nila ng ama. Pati sina Nanay Belya ay nakisabay na rin sa kanila. One thing that changed matapos ang nangyari kay Eli, mas naging bukas ang ama sa mga tauhan. He became more humane. Ang mga dati nitong mga bodyguards, naglaho na rin. Mas malaya na ngayong nakakagalaw ang mga kasambahay.
Matapos kumain, hinatid pa siya ng daddy niya sa kanyang silid.
“Magpahinga ka, anak. Pagod ka sa lakad mo.”
Hinintay niya munang makababa ng hagdanan ang ama bago niya isinarado ang pinto ng silid. Ipipihit na sana niya iyon pasara nang marinig ang malakas na ring ng phone ng daddy niya.
“I’m glad you called me back, George.”
Namumuro kaagad ang galit sa dibdib niya pagkarinig sa pangalan ng demonyong lalaki.
“Kahapon pa ako tawag nang tawag pero hindi kita makontak. Didretsuhin na kita, I need help. Maybe, Margaux didn’t do enough to convince you to help me. I need help, George. It’s about time na ako naman ang humiling ng pabor sa’yo.”
Hindi dapat nakikiusap ang tatay niya nang ganito sa ibang tao. Much more na sa isang masamang budhi pang politiko na gaya ni George.
“No! you can’t be that busy for me. Alalahanin mo lahat ng pagkakataong tinulungan kita, ni minsan, hindi pa ako humiling ng tulong pabalik, ngayon lang.”
Naikuyom niya ang kamao.
Walanghiya ang George na ito.
“George! Damnit! “
Parang naririnig na niya ang tinig demonyo sa utak niya. Kung paano nito, hinindian ang pakiusap ng dad niya. Dahil sa matinding prustrasyon, halos ibalibag na ng daddy niya ang phone. Gumigitiw ang mga ugat nito sa braso. Napahawak ito sa pasimano ng hagdanan at tumingala.
Habang nakikita niyang ganito ang ama, mas tumitindi ang hangarin niya na tulungan ito.
Kung papaano, hindi niya alam.
***
“Karampatang sahod at benepisyo ang hinihiling namin, Sir Deo. May mga pamilya din kami, magugutom na kami nang hindi man lang maibigay ang nararapat sa amin.”
‘Yon ang nagisnan niyang ingay kinaumagahan. Napabalikwas siya ng bangon nang may isa pang tila galit na sumegunda sa narinig niya. Hinablot niya ang roba at ipinatong sa suot na pajama. Sumilip siya mula sa veranda.
May mga trabahador na kausap ang tatay niya, naroroon din si Mang Felipe na tila umaaktong namamagitan.
“Ipinapangako ko, matatanggap ninyo lahat nang nararapat sa inyo.”
It was just so surprising how calm and collected his father was. Deep inside, she knew, nahihirapan na ito. Matigas ito pero may hangganan din ang katigasan. Nang umalis ang mga trabahador, mabilis din ang mga hakbang na pumanhik ng ama sa kabahayan kasunod si Mang Felipe.
Agaran siyang bumaba para puntahan ang ama.
Naratnan niyang kausap nito si Mang Felipe. Pero umalis din kaagad ang huli. Naiwan ang ama niya na kasalukuyan nang tumutungga ng alak. Atubili man, pumasok siya sa opisina nito at walang sabing niyakap ang ama mula sa tagiliran at tinitigan ito sa may simpatiyang boses.
“I’m okay., in case, you’d ask me.”
She flashed a weak smile.
Maingat niyang kinuha ang basong may laman pang alcohol mulasa kamay ng ama at itinabi iyon. “You can’t keep on drinking, Dad.”
“I’m sorry.”
Pagod ang daddy niya. Nangangalumata ito. Mabuti na lang at napilit niya itong dalhin sa silid nito at pagpahingahin muna. Matigas niyang bilin dito na huwag munang magpunta sa tubuhan. Thankfully, nakinig ito.
Pagkagaling sa silid ng ama, ang cellphone kaagad ang inatupag niya. Tinawagan niya si Eli pero si Lorenzo ang nakasagot.
“Everything all right?”
“Yes, yes. How’s Eli?”
Kung sana ay naririto ang bestfriend niya. May napagsasabihan sana siya ng mga problema. May karamay sa lungkot.
“She’s fine and fighting. Gigisingin ko ba?”
Humindi siya. Mas makabubuting magpahinga si Eli.
“Something wrong, Margaux?”
“Wala, ano ka ba?” Nilangkapan niya ng fake na tawa ang sinabi. “I just missed Eli.”
Natapos ang pag-uusap na hindi niya nasabi kay Lorenzo ang pakay. Nahihiya siya. Kahit naman kasi naging okay na ang lahat, hindi maaalis ang pagbabago ng pakikitungo sa kanila ng mga magulang ni Lorenzo, lalo na si Tita Viviana.
The next morning, natagpuan niya ang ama na maagang nagbihis ng panlakad. May lakad daw ito, ang sinabi nang magtanong siya. Huling butones na lang ang kailangang isarado ng ama nang makita niyang napangiwi ito. Hawak nito ang gawing dibdib. Mula sa pagkakaupo sa edge ng kama ng ama, napasugod siya palapit dito.
“Dad, may masakit ba?”
Hinahagod nito ang gawing dibdib. Mabilis ang mga kilos niya na pinaupo ito at kumuha kaagad ng tubig at pinainom ito.
“Tatawag ako ng doktor, Dad.”
“No need, hija.” Itinaas nito ang kamay, pinipigilan siya. “I don’t need a physician. Ang makaalis ang kailangan ko.”
“No, hindi ka aalis, Dad,” matigas niyang pigil sa ama. “Saan ba ang lakad na ‘yan?”
Sinabi ng ama kung saan ito pupunta. Haharapin nito ang pinagkakautangan nito.
“Ako ang pupunta, Dad.” It was a firm declaration. Kaya niyang makipagmatigasan din sa ama kung kinakailangan.
“No-“
“Dad, naman, eh…” May kabuntot pang pagpadyak ng paa sa sahig ang sinabi niya.
Walang nagawa ang daddy niya kundi ang pumayag. Mabilisan siyang gumayak. She still had less than an hour to prepare pero kakayanin. Nakapaligo na rin naman siya. Namili siya ng pormal na damit mula sa closet. Una niyang pinulot ang kulay ash gray na pencil skirt pero agad niyang pinalitan ng trousers. Naaalala niya lang kasi ang demonyong gobernador. In less than fifteen minutes, natapos siyang mag-ayos at mag-apply ng makeup at itinali ang buhok.
Dito siya magaling, ang kumilos ng mabilisan. Nakasanayan niya ang ganito sa mga rampa bilang modelo.
Wearing her halter top with long sleeves tucked into her fitted trousers, she was satisfied with her looks. Isinampay niya lang sa kamay ang blazer at isinukbit sa balikat ang vintage mini bag ng mommy niya.
May nalalabi pa siyang oras. Ginamit niya iyon sa pagpasada ng mga dokumentong dadalhin niya sa pupuntahan. Kahit paano naman, may laman din ang utak niya at hindi puro pagpapaganda lang ang alam.
Sinilip niya muna ang daddy bago umalis. Naiidlip ito. “Di na niya ginising pa.
Hindi niya alam kung anong mangyayari sa meeting na ito. But whatever happens, gagalingan niya. Sabi ng dad, ang bagong tayong financial institution na ito lang ang sumasalo sa hacienda at patuloy na nagpapautang sa kanila sa kabila ng pagkakaroon pa ng malaking balanse. Kaya, pagbubutihan niya. Kahit naman pa-easy-easy lang dati sa school, may laman naman ang utak niya kahit papaano.
“You can do this, Margaux. Sanay kang humarap sa mga tao.”
Hindi naman siya nahirapang hanapin ang pakay. Nasa business center iyon ng Bacolod. Isang dalawang palapag na gusali. It was modern and minimalist. Sa isang bahagi ng pader ay may nakapaskin na malaking letra: A. Kinuha niya ang files at tiningnan ang pangalan ng pinagkakautangan ng hacienda. Amity Financial Company. Sa harapan niyon ay may tatlong sasakyan na nakaparada. Isa sa mga iyon ay isang hummer na nasa pinakadulong hanay.
Sukbit ang bag at kipkip ang mga dokumento, naglakad siya sa papasok sa entrance ng building. Binati siya ng gwardiya at minuwestrahang pumasok sa bumukas na sliding door. Pag-apak niya pa lang sa loob ay napahanga na siya sa minimalist at eleganteng interior na nakikita.
“How may I help you, Ma’am?” pormal na tanong ng babaeng sa tingin niya ay receptionist.
“I have an appointment with the general manager.”
“And your name is?”
“Margaux, Margaux Samonte.”
May tiningnan ito sa computer sa harap nito. “We only have an appointment for a certain Deogracias Samonte today.”
“My father sent me on his behalf. Deogracias is my father.”
Nagpakita siya ng ID. Matapos pasadahan ay may tinawagan ito. Habang may kausap ang babae sa telepono, inaliw niya naman ang sarili sa pagtitig sa paligid. May malawak na customer’s lounge na wala man lang katao-tao maliban sa isang female employee na abala sa computer. ‘Di tuloy niya maiwasang makaramdam na parang nasa isang deserted na lugar.
“Bababa na si Mr. Castro.”
Nakapagtataka lang na ang general manager pa talaga ang bababa para sa kanya. Ilang saglit pa ay may mga yabag siyang narinig mula sa staircase. Isang naka-amerikanang lalaki ang bumaba at nakatitig ito sa kanya.
“Good morning, Mr. Castro.”
“Good morning. Come follow me, Miss Samonte.”
Sumunod siya kay Mr. Castro paakyat sa modernong hagdanan. For a general manager, this man seemed stiff. Ang pormal. Hindi niya tuloy malaman kung anong pwedeng buksan na usapan. Thankfully, narating nila ang ikalawang palapag. May mas maliit na version din ng customer’s lounge sa itaas. Sa kaliwa niya ay ang conference room na nakababa ang sa tantiya niya ay solar blinds. Sa kanan niya naman ay ang nakapinid na sigurado siyang opisina. Sa labas niyon ay isang mesa na mukhang ginagamit ng sekretarya. ‘Yon nga lang, walang taong umuukopa.
In her mind, her doubts formed.
Paano ba nakapagpapautang nang malaki ang Amity sa ama niya kung wala man lang katao-tao rito maliban sa kanya at sa iilang nagtatrabaho?
“Miss Samonte?”
Napukaw ang pag-iisip niya nang magsalita si Mr. Castro. Nabuksan na pala at lahat ang pinto ng conference room nang hindi niya namamalayan. Masyadong tumatakbo ang utak niya.
“Thank you.”
The door closed behind her as she stepped inside the conference room. So, sino ba ang magiging ka-meeting niya kung hindi kasamang pumasok si Mr. Castro? Nakakalito na talaga ang lahat. In the middle of her confusion, she heard a noise. Nanggagaling sa pinakadulong bahagi ng malapad at mahabang conference table. Saka niya lang napansin, nakatalikod sa kanya ang upuan. May taong nakaupo niyon. Sa haba ng sandalan, dulo ng ulo lang ang natatanaw niya at ang tila mamasel na mga braso na nakapatong sa magkabilang armrest.
Lalaki ang nakaupo sa conference chair.
Para kasing dinadala sa ilong niya ang panlalaking amoy.
What was even more odd, the fragrance seemed familiar.
Parang kaaya-ayang amoy ng lalaking 'yon.
Pero masyadong imposible.
Hanggang sa dahan-dahang umikot ang upuan paharap sa kanya. She locked eyes with the man sitting in it, a silent connection forming between them in that brief, intense moment. Intense dahil ganoon na lang ang pagkabog ng malakas ng puso niya nang mapagsino ang kaharap ngayon. It was none other than the nameless man who saved her from the governor.