[4] The Dark Energy from the Past

1558 Words
PILIT NA NGUMITI SI JOSIE MATAPOS UMALIS NG KANIYANG ASAWA. Ilang taon na rin silang nagsasama, kahit na legal naman na ang pagiging mag-asawa nila ni Lucresio, pakiramdam niya pa rin ay bawal. Mayaman si Lucresio, may minana man sa angkan ay malaki pa rin ang sarili nitong parte sa pagpapalago ng kompaniya. He is a hardworking man, dahilan kaya naman ang tingin sa kaniya ng mga mayayaman at aroganteng mga kaibigan at kakilala ni Lucresio ay mukhang pera, na pinakasalan niya lamang ito para sa pera. Isa pa, ganoon rin naman ang tingin ni Sebastian sa kaniya, ang binatang anak ni Lucresio, na isa siyang mukhang perang kabit. Isang pagkakamali nga ang relasyon nila, gusto niya mang akuin lahat, alam niya pa rin sa sarili niyang nagkulang si Lucresio. Hindi nito sinabi ang tungkol sa pagkakaroon ng pamilya sa Maynila. Nagkakilala sila sa probinsiya. Nagtatrabaho siya sa farm ng kaibigan ni Lucresio nang mga panahong iyon, bumisita naman si Lucresio roon para sa isang proyekto. Mas matanda man ito sa kaniya, hindi naman iyon halata dahil totoong magandang lalaki at matipuno si Lucresio. Tinanggap niya ang alok nitong kasal matapos mamatay ang unang asawa dahil noong mga panahong iyon ay may anak na sila, si Carissa. Dalawang taon niyang inisip na nagtatrabaho lamang si Lucresio bilang isang normal na manggagawa sa Maynila kaya normal lang ang hindi nito pag-uwi nang madalas sa probinsiya, para sa kanilang mag-ina. Ngayon naman ay maglilimang taong gulang na si Carissa, tatlong taon na silang kasal, ganoon na rin siya katagal na naninirahan sa Maynila. Hindi naman lahat ng probinsiyana ay madaling mabilog ang utak, pero isa siya sa mga madaling napapaniwala. Marahil ay dahil elementarya lang ang natapos niya at ulila na siya sa Ama't Ina at kailangan niyang kumayod sa murang edad nang pati ang bahay ampunan ay inalisan na siya nang tanging tahanan nang walang umampon sa kaniya hanggang sa magdalaga siya. "Uuwi na po ba tayo, Ma'am?" tanong ng kaniyang driver matapos nilang manggaling sa opisina ni Lucresio. "Idaan niyo muna ako sa SPU, Kuya," sagot niya. Balak niyang bisitahin roon si Sebastian. Hindi niya kasi ito nakita kanina nang magising siya. Isa rin siya sa stockholders ng eskuwelahan. Tinanggap niya ang alok na iyon ni Lucresio hindi dahil sa pera at kapangyarihan, kundi dahil sa silbi na maibibigay sa kaniya niyon. She's not after the money anyway, but for the purpose, para tignan na siya ni Sebastian bilang Ina at hindi bilang isang batang kabit ng ama nito. Thankfully, Sebastian might look cold to Carissa, she knows that Sebastian loves his half-sister dearly. That was enough for her, but she still needs Sebastian to accept her to be able to build their family better. NANATILI ANG GULAT NA PANINGIN NIYA sa babaeng nasa harapan niya matapos nitong tawagin siya sa pangalan. Sebastian. How did she know his name? Isa ba ito sa mga babaeng may gusto sa kaniya na nag-aaral sa SPU? He looked at the girl from head-to-foot. Hindi naman ganito manamit ang mga babaeng estudyante sa SPU. This girl looks too average and too innocent for a college student. Patapon niyang binitawan ang kamao ng lalaki, muntik pa itong tumumba kung hindi lamang napasandal sa nakaparada nitong kotse na dahilan ng komusiyon kanina. Hindi niya ugali ang makialam sa mga ganitong sitwasyon, tila ba kusa na lang siyang dinala ng mga paa niya papunta sa babae. He had goose bumps just by hearing her soft voice, add-up that it's his name that she uttered, stopping him from punching that rude man. Hinaras na ito ng lalaki, may gana pa itong pigilan siya? Come on a punch to wake this rude man up isn't that painful, para bigyan lang sana ng leksiyon. "Masama ang manakit ng kapwa, Sebastian,” dagdag pa nito. Gusto niyang matawa at mamangha nang sabay. This girl is really weird. "Kita mo na? Sasapakin mo pa ako, e halata namang may sira sa tuktok ang babaeng iyan!" the guy said. "Aalis na lang ako kaysa mag-aksaya pa ng oras para sa baliw na iyan." Pinanood niya ang pag-ayos ng lalaki sa polo nito at ang paglakad at pagbalik nito sa sasakyan na akala mo'y pag-aari nito ang mundo. Naroon pa rin ang malamig na tingin niya rito, nambabanta. Halata ang takot ng lalaki sa kaniya nang paandarin nito ang sasakyan paalis. Nang ibaling niya naman ang paningin niya, inosente lamang na nakakunot ang noo ng babae roon. Kaagad nitong nilapitan ang matandang lalaki para kumustuhin. "Maraming salamat sa'yo, Ineng," ika pa ng matandang lalaki. "Mauna na ako, maraming salamat din sa iyo, Totoy." Awang ang labi niyang pinanood ang pag-alis din ng matanda. Unti-unti ring humupa ang mga nanonood. He doesn't know what to feel. Matagal na rin mula nang may magpasalamat sa kaniya. Who would even like him? Si Gladys lang naman ang nagtitiis sa ugali niya. Pasiring siyang nag-iwas ng paningin at tumawid sa kalsada para balikan ang motor na naiwan niya sa tapat ng convenient store. Kusa siyang nahinto sa akmang pagkuha ng helmet nang maramdaman ang nasa likuran niya. "Are you following me?" tanong niya. Nanatili lamang ang makislap may bilog nitong mata sa mukha niya. "Stop following me," sabi niya nang hindi ito sumagot. Sa pinaka mabilis na paraan ay isinuot niya ang helmet at sumakay siya sa motor, kaagad niya itong pinaharurot paalis ng senaryo. "Annoying," he uttered as he looked at the girl from the side mirror of his motorcycle, surprised on how he left her. And why is he feeling guilty all of a sudden? HINDI ALAM NI FAITH NA GANOON PALA TALAGA ang ugali ni Sebastian. Madami ngang kailangang baguhin, ngunit paano siya magsisimula kung iniwan na siya nito? Hindi siya susuko, gagawa siya nang paraan para mahanap ito. Nahinto siya sa sariling iniisip. Paano? Saan niya ito hahanapin, napaka laki ng mundo at hindi siya bihasa rito. Isa pa... isa siyang mortal pansamantala hanggang sa matapos ang misyon. Wala siyang kapangyarihan para mapadali ang lahat. Wala siyang magawa kundi lakarin ang direksiyon na tinahak ng lalaki kanina. "Ang mahal naman ng paninda mo, Aling Cecile. Wala na bang tawad iyan?" Sa kabutihang-palad ay marunong naman siyang bumasa, karinderya. Karinderya ang isang ito, dito kumakain ang mga tao kapalit ng salapi. Doon na siya nakaramdam ng pagkalam ng sikmura, ngunit ano ang gagawin niya kung wala naman siyang pera? Inosente niyang tinignan ang batang lalaki na namamalimos sa kalsada. Ang susi para magkapera ay tignan ang estrangherong dadaan at magmukhang nakakaawa, kagaya na lang ng batang iyon at maglahad ng palad. Tumabi siya nang kaunti sa batang iyon na tila nasa pitong taong gulang pa lamang. Nagtataka naman siya nitong tinignan. Inosente niya itong nginitian, 'tsaka tinignan ang estrangherong dadaan. Kaagad niyang inilahad ang palad niya sa lalaki. Hindi man lang siya tinignan nito, ngunit dumukot rin sa bulsa ng barya. "Alis ka nga!" bigla na lamang bumulyaw ang batang iyon. Kunot-noo niya lamang itong tinignan. Nagulat siya sa naging reaksiyon nito nang gayahin niya ang ginagawa nito. Bakit ito nagagalit sa kaniya? "Sa akin dapat iyan, e. Bago ka ba rito? Ngayon lang kita nakita. Kung gusto mo kumita, humanap ka ng sarili mong puwesto!" Napapikit siya sa lakas ng sigaw nito at napailag. Talaga bang ganito ang mga tao? Tila lahat sila ay palaging galit, kagaya na lang ni Sebastian. Muling pumasok sa kaniyang utak na kailangan niya nga pala itong hanapin. "Alis na sabi, e! Mukha namang matanda ka na, pero bakit mukhang hindi mo ako naiintindihan?" Tinaboy siyang muli ng bata, binugaw na parang langaw. Dahil ayaw niyang galitin pa ito ay tumabi nalang siya at umupo, yakap ang mga tuhod habang pinapanood ang batang lalaki na namamalimos pa rin at inaambahan siya ng suntok sa tuwing dadapo ang mata nito sa kaniya. Hindi niya maintindihan. Ang bata pa nito para maging bayolente. "Masakit pala sa sikmura ang maging tao, Maestro," ika niya. May inosenteng lungkot sa kaniyang mata nang tignan ang maliwanag na paligid. MULA SA LANGIT AY HINDI MAIWASAN NI GABRIEL ang malungkot para sa sitwasiyon ng munting anghel na si Faith. Kung makulit man sa langit ang anghel na ito, sa lupa naman ay sigurado siyang ito ang magiging pinaka mabait. Dala lamang ng kyuryosidad kung bakit ito nagkakamali, pero alam niyang mabuti si Faith at hindi nito kakalimutan ang mga aral na itinuro ng langit rito. “Bilang mortal ay makakaramdam na si Faith ng pangangailangan na kumain para mabuhay sa lupa. Nakakatakot bilang simula. Ano nga lamang ba ang alam ng ating munting anghel?” ika niya sa sarili. Sa kaniyang gusali ay pinapanood niya sa malaking marmol na sisidlan ng tubig si Faith. Nakaupo sa tabing kalsada, hawak ang sikmura… nagugutom. Makakaya kaya nitong lagpasan ang isa sa mga pangunahing pagsubok sa pagtapak sa lupa? Nang maramdaman niya ang presensiya ng anghel na taga-pamalita ay kaagad niya itong sinalubong. Napansin niya kaagad ang pangangamba sa mga mata nito. “Ano ang iyong dalang balita?” tanong niya. Mula sa pagkakalipad ay maingat itong bumaba sa gintong gusali. “Maestro… may itim na enerhiyang nagmamatyag sa anghel na ating ipinadala sa lupa.” Awang ang labi siyang tumingin sa ulap sa labas ng bintana. “Itim na enerhiya?” ulit niya. “Parte ng nakaraan, Maestro… magiging hadlang ito sa misyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD