bc

A GUARDIAN ANGEL'S TALE: FAITH

book_age16+
103
FOLLOW
1K
READ
killer
others
student
comedy
sweet
mystery
witty
supernatural
special ability
school
like
intro-logo
Blurb

[ENG/FIL] Si Faith ay isang makulit at pasaway na anghel. Isang dalagita kung siya ay tao. Palagi niyang kuwinukuwestiyon ang mga batas sa langit, at para sa kaniya hindi sapat ang mga dahilan na ipinapaintindi ng mga matataas na anghel sa kaniya — na nagresulta sa kamaliang sinadya niyang gawin dahil akala niya ay ayos lamang na gawin niya ang bagay na iyon.

Dahil rito ay napagpasiyahan ng Punong Maestro na irekumenda si Faith na ipadala sa lupa; para tulungan ang mga tao, na malinis ang kanilang kaluluwa at mahanap ng mga tao sa pamamagitan ni Faith ang kabutihan na naitatago sa puso ng bawat isa. at ang pinaka mahalaga ay para mapagtagumpayan ang misyon na iniatas sa kaniya.

Mapagtagumpayan kaya niya ang misyon niya sa mortal na si Sebastian, kung hindi nito makalimutan ang nakaraan na pumipigil para maging mabuti ito?

Kailangan niyang gawin ang lahat para mapaamin si Sebastian sa krimen na binaon at kinalimutan.

Kung papalpak siya... babawiin ng tuluyan sa kaniya ang kaniyang pakpak at magiging mortal siyang tao.

chap-preview
Free preview
[1] Order of the Highest Maestro
"ANONG BALITA?" Hinimas ng Maestro ang bigote niya, hinarap ang kararating lang na anghel na taga-pamalita. "Walang ipinagbago, Punong Maestro." Dismayado ang anghel na taga-pamalita, hindi naaalis sa pagkakayuko. Iiling-iling na naglakad nang pabalik-balik ang Punong Maestro, napabuntong hininga. "Kapag hinayaan natin ang bagay na ito, mas lalong mababawasan ang bilang ng mga kaluluwang umaakyat sa langit. Ano sa palagay mo ang nararapat nating gawin?" Umalis sa pagkakayuko ang anghel na taga-pamalita. "Nagawa na natin ang lahat ng ating makakaya, Punong Maestro. Hindi tayo puwedeng makialam." "Hindi pa," anang Punong Maestro. "May magagawa pa tayo nang hindi natin kinokontrol ang mga tao." Nagsalubong ang kilay ng anghel. "Ano po iyon, Punong Maestro?" Tumigil sa paglalakad ang Punong Maestro, tinanaw ang malaking bintana sa gilid. Makikita ang mga kabataang anghel na nag-e-ensayo sa pagtugtog ng mga instrumento habang ang iba naman ay lumilipad at naglalaro. Ang taga-pamalitang anghel ay napatingin na rin doon. Mukhang naiisip na ang laman ng isip ng Punong Maestro. "Ipinagpapawalang bahala ng mga tao ang paggabay ng mga anghel na taga-bantay. Sa tingin mo, bakit?" Napaisip ang anghel na taga-pamalita. "Paumanhin, Punong Maestro. Hindi ko po alam. Hindi ko po maisip kung bakit nila binabalewala lamang ang mga bulong na iyon na kung tutuusin naman ay makakabuti rin para sa kanila. Benepisyong maging ligtas at malinis ang kanilang mga kaluluwa." Humalakhak siya. "Ang mga tao ay mahirap mapaniwala. Maraming elemento ang naroon sa baba, ginugulo ang mga puso't isipan nila." "Hayun na nga po, Punong Maestro." "Mahirap sila paniwalain lalo na't hindi nila ito nakikita mismo gamit ang kanilang mga mata. Hindi natin kagaya ang mga tao na malakas at matibay ang paniniwala at pananampalataya sa Panginoon." "Ano po ang inyong plano, Punong Maestro?" "Ang ipakita sa kanila ang bagay na hindi nila pinaniniwalaan. Ang natatanging paraan para malinis ang mga puso nilang may bahid na ng galit." "Ngunit papaano, Punong Maestro?" Tinapik niya ang anghel na taga-pamalita at sinenyasan itong sumunod sa kaniya. Parehas nilang tinanaw ang labas ng malaking bintana ng gusaling ginto na kinatatayuan nila. "Dito! Dito!" Kasalukuyan namang naglalaro ang mga anghel, kapwa naghahagikhikan. Pinag-a-agawan ang bolang gawa sa ulap. Hinahampas sa magkabilang panig, kung sino man ang hindi makahampas pabalik ay hindi makakapuntos at ang kabilang kupunan ang magkakaroon. "Ayan na!" Kapwa nag-abang ang mga anghel na may maaalon at kulot na buhok. Kahit na alam na matatalo na sila ay kapwa nakangiti pa rin. "Magpapadala tayo ng anghel sa lupa." Nanlaki ang mata ng anghel na taga-pamalita, kaagad na yumuko sa kaniya bilang tanda ng paggalang sa hudyat ng pagtutol. "Paumanhin Punong Maestro, ngunit hindi na po natin maaaring ulitin ang ating pagkakamali noon." "Naniniwala akong magtatagumpay na tayo. Kailangan lang natin ng tiwala at pumili ng nararapat, sa basbas Niya." "Kung ganoon, sino ang nararapat para sa misyon, Punong Maestro?" Ngumiti siya. Sabay na dumako ang kanilang paningin sa kabilang gintong gusali na nakalutang sa ulap, tanging ang mga malalaking haligi at ang malawak na hagdan lamang ang bumubuo nito kaya naman kitang-kita ang mga dalagitang anghel na nag-e-ensayo ng mga instrumento. KAPANSINPANSIN ang may katangkarang dalagitang anghel na naglalakad at lumilibot sa espasyo. Tuloy ay hindi matuon ang buong atensiyon ng nag-e-ensayong mga anghel sa gusaling kinatatayuan niya. "Bakit hindi ka na lang mag-ensayo ng iyong arpa, Faith?" Tuluyan nang tumigil ang isang dalagang anghel sa pagtugtog ng violin. "Dapat sa ngayon ay nag-e-ensayo ka." "Gusto kong maglaro ng bolang ulap, Payra." Inginuso ni Faith ang mga naglalaro. "Ngunit hindi pa puwede, ang sabi sa atin ay mag-ensayo muna. Kailangang sumunod tayo sa oras, Faith." Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit ba mahalaga ang oras? Bakit ba kailangan pa nating gawin ito? Bakit kailangan nating sumunod sa mga batas? Bakit tayo may batas?" Halos lahat ng instrumentong in-i-ensayo ng mga anghel ay nawala sa tono nang marinig ang tinanong ni Faith, sabay-sabay na napahinto ang mga ito at tumingin sa kaniya. "Maghinay-hinay ka sa iyong mga sinasabi, Faith," mahinhin na sabi naman ng isa. Tumayo si Payra at ibinaba ang kaniyang violin. Hinawakan ang balikat ng nagsalita, pinahinto. "Faith, hindi ka dapat nagtatanong ng ganiyan." "Pero madami akong gustong malaman, Payra." "Ipapahamak ka lamang ng iyong kyuryosidad, Faith." Matapos magsalita ni Payra ay bumalik na ito sa pag-e-ensayo. Walang gana namang tumalikod si Faith sa mga tumutugtog at pumunta sa dulo ng gusali, tinanaw ang mga anghel na masayang naglalaro ng bolang ulap. Kalaunan ay napunta ang bola sa direksiyon niya at tumama sa paanan niya. Nagdalawang-isip siyang pulutin iyon, ginawa niya pa rin at iyon 'tsaka pinagmasdan. "Wala namang masama kung hindi muna ako susunod sa oras, hindi ba?" Nakangiti siyang lumipad, patungo sana sa mga batang anghel na naglalaro, ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay isang nakakatulilig nang sigaw ang pumigil sa kaniya. "FAITH!" Nailaglag niya ang bolang ulap, nahinto siya sa paglipad bagama't nakalutang pa rin siya. Nakaramdam siya ng kaba nang makitang ang Punong Maestro na nasa gusali nito ang tumawag sa kaniya. Lahat ng mga anghel na naroroon ay napatigil sa kaniya kaniyang ginagawa. NAKAYUKONG PUMASOK SI FAITH sa gusali ng Punong Maestro. Kinakabahan siya dahil alam niyang may mali siyang nagawa. Hindi na naman siya sumunod sa oras. "Paumanhin, Punong Maestro. Nadala lamang po ako ng kagustuhan kong maglaro." "Alam mo na dapat ang tamang gawin, Faith. Ngunit, bakit sumusuway ka pa rin?" anang nito. "Hindi na po mauulit, Punong Maestro." "Kailangan mong matutunan ang bawat bagay, Faith. Kailangan mong matutunan na sumunod sa mga batas ng langit. May mga masamang resulta ang bawat paglabag at gusto kong maintindihan mo iyon. Hindi ka dapat nagpapaakit sa sinasabi ng iyong pansarili lamang na kagustuhan." Nanatiling nakayuko si Faith. Nauunawaan niya ang Punong Maestro. Talaga lang na hindi niya nakontrol ang kaniyang damdamin. "Bababa ka ng langit," walang kagatol-gatol na anang nito. Nanlaki ang mga mata ni Faith. Hindi makapaniwala sa narinig. "P-punong Maestro... bakit po?" Naglakad palayo sa kaniya ang Punong Maestro. Awtomatiko naman siyang sumunod rito. Huminto sila sa tapat ng marmol na sisidlan ng tubig. Sandali itong gumalaw bago lumabas ang isang imahe. Imahe ng iba't-ibang mukha ng tao. Ilang babae at ilang mga lalaki. Huminto ito sa mukha ng isang lalaki na naglalakad sa kalsada bago sumakay sa motor at pinaharurot ito. Takang tumingin si Faith sa Punong Maestro na seryosong nanonood. Mayamaya pa ay nawala na ang imahe bago siya muling hinarap nito. "Nakita mo ba ang mga taong iyon?" Tumango si Faith, nagtataka pa rin hanggang ngayon. "Bakit niyo po ipinapakita sa akin ang lahat ng ito?" Mapait na ngumiti ang Punong Maestro. "Lahat ng taong iyan ay kailangang matulungan, kailangang mapaakyat sa langit. Nakakalungkot mang sabihin, ngunit isa sila sa mga nagiging dahilan kung bakit naiimpluwensiyahan ang bawat tao sa paligid ng mga ito." Napalunok si Faith. Hindi makapaniwala sa sinabi ng Punong Maestro. Hindi niya alam na may ganito palang nangyayari sa lupa, dahil ang mga anghel na hasa lamang naman ang may karapatan sa mga impormasyong ito. "Gusto mo bang tulungan ang mga kaluluwa nila?" Hindi alam ni Faith kung ano ang isasagot. "Punong Maestro, paumanhin ngunit..." Muling gumalaw ang tubig. Ibang senaryo naman ang ipinapakita, ngunit pareparehas pa rin ang mga mukha na naroon. Kapwa umiiyak ang mga ito at hindi alam ni Faith kung ano ang dahilan. Isa lang ang alam niya. Maging siya ay nararamdaman ang pighati ng mga ito. "Lahat sila ay dumaan sa pagsubok ng buhay. Hindi lahat ng tao ay masama. Sadya lamang na may mga bagay na naging dahilan kung bakit sila umabot sa puntong iyon." Napaatras siya. Balak niya na sanang tumanggi, ngunit natigil siya nang muling gumalaw ang tubig. Iniluwa nito ang imahe ng lalaki na naglalakad at sumakay sa motorsiklo kanina. Unang ipinakita ang walang katumbas nitong ngiti, iba't-iba ang kasama nitong tao na mukhang siyang nagbibigay saya sa lalaki, ngunit muling gumalaw ang tubig at ipinakita ang imahe kung saan nakaluhod ito sa damuhan. May mga taong naka-itim na nakapalibot rito. May naglalakad na mga tao. Kabaong. Burol. Humagulhol itong muli. Napaka sakit panoorin. Samantalag sa sunod na senaryo naman ay tumatakbo ang isang babae na malabo ang mukha mula sa lalaking iyon. "S-sino po ang lalaking iyan, Punong Maestro?" Itinuro niya ang lalagyang marmol. Ngumiti sa kaniya ang Punong Maestro. "Siya ang magiging susi para misyon mo, Faith." Natigilan si Faith, nagugulat na hinarap ang Punong Maestro. "M-misyon?" "Oo, Faith. Kasama sa misyon mo ang binatang iyon. Tatanggapin mo ba ang misyon o hahayaan mo na lang na lumihis ng landas ang mga kaluluwa ng mga taong iyan?" "Paumanhin, Punong Maestro. Gusto ko lamang malaman kung bakit ako?Maraming anghel na mas katiwatiwala para sa misyong ito." "Hindi ba dapat kita pagkatiwalaan, Faith?" Natahimik siya. Hindi nakapagsalita. Alam ng lahat kung anong klaseng anghel siya. "Kagaya ng sinabi ko. Kailangan mong matuto at ikaw lang ang nakikita kong makakatapos ng misyon. Ibinibigay ko ang buong tiwala ko sa iyo. Ngayon Munting Anghel, tatanggapin mo ba ang misyon?" Dumako ang paningin ni Faith sa imahe ng lalaki. Napako ang paningin niya rito, kumabog ang kaniyang dibdib sa hindi niya mawaring dahilan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.9K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook