MASIYADO PANG MAAGA PARA ABANGAN SIYA NANG MGA ITO. All that he wanted is to visit the cemetery to see someone, to talk to someone, but these goons appeared. Sana pala ay hindi na lamang siya sa eskenitang ito dumaan.
Umalis mula sa pagkakasandal ang lider ng mga ito, maangas ring inalis ang subong sigarilyo matapos ay hinulog ito sa lupa at tinapakan nang mariin. Labing-isa ang mga ito.
Hindi niya gaano kilala ang mga ito sa pangalan, pero alam niyang hindi naman nalalayo ang edad ng mga ito sa kaniya. Maliban sa lider na kilala niya bilang Mocco na nasa trenta na. ilan sa mga ito ay drop-out mula sa kaniyang school, mga may kaya naman at ang ilan ay nag-aaral pa rin, kagaya niya na hindi pumasok ngayong araw.
“Kumusta, Sebastian?” anang ni Mocco.
Nag-iwas siya ng paningin.
Sa totoo lang ay wala siyang balak mag-aksaya ng oras para sa mga ito, pero alam niya rin namang hindi siya padadaanin ng mga ito hangga’t hindi niya bibigyan ng oras para magyabang.
“Balita ko, muntik mo na raw gibain ang bar ni Guzman kagabi?”
Nakakamangha na pati iyon ay alam pa nito. Iba talaga ang radar at mga bata nito.
The reason why he got mad last night…
“Mabuti na lang mahal ka pa rin ng mga kaibigan mo, kahit na patapon ka na.” Nagtawanan ang mga bata ni Mocco matapos ng sinabi niya.
Napangisi na lang siya. “What do you want?”
Bumalik ang seryosong mukha ni Mocco matapos ng tanong niya.
“Pera?” sabi nito.
Kinuha niya ang wallet mula sa bulsa sa kaniyang likuran.
Iaabot niya na sana ito nang tabigin ito ni Mocco. Tumapon iyon sa sementadong sahig ng eskenita.
Nakatanggap siya ng sapak mula rito.
Hindi siya nakaramdam ng kahit na ano. Pupunasan niya sana ang dugo sa kaniyang labi nang mabilis siyang kuwelyuhan ni Mocco.
“Gago ka talaga, ano? Porket mayaman ka, akala mo lahat madadala mo sa pera?”
Nilabanan niya ang titig nito.
“Tandaan mo ito, Sebastian. Hindi matatapos ang taon na ‘to nang hindi ka nagbabayad. Alam mong hindi pera ang kailangan namin, alam na alam mo ang dumi na ginawa at ipinalinis mo sa Ama mo. Hindi ka makakatakas.” Matapos ay marahas nitong binitawan ang kaniyang kuwelyo at dumura pa sa gilid nang paanan niya. “Tara.”
Masasamamng tingin pa ang ibinigay ng mga ito sa kaniya bago siya lisanin.
Sa kabila nang mga narinig ay nanatiling manhid ang kaniyang nararamdaman. Pinulot niya ang kaniyang wallet at nagpatuloy sa paglalakad. Sanay na naman siya sa konting sakit, sa isang sapak, suntok at sipa. Wala na siyang nararamdaman na kahit na ano.
Tila walang nangyari nang magpatuloy siya sa paglalakad para dalawin ang sementeryo. Ilang hakbang lang ay lumiwanag na ang paligid at tanaw niya na ang malawak at madamong lupain na kinalalagyan ng mga marmol na lapida.
Huminto siya sa sinadyang puntahan.
Hindi pala siya nakabili man lang ng bulaklak para rito.
“I’m sorry, for not bringing anything,” sabi niya.
Mula sa nakapamulsang pagkakatayo ay lumuhod siya para linisan ang lapida nito. Noong huling linggo lang nang huli siyang bumisita, madami na namang tuyong dahon na nakatakip rito.
“Wait for me, Mom. Wait for me.”
Matapos nang mga salitang iyon ay nilisan niya na ang sementeryo para pumunta sa karinderya na madalas nilang puntahan ng kaniyang ina. Mayaman man sila at lumaki mang mayaman ang ina niya, hindi naman ito maarte at mapili sa pagkain. She was too kind and too good to be true, so his Dad doesn’t deserve her, even him.
“Tinanghali ka na yata, Sebastian?” si Aling Cecile. Ito na ang may-ari ng karinderya na halos ilang dekada na ring pinagmanamanahan ng pamilya at ninuno nito.
Tipid siyang ngumiti rito.
Naabutan pa nito ang Mommy niya nang nabubuhay pa at simula nang una niyang punta rito nang bata pa siya ay ito na ang nag-aasikaso sa kanila simula pa noon at hanggang ngayon na siya na lamang mag-isa ang kumakain rito.
“Hindi ka yata naka-i.d.” Mukhang alam na nito na hindi naman siya pumasok ngayon. “Upo ka na roon. Madami kaming bago sa menu. Ano ang gusto mong kainin?”
Sinipat niya sandali ang menu. “I’ll have a caldereta and a bicol express.”
“Naku siya, sige. Sandali lang ito, hijo.” Iniwan siya ni Aling Cecile at sinabi sa waitress ang kaniyang order.
Ngayon niya lang napansin ang pagbabago na nangyari matapos nang ilang taon. Lumalaki na ang karinderya at nagmimistula nang restaurant. Everyone’s growing, but not him.
Inalis niya ang suot na helmet nang mainitan. Sandali siyang nagsalamin gamit ang shield ng helmet. Halata pala ang pagkakasapak sa kaniya ni Mocco. Kung papasok siya bukas, magmumukha na naman siyang naglalakad na gulo at basagulero.
Tinaob niya ang kaniyang cellphone sa lamesa nang makitang umilaw iyon. Sunod-sunod na nag-flash ang pangalan ni ni Gio, Malik at Gladys roon.
Naalala niya ang ilang beses niyang pagtanggi sa mga pag-aya sa kaniya ni Gladys sa mga trips noong summer vacation. Hindi niya gusto ang ginagawa ni Gladys, but it’s his fault why they are together right now. If only he isn’t that drunk that night, ni hindi niya nga maalala ang eksaktong nangyari nang gabing iyon.
Umawang ang labi niya nang makita ang pamilyar na babae sa labas ng karinderya. Noong una ay nakatanaw lang ito sa kaniya, ngunit nang makitang lumingon siya ay kaagad itong kumaway sa kaniya, nakangiting nagtatatalon.
Hindi niya gaano naririnig ang sinasabi nito, pero nababasa niyang pangalan niya ang bukambibig nito. It’s weird how happy she is to see him, samantalang ang mga taong kilala siya ay salungat ang tingin sa kaniya. Kaya siguro ganito ito dahil tama siya, hindi naman siya gaano kilala nito.
What is her name again?
Kunot-noo siyang nag-iwas ng paningin at nagtuon ng atensiyon sa paparating niyang order, dala ng familiar na waiter at ni Aling Cecile. Nakita niyang napansin nito ang pag-agaw ng babaeng iyon sa atensiyon niya kasama ang pamilyar rin na bata.
“Kanina pa ang dalawang iyan rito kanina, namamalimos.”
Lalong nagsalubong ang kilay niya.
Hindi naman mukhang pulubi ang babae. Bakit manlilimos?
“Oh, kumakaway?” tanong pa sa kaniya. “Kilala mo ba iyan, hijo.”
Bumuntong-hininga siya. “I saved her earlier from a drunk driver.”
“Mabuti at hindi yata nabangga?”
Sandali siyang natigilan. He exactly saw what happened and it’s too surreal.
Alam niyang hindi siya nagkakamali ng nakita. He doesn’t believe in magic, but how would science prove what he seen? Now he’s suspecting the girl more, but at the same time he still thinks that it was just a coincidence. Isa pa, alam nito ang pangalan niya.
“She tried to save an old man,” tipid niyang sagot.
Bumakas ang paghanga sa mukha ni Aling Cecile. Nagbalik pa ito nang paningin sa babae na nararamdaman niyang nakangiti at nakatingin pa rin sa kaniya.
“Kung ganoon, mabuti pala ang puso ng batang iyan?” ika pa nito.
Hindi siya sumagot at nagpanggap na kumakain na lang.
Maybe she is, but he doesn’t really know her so he won’t agree and if she really is, then she should be careful. Dahil sa mundong ito, naaabuso ang mga mababait at sa inasta ng babae kanina nang muntik nang mabangga, tila ba wala itong muwang at tila kahapon lang ipinanganak.
“Pabalik-balik ‘yan rito kanina, Manang. Kaso kulang kasi pera niya, kaya hindi ko mapagbilhan,” ika ng waiter na nag-serve nang pagkain niya.
“Aba, talaga? Sa itsura naman ng batang iyan, maputi, maganda at meztisa. Aba, hindi siya mukhang mahirap at walang pera. Kung titignan ko nga e para siyang birhen… anghel?”
Napukaw ng sinabi ni Aling Cecile ang atensiyon niya. Muling bumalik ang senaryo na nangyari kanina. Tinignan niya ang babaeng iyon na talagang nakangiti pa rin sa kaniya.
Aling Cecile was right. He can’t deny how pretty the girl is. Hindi kagaya ng tipikal na mga babaeng kasing edad nito na nag-aaral sa university nila. Her beauty is simple and natural, something that shines and stands out.
“May naaalala nga ako sa kaniya, e.”
Nagbaba siya ng paningin muli sa kinakain.
Naramdaman yata ni Aling Cecile na hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito kaya nauwi iyon sa naiilang nitong tawa.
“Halika, Lotlot. Abutan mo ng pagkain ‘yung dalagita at ‘yung batang kasama.”
Pinakiramdaman niya na lang ang pag-alis ng dalawa at ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos ang ilang minuto ay lumabas ang tinawag ni Aling Cecile na Lotlot dala-dala ang supot ng pagkain.
Mula sa lamesa niya ay pinanood niya ang mga iyon sa labas.
Kagaya kanina ay hindi niya dinig ang pinag-uusapan ng mga ito, ngunit nakikita niya ang pagpapasalamat ng batang lalaki maging ng babaeng iyon na manghang mangha sa libreng pagkain na ibinigay nito.
Nagulat siya sa biglaang paglingon sa kaniya ng babae at muli siyang kinawayan at nginitian.
What’s with her?
Tinapos niya ang pagkain at kinuha ang mga gamit sa lamesa.
“Aalis ka na, Sebastian?” Lumabas mula sa counter si Aling Cecile.
Tipid siyang tumango.
“Mag-iingat ka sa pagmaneho, ha?”
“SEBASTIAN!” Ngunit hindi pa man siya nakakaalis ay sinalubong na siya ni Precila na nagmula sa second floor ng karinderya kung saan doon nakatira ang pamilya ni Aling Cecile.
Si Precila ang bunsong anak nito na noon pa man ay kilala na siya, nagtapat rin na gusto siya. Sa lahat yata nang babae na lumalapit sa kaniya, ito lamang ang hindi niya na tinataboy dahil kahit papaano ay sanay naman na siya sa prisensya nito, maingay, maikli manamit at makapal mag-make-up.
Kaagad siya nitong niyakap.
“Sebastian! Nandito ka pala! Mama naman, bakit hindi mo sinabi sa akin? Buti na lang bumaba ako, kundi hindi ko sana naabutan ang hubby ko!”
Kaedad niya si Precila, ngunit huminto ito sa pag-aaral nang sanang magka-college na.
“Alam mo kung bakit hindi ko sinabi? Kasi ganiyan ang iaakto mo! Anak naman, bigyan mo ako ng kahit konting kahihiyaan! Mahiya kay Sebastian, Anak!”
Wala siyang sinabi, nanatili rin siyang walang emosiyon sa mukha, pero hindi ibig-sabihin ay galit siya. Kabisado naman na ng mag-ina ang ugali niya kaya hindi niya na kailangan pang magpanggap at pilit na mag-react.
“Kain ka ulit, Sebastian! Sabayan mo ako!” suhestiyon pa ni Precila sa kaniya.
“I’m done,” sagot niya.
“Dessert! Libre ko na!”
“Hay naku, Precila! Tigilan mo na si Sebastian at may lakad pa iyan!” Hinila na ni Aling Cecile ang anak mula sa kaniya.
Tumango siyang muli sa dalawa para muling magpaalam.
“Hatid na kita!” Hindi naman na ito napigilan ni Aling Cecile at muling umangkla sa kaniya para ihatid siya sa labas ng karinderya.
Hinayaan niya lang ito at diretsong tumingin sa dinaraanan. Dahil roon ay muli niyang nakita ang babae at ang kasama nitong batang lalaki.
“Sebastian!” Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas sa bungad ng karinderya ay tinakbo na nito ang pagitan nila para salubungin siya.
Hindi siya nagsalita at kaagad na nag-iwas nang paningin nang makitang halos literal na kumislap ang mata ng babae nang malapitan siya. Why does she always seems excited about him?
“Hoy… Faith.” Bumagsak ang paningin niya sa pagkakahawak ng bata sa braso ng babae, tila pinipigilan ito sa hiya.
Faith? Her name is Faith?
“Sino ka?” batid niyang masama na ang tingin at nakataas na ngayon ang kilay ni Precila sa dalawa. “Bakit kilala mo ang hubby ko?”
Awtomatikong nagsalubong ang kilay ng tinawag ng bata na Faith.
“Hubby?” tanong pa nito.
“Tanga, hubby raw. Asawa niya raw,” pasimpleng binulong iyon ng bata kay Faith.
Matapos makinig sa bata ay muling tumingin sa kaniya si Faith tila naguguluhan pa rin.
“Asawa? May asawa ka na, Sebastian?” hindi pa ito nakuntento at nagtanong pa sa kaniya.
“Oo. Asawa nga, ako asawa ni Sebastian. Kaya lubayan mo na! Ayaw nito sa mabaho!”
“Teka, Ate, sobra ka naman na yata?” ika ng batang lalaki.
Lalong nagsalubong ang kilay ni Precila. “Oo, sobra na ako. Saan galing ‘yang pagkain mo? Hindi ba’t galing sa tindahan namin? Kaya akin na ‘yan! Sasagot ka pa, ha?!”
Nang kukunin na sana ni Precila ang hawak na supot ng bata ay kaagad na humarang si Faith.
“Sandali, wala namang kasalanan si Lili.”
Umastang natatawa si Precila. “Walang kasalanan? E, sumasagot nga ‘yang baklita mong asungot-“
“Precila,” hindi niya na napigilan ang hindi mangialam.
Natanto niya na lang na hinahatak niya na palayo si Faith at ang batang nakakapit rito palayo kay Precila na sinisigaw pa ang pangalan niya.