Kabanata 3: Scars

1502 Words
Halos hindi ko maibuka ang mga mata ko. Sobrang sakit din ng katawan ko, ramdam ko ang kirot na iniinda ng sarili kong katawan dahil sa karahasan ng lalaki kagabi. Totoo ba ‘yung nangyari kagabi? Hindi kaya binabangungot lang ako? Pero kahit gustuhin ko ng makalimutan ay nagkukusang bumabalik sa utak ko ang nangyari. I heard the sound of the door opening, the muttering from something I don't know and then the door shutting several times. Hirap akong gumawa ng kahit anong ingay para malaman ko sa sarili ko kung buhay pa ba ako o kung may kung anong nangyari sa akin pero kada susubukan ko, sobrang sakit ng tiyan ko. My tongue felt like it was covered by sandpaper. Bakit ganito? Baka patay na ‘ko! Nasa ulap na siguro ako dahil sa lambot nitong hinihigaan ko. Nagtagumpay siguro ang lalaking ‘yon sa masama niyang balak. Pero teka! May nagligtas sa akin! Kahit naging malabo ang paningin ko nung gabing 'yon alam kong may dumating para iligtas ako sa hayop na manyak na iyon. Kaagad din akong nanlumo ng maiisip na maaaring iniligtas niya nga ako pero ginawan din ng masama. Magkikita na ba kami ni Mama at Papa?! Mas ok na siguro ‘yon. Hindi na ‘ko maghihirap pa dito. Ginalaw ko ang mga daliri ko at paa, nagalaw ko naman. Baka buhay pa nga ako? Lalo pa dahil may nasakit akong nararamdaman. Hindi ako manhid. Para malaman nga kung nasaan talaga ako. Pinilit kong iminulat ang mga mata ko. Sa una, sobrang labo pa ng nakikita ko at hindi ko pa masyadong maaninag. Nang makapag-adjust na ang mata ko sa nakikita tsaka ko lang napansin kung nasaan talaga ako. Kaya lang puro itim ang nakikita ko. Hindi ba kaya paningin ko lang ‘to? Kainis naman! Nasaan na ba talaga ako?! Kahit hirap sinubukan kong ilibot ang paningin ko. Wala akong ibang makitang kulay kundi purong itim. May mga kahoy na hindi ko kilala at mukhang mamahalin. Moderno ang desisyon ng kwartong ito. Hindi ako pamilyar kung nasaan ako ngayon. Nakaramdam kaagad ako ng takot at pagkabalisa. Kailangan kong makaalis dito! I groaned as try to move, I rubbed my temple, then yelped when the action sent a sharp pain in my face and stomach. Pakiramdam ko hindi na pantay ang mukha ko, parang nabali ang panga ko. Sana wala akong pasa sa mukha. Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa’kin, tsaka ko lang napansin na iba na pala ang damit ko. Isang shirt na ito na abot hanggang ilalim ng pang-upo. Panty lang ang suot ko pang-ibaba at hindi ito ang panty ko na naalala kong suot pero may bra ako pero iba na rin ito. Wala naman ang damit ko sa paligid kaya wala akong choice kung ‘di ang kumuha ng short sa cabinet, kaya lang wala akong nakitang cabinet dito. Nasa’n kaya ‘yon? Hindi naman pwede na lumabas ako ng naka ganito lang. Pumasok ako sa isang kwarto at nakita ang mga damit na nakaayos. Grabe ang daming damit at magagara pa! “Woah...” Napaawang ang labi ko sa sobrang pagkamangha. May sariling kwarto pa ang damit ng taong nakatira dito, para na ‘tong isang buong bahay ko, hindI malaki pa pala ‘to. Kumuha kaagad ako ng isang boxer at sinuot. Pero sobrang laki nito sa akin at halatang malaking tao ang nakatira dito. Tinali ko pa sa gilid ang boxer para lang hindi ito malaglag. Dahan-dahan akong umalis sa kwartong iyon at sinubukang hindi gumawa ng kahit anong ingay. Hawak ko ang tiyan ko dahil sa kumikirot pa rin ito pati na din ang mukha ko, hindi ko pa nakikita ang itsura ko. Wala na akong oras para doon. Marahan kong binuksan ang pinto, sumilip muna sa paligid bago lumabas. Hindi lang pala ang kwarto niya ang itim ang kulay kundi ang buong bahay. Nang makababa, may nakita akong nakatalikod na lalaki. Mahaba ang buhok nito at malapad ang balikat, kita ang malaki niyang pangangatawan. Wala siyang damit pang-itaas at mukhang may ginagawa. Tumingin ako sa paligid at nakitang wala akong ibang pwedeng daanan kundi sa likod niya lang, pwede sa harap niya kung gusto kong magpakita. Pero syempre hindi ko ‘yon gagawin! Lumunok ako at huminga ng tahimik, inihanda ang sarili para sa plano. Nakatingkayad pa akong dumaan para lang hindi niya marinig ang kahit anong yabag na galing sa’kin. Pero buti na lang dahil marble ang sahig niya. Walang ingay kaya naging mabilis ang pagkilos ko. Nang makita ko ang pinto, laking tuwa ko dahil makakalabas na din ako. Kaya lang hindi doorknob ang hawakan ng pinto, may mga numero iyon at kailangan ng passcode. Nanlumo ako, hindi ko alam kung anong gagawin. Sinubukan kong pumindot ng ilang numero, hula lang pero hindi talaga mabuksan. Bumalik ako sa loob at nakitang nandoon pa rin siya. Malamang may back door ‘tong bahay na ‘to. Doon ako dadaan. Habang nasa gitna na ng paglalakad, laking gulat ko ng bigla siyang tumayo at humarap sa’kin. "Hey..." Nanlaki ang mata ko at kumaripas ng takbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero napansin ko na nakapunta ako sa kusina at kaagad kong nakita ang lalagyan ng kutsilyo at kumuha ng isa. “Sige! Lumapit ka, isasaksak ko ‘to sayo.” sigaw ko sa kanya. Tinuro ko siya gamit ang kutsilyo na hawak ko, mahigpit ang pagkakahawak ko doon dahil nanginginig ang kamay ko. Imbes na sagutin ako, pinagkrus niya ang kamay niya dahil doon mas lalong kita ang muscle niya sa braso. Wala sa sarili siyang tumawa at napailing. Hindi siya natatakot! “Harsh, honey. Your hands are shaking. Masasaksak mo ba talaga sa akin ‘yan? Kaya mo?” Napasinghap ako at mas kinabahan. Balewala lang sa kanya ang ginagawa kong pananakot. Hinawi ang buhok at nilagay iyon sa likod ng tenga niya. May kahabaan ang buhok niya na aabot hanggang balikat. “O-oo. Kaya ko!” naghanap ako ng maaring ipalusot. “N-nakamatay na ‘tong kamay na ‘to.” I lied. “Mukha nga,” he made a playfully exhausted sigh. “Better find more applicable alibi, honey.” “Huwag na huwag mo akong matatawag na honey!” I looked up to glare at him. There would be no mistaking the disgust in my tone or eyes. “Hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala kaya pwede ba ayokong marinig na sinasabi mo 'yan! Tsaka 'wag kang lalapit.” He walked closer. Naalerto na naman ako at medyo umatras. “Huwag kang lalapit. Anong ginawa mo sa akin a?!” He tilted his head, glance in my way, a hint of smile on his lips showing that he’s teasing me. “Sa tingin mo anong ginawa ko sayo?” Sinamaan ko siya ng tingin, naiinis ako sa kanya dahil tingin niya laro lang ang nangyari sa’kin. Sa tingin ko, ginawan mo ‘ko ng katarantaduhan! Gusto ko ‘yong isigaw pero wala akong lakas. Nanginginig ang katawan ko. Sumeryoso siya at humakbang palapit sa’kin. “’Wag kang lalapit!!!” I bawled. Pero imbes na huminto, patuloy pa rin ang paglakad niya patungo sa akin. Nakatutok pa rin ang kutsilyo at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Napaatras ako kaya lang wala na akong maatrasan pa. Huminto siya, nakatutok sa dibdib niya ang kutsilyo. Hindi niya alintana na maaari kong totohanin na saksakin siya. Napatingin ako sa dibdib niya. I did not even flinch when my eyes darted on some old scars under his chest. Bumalik ang tingin ko sa kanya, seryoso pa rin niya. He smirked. “Natakot ka ba?” I make a smug face. “Hindi ako takot diyan. Perklat lang naman ‘yan!” huminto ako sa pagsasalita at muling tumingin sa kutsilyo na nasa dibdib niya paakyat sa mukha niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Gusto mo bang mamatay?! Sabing lumayo ka sa akin!” Nagsimula akong mataranta lalo na nung kita ko kung paano bumaon ng kaunti ang kutsilyo sa dibdib niya. Kahit na ganoon ay wala akong takot na nakita sa mga mata niya. Halos mabitiwan ko ang kutsilyo na nakatutok sa kanya dahil mas lumapit pa siya. Balak ko na sanang bitiwan ang kutsilyo pero pinigilan ako ng lalaking nasa harap ko. Hinawakan niya ang pulsuhan ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya, kitang-kita ko kung paano ang dulo nito ay muling bumaon sa dibdib niya at ngayon ay namula na ito pero wala pa namang dugo. Huminto ulit siya sa paglapit. “Fierce it straightly to my heart honey, if you could.” nakangiti siya pero walang bakas ng emosyon sa mukha. Matindi akong napalunok at natakot para sa kanya. Alam kong kung lalapit pa siya sa’kin, tuluyan ko na talaga siyang masasaksak. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at kita ko kung paano manginig ang mga kamay ko na hawak niya. Baliw na 'tong lalaking 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD