“Hi, Miss sexy.” sabi ng lalaki sa akin, hindi naman ganon katandaan.
Ngayon ko lang ito nakita dito, mukhang bago lang. Hindi na naman ako masyadong naapektuhan sa mga cat callings ng mga customer dito gabi-gabi. Siguro nga nasanay lang pero tiis na lang talaga. Kailangan ko ng pera e.
Nilapag ko ang order niya, sanay na ko sa mga ganito mga manyak na lalaki. Umayos ako ng tayo, nahagip ng mata ko ang hagod niyang tingin sa akin lalo na sa hita ko. Pasimple akong umirap kulang na lang maglaway siya. Iniharang ko ang tray sa katawan ko at plastic ko siyang nginitian. Ayoko ko namang matanggal sa trabaho ko dahil lang sa hindi pag ngiti.
Ito ang pinakamahirap sa lahat ang ngumiti sa mga taong ito. Taong nag-aaksaya lang ng biyaya na meron sila, hindi marunong magpahalaga kasi mayaman sila.
“May order pa po ba kayo, Sir?”
“Wala na pero…” tinapik niya ang sofa, sinesenyasan akong umupo sa tabi niya.
“Pasensya na po, Sir. Bawal po kaming i-table. Kung gusto niyo po sa ibang club po kayo.” lumalabas na ang pagkamasungit ko pero pinanatili ko naman ang pilit na ngiti sa labi ko.
Totoong bawal naman talaga kami i-table.
Tinalikuran ko siya pero padabog siyang tumayo. Nilingon ko siya ulit, galit ang mokong! Bahagyang nakuha namin ang atensyon ng iba.
“E, ikaw nga ang gusto ko e. Nag-iinarte ka pa! Magkano ka ba?!” inis niyang sabi sabay duro sa akin.
Tang*na nito! Akala mo kung sino kung makaduro sa akin.
Itong mga mayayaman na ito akala mo kung sino sila! Akala mo kaya nilang bilhin ang lahat ng bagay. I sighed, trying myself to be calm. I used to this kind of situation. May mas malala pa dito dati. Pero hindi naman sa akin nangyari kundi sa kasamahan ko.
“Sir, hindi ho pwede.” naiinis kong sabi pero kalmado pa rin.
Marina… kalmahan mo lang at baka magalit pa lalo ang customer.
“Magkano ka ba?! Pakipot ka pa, pinapahirapan mo pa ako. Pera lang naman katapat mo!” giit niya na nagpagigil sa akin.
“Wala ho akong presyo. Mali kayo ng napiling tao kaya kung pwede ho maghunos-dili kayo.” pagpapakalma ko sa kanya.
Nag-iinit na ang ulo ko, gusto ko ng ihampas sa makapal niyang mukha itong hawak kong tray. Kung hindi ko iniisip ang trabaho ko.
“Okay ka lang?” tanong ni Wendy.
Tumango lang ako. Nakahinga ng maluwag dahil kasama ni Wendy ang manager namin.
“Sir, kalma lang po tayo, hindi po kasi pwede sila, waitress lang po sila. Tsaka po Sir hindi po kami nagbebenta ng babae.”
“Sus! Pera lang naman ang gusto ng mga ‘yan. Ibubuka lang naman ang hita nag-iinarte pa.” kinuyom ko ang kamay ko at sobrang galit na sa lalaking ito. Inis na rin si Wendy tulad ko.
Manager ko na ang nagpaliwanag sa lasing na hayop na ‘yon. Umalis na kami doon at nagpalit kami ng pwesto ni Wendy. Isang taon pa lang ako sa trabaho kong ito pero minsan hindi ko talaga masikmura, hindi tulad ni Wendy na sanay na siya at magaling ng magpaikot ng ulo ng mga lasing sa club. Sinusubukan ko naman pero init ng ulo ko ang nangingibabaw lalo na sa mga katulad nun.
Naghahanap pa ng gulo, wala naman akong tip! Badtrip!
Nang matapos kami bilang waitress, nagtinda naman kami ng yosi dito sa labas. Binansagan pa nga kaming ‘Cigarette Girls’. Mas malaki kasi ang tip dito, may kota lang naman kami at mababa lang naman tapos sa amin na ang tira. Ngayong wala na ‘ko sa puder ng Tiya ko, nakakapag-ipon na din ako.
“Palit naman tayo, Marina. Diyan naman ako sa pwesto mo.” alok ni Wendy.
Madalas namin itong gawin para makaabot sa kota.
“Sige,”
“Pero ingat ka dito a. Madaming loko diyan kaya kapag may nambastos alisan mo kaagad. Puntahan mo ako sa kabila o pumasok ka na lang ulit sa club.” paalala ni Wendy.
I just nodded my head.
“Ikaw din. Salamat.”
Nagpalit kami ni Wendy, ganito naman din kami minsan para mas malaki ang kita, nililibot namin ang buong paligid. Huminto muna ako dahil sa pangangalay ng mga paa ko dahil suot kong heels, ilang oras na din kasi akong nakatayo. Lagpas na ako sa kota ko at nasa isang libo na rin ang sobra ko. Malinis ko na itong maiuuwi.
Ngunit naramdaman kong may humawak sa likod ng hita ko kaya napaatras ako at nilingon kung sino ang gumawa noon.
“Nandito ka lang pala.” nakangisi nitong sabi.
Iyong lalaking nanggugulo pala kanina ang sumunod sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya. Luminga-linga ako sa paligid at nakitang walang masyadong nakakapansin sa amin dito dahil may kanya-kanya silang ginagawa at malayo kami. Isa pa, may kadiliman ang paligid.
Nakaramdam ako ng takot pero nilabanan ko. Sa katulad nito, hindi dapat ako magpakita ng kahit anong takot dahil mas lang akong tatakutin nito, lalo na kapag nakita ka nilang mahina.
“Tigilan niyo na ho ako. Wala kayong mapapala sa akin.” mariin kong sabi.
Umalis ako pero hinawakan niya ang kamay ko. Nagpupumiglas ako at tinadyakan siya sa p*********i niya. Sumigaw siya sa sakit at mas lalo siyang nagalit. Tumakbo ako kahit na sobrang sakit ng paa ko, hindi ko ito ininda. Nakapunta ako sa isang room sa likod ng club. Ni-lock ko ‘yon at hinihingal na nagtago sa loob.
Akala ko hindi na niya ako nasundan pero laking gulat ko ng biglang kumalabog ang pinto ng pinagtataguan ko. Ilang beses niyang tinadyakan ang pinto pero bigla siyang huminto.
Kahit na nanginginig ako, lumapit ako sa bandang pinto at pinakinggan kung nasa labas pa ba ang manyakis na lalaki.
“Is there a problem?”
Matigas at buo ang boses ng nagsalita. Hindi ito ang boses ng lalaking humahabol sa’kin. This is my chance to ask for help.
“Wala, mag-c-cr lang ako.” rinig kong sabi ng humahabol sa’kin kanina.
Kinalampag ko ang pinto at nagsalita.
“Tulong po! ‘Wag kayong makinig diyan. Manyakis po ‘yan.” nilakasan ko ang sigaw sa abot ng makakaya ko.
Tumahimik ang nasa labas. Natatakot aking buksan ang pinto baka nakaabang ang lalaki sa labas.
“Wala ‘yon.”
Narinig ko ulit ang boses ng lasing na lalaki galing sa labas. May narinig pa akong kung anong ingay pero hindi ko na naintindihan pa.
Napatalon ang katawan ko sa gulat nang may gusto na ngayong gumiba sa pintuan. Halos napasigaw ako sa takot. Pero kahit natatakot ako, kumuha pa rin ako ng bagay na pwedeng magamit pang depensa kaso isa lang ito na kahoy.
Nasaan na kaya ang lalaking nagsalita kanina?! Sa lugar na ito, wala tagalang magliligtas sa mga kagaya ko. Hindi na din ako magugulat kong dalawa na silang pagtutulungan ako.
Nawalan na ako ng pag-asa. Lumunok ako at nahihirapan ng huminga dahil sa kaba. Nag-iinit na rin ang sulok ng mata ko.
Napatalon ako nang nabuksan niya ang pintuan. Mahigpit kong hinawakan ang kahoy handa ng ihampas ito sa kanya kapag lumapit siya.
Nakakadiri ang itsura nito. Nakangiti siya at dahan-dahang sinarado ang pinto. Humakbang siya at inihampas ko sa banda niya ang kahoy pero hindi siya natamaan. Sa sumunod niyang hakbang, hinampas ko ulit siya kaso lang nasanga niya at hinila ang kahoy.
“Hayop kang babae ka! Yari ka sa amin ngayon. Pero pagsasawaan muna kita!” galit na galit nitong sabi.
"AHHH!!!" sigaw ko sa kanya at pilit na inaagaw ang kahoy para mahampas siyang muli.
Ngunit hindi sapat ang lakas ko bilang babae.
Sinampal niya ako at sinuntok sa sikmuna na ikinatumba ko. Nanginginig na ako at sobrang natatakot pero hindi man lang ako naiyak kahit pagmasa ng mata, wala.
Napaimpit ako sa sakit ng tiyan ako. Tumatawa siya at unti-unting hinuhubad ang sinturon. Gumapang ako, hinihiling na sana sa pamamagitan noon nakaligtas ako.
“Hihingi ka pa ng tulong! Peste ka!”
Hinila niya ang paa para ilapit sa kanya. Hinubad niya ang pantalon niya at nagsimula ng haplusin ang binti ko. Sinubukan kong nanlaban kahit na hirap pero sinuntok niya ulit ako sa sikmura ko. Wala na siya ngayong pang-ibaba at kitang-kita ko ang sabik na p*********i niya. Gusto kong masuka sa nakikita, napakababoy nitong hayop na ito.
“Napakapakipot mo kasi kaya itong bagay sayo.” pagkatapos niyang sabihin ‘yon. He licked his lips at bite it. Nagpumiglas ako. “Matapang ka a,” bulong niya at nagsimula na sa masama niyang balak.
Sinuntok niya ako sa mukha bago bumaba ang kamay niya sa hita ko at narinig ko siyang suminghot sa hangin. Tumulo ang luha ko at kahit wala ng natitirang lakas ay sinubukan kong gumalaw at itulak siya.
Hinalikan niya ang binti ko pero wala akong magawa. Inis at galit lang ang maramdaman ko, nandidiri na din sa sarili ko.
Nabuhayan ako ng pag-asa ng may nag-alis sa lalaking nasa binti ko ang labi. Mukhang sinagot naman ang dasal ko at halos hindi nasundan ng mata ko ang nangyari. Nakita ko na lamang ang lalaking manyakis na nakahandusay habang pinagsusuntok ng hindi ko kilala.
Malakas na napadaing ang lalaki sa sakit at panay rin ang paghingi nito ng pasensya. Tanging malapad na likod lang nito ang nakikita ko. Sumandal ako sa pader at ininda ang sakit ng tiyan dahil sa mga suntok na natamo.
Binalingan ko ulit ang lalaking nagligtas sa akin. Patuloy pa rin siya sa pagsuntok dito, hindi ko pinigilan. Tama lang ‘yon sa hayop na ‘yon, kung mamatay siya, wala na akong pake. Tumigil ang lalaki ng halos hindi na gumalaw ang lalaking may masamang balak sa’kin.
Nilingon ako ng lalaki. He was catching his breath while staring at me, there was something in his stare. Nilapitan niya ako at halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan kung hahawakan niya ba ako o hindi. Balak niya bang ituloy ang gustong gawin ng lalaki sa akin kanina? May masama din ba siyang balak?
Nilibot ng buong mata niya ang kabuuan ko.
Hindi ako makapagsalita dahil sa sakit ng katawan ko at mukha ko. Napaawang ang labi ko para maghabol ng hininga at kumikirot din ang sikmura ko sa sakit.
Pisti talaga!
"T-tulong..." nahihirapan kong sabi.
Hindi sumagot ang lalaki at hindi ko na rin magawang itaas ang tingin ko sa mukha niya. Nanatili sa nanginginig kong kamay ang tingin ko.
He carry me in a bridal style and leave this hell place. Unti-unting nanlabo ang paningin ko at nawalan ng malay sa bisig ng lalaking hindi ko kilala.