Kabanata 1: Club

1502 Words
Napahinto ako sa paglalakad at pinikit ng mariin ang mga mata dahil sa naalala ang mapait kong nakaraan. Hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang pag-iisip sa nangyari noon dahil mas masakit pa ang mga sumunod na nangyari na mas lalo kong ikinagalit sa sarili ko at sa ibang tao. Sinisisi ko ang sarili ko pero hindi talaga mangyayari ‘yon kung hindi nila sinamantala ang kahinaan ko noon. Siguro nga tanga talaga ako noon gaya ng sabi ng Tiya ko. Kaya lang hindi ko uulitin na maging tanga sa kanya. Gabing-gabi na pero wala pa din akong alam kung saan magpapalipas. Hindi ko naman kaya ang pumunta sa isang hotel o kahit motel dahil sapat lang ang perang dala ko para makakain ako hanggang bukas. Wala naman sana akong balak umalis sa puder ng Tiya ko kahit na pinapahirapan ako, ayoko ring iwan ang pinsan ko, si Leticia. May sakit siya sa puso at ako lang ang inaasahan na mag-alaga sa kanya. Hindi ko na lang talaga matiis. Kung pwede ko lang siyang isama kanina malamang dinala ko na ang pinsan ko. Baka kawawain lang iyon ng tiya ko at hindi alagaan. Sobra kasing na-addict na sa sugal. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko ng marinig ang pagtunog nito. “Wendy, napatawag ka?” [“Marina, balita ko lumayas ka sa inyo?”] kuryosong tanong niya. Umiling ako at nagsimula ulit sa paglalakad. “Saan mo naman nalaman?” takang tanong ko. [“May sariling pakpak ang mga balita,”] simple niyang sabi. [“Alam kong wala ka namang matutuluyan ngayon kaya dumito ka muna sa bahay ko.”] Huminga lang ako ng malalim. Tumingin sa paligid, masyado ng madilim, kailangan ko na talaga ng matutuluyan at ang alok ni Wendy, mahirap ng tanggihan. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip pa na pumunta sa bahay niya. Kasama ko sa trabaho si Wendy, sa isang club. Waitress kami doon at kapag may extrang oras, pinagkakakitaan namin ang pagbebenta ng sigarilyo sa labas lang din ng club. Hindi ko gusto ang ginagawa ko kahit na wala naman akong ginagawang masama kaya lang iba ang tingin sayo ng ibang tao, daig mo pa ang isang kriminal. Masyasong maliit ang tingin nila sa katulad ko. Pero kalaunan nasanay na rin at hindi na pinapansin ang sinasabi ng iba. “Frienny! Welcome sa bahay ko!” sobrang saya niyang bati na nakabuka pa ang dalawang kamay para i-welcome ako. Napangiti ako sa kanya at umirap sa hangin. Kahit kailan talaga hindi siya mauubusan ng energy. Gusto ko ring mahawaan. Tinusok niya ang tagiliran ko. “Asus! Bakit ayaw mong tanggapin na bestie tayo? Ako lang ang nag-iisang kaibigan mong maganda.” nakangusong sabi ni Wendy. Matagal na kaming magkakilala ni Wendy, simula ng nagtrabaho ako sa club. Siya ang nagpasok sa akin doon para may mapagkakakitaan ako, dahil sa kanya nagagawa naming makakain at nasusuportahan ko kahit papaano ang pagpapa-ospital kay Leticia. Kung wala siya at hindi niya ako inalok ng trabaho hindi ko alam kung saan kami pupulutin ngayon. Pero kahit na matagal na kaming kakakilala, hindi ko pa rin siya maituring na kaibigan. I know it sounded so selfish of me but I’m just scared. Baka kasi iwan niya lang din ako at lokohin sa huli katulad ng ginawa sa akin ng mga dati kong itinuring na kaibigan. Importante sa akin si Wendy, tinuring niya akong parang kapatid kahit na hindi niya ‘ko kilala. Kaya lang hindi pa ako handang magtiwala ng lubusan. Hindi ko masira ang pader na ginawa ko para protektahan ang sarili ko. Pero sinusubukan ko na bigyan siya ng pagkakataon dahil wala naman siyang ginawang masama kaso lang may takot pa ako. Hindi rin naman siya sumusuko na tanggapin ko siya bilang kaibigan. Hindi na niya din pinansin ang hindi ko pagsagot, nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Dumaan kasi ako sa inyo tapos nakita ko si Leticia naiyak, galit na galit ang Tiya mo. Tinubuan na naman ng sungay.” pagpapaliwanag niya. Nalaman din kaagad ni Wendy ang tungkol sa pagtutulak sa akin ni Tiya na magpakasal ako sa nireto niyang matanda. Nag-alala naman ako sa kondisyon ni Leticia baka kung anong mangyari sa kanya lalo na’t may sakit ito sa puso. “Grabe talaga ‘yang Tiya mo!” naiinis na sabi ni Wendy. “Bakit hindi siya ang magpakasal sa gorang na ‘yon. Pakasal sila tapos patayin niya kaagad para makuha ang gusto niya, hindi iyong ikaw pa ang gagamitin niya!” “Wala na akong magagawa pa sa kanya. Hindi ko na mababago ang tingin nun sa’kin.” tamad kong sabi. Ngumiwi siya at halatang hindi gusto ang ideya. “So, ano? Hahayaan mo na lang? Ganon na lang 'yon?” I shook my head to show my disapproval. “Hindi. Kaya nga ako lumayas at nandito ngayon.” Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang kamay. Naninimbang ng sasabihin tungkol sa sitwasyon ko ngayon. “Paano si Leticia, aber?” I took a deep breath. “Iniisip ko pa, kung paano.” namomoblema kong tugon. “Sa takbo ng utak ng Tiya mo, hindi na ‘ko magugulat kung gagamitin niya si Leticia para makuha ang gusto niya. Sasabihin lang nun na kailangan ka ni Leticia o kaya iiwan niya ang anak niya para wala ka namang choice at bumalik sa bahay niya. Naku! Iyang utak ng tiya masyadong mapurol. Tasahan ko kaya muna at baka tumino.” ani ni Wendy at galit pa rin. Naisip ko na din ‘yon, kailangan makagawa ako ng paraan para hindi magamit ng Tiya ko ang sarili niyang anak para lang sa pansarili niyang interes. Mas lalong kumirot ang isip ko dahil walang kamuwang-muwang ang pinsan ko. “Oh siya! ‘Wag na munang biyernes santo iyang mukha mo at kailangan pa nating magtrabaho.” pag-iiba niya ng topic at tumayo. Nagbihis na kami ni Wendy dahil may pasok pa kami ngayon sa club. Suot itong sobrang maikling palda at sailor shirt crop top at naka-heels, nasanay na din ako dito, pikit matang ako lagi sa pagsuot nito. Sobrang hapit nito sa katawan ko. It shows too much skin but I don’t have a choice because this is our uniform. Sabi nung gay manager namin ganito raw ang dapat naming isuot para makapang-akit kami ng maraming customer. Win-win situation sa club niya at marami kaming tip. Hindi ako naglalagay ng make up, tanging lipstick at pulbo lang palamuti sa mukha ko. Pero naisipan ni Wendy na lagyan ako ng maskara kaya pumayag na lang din ako. “Alam mo ang ganda mo talaga Marina, kaya marami kang customer e, malaki lagi ang naiuuwi mong tip. Tsaka sa itsura mo, hindi ka nababagay dito. Kaya rin siguro bet ka ng matatandang nirereto sa iyo ng tiya mo.” napailing ako sa sinabi ni Wendy at napatingin ako sa iba pa naming kasama na sumang-ayon sa sinabi ni Wendy. I smirked. “Alam naman natin na iba kasi ang hanap nila. Mas importante sa kanila ang katawan kaysa sa mukha, basta may mapasukan lang.” mapait kong sabi bago ko nilingon si Wendy. “At kung hindi mo ko tinulungang makapasok dito, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Isa pa, hindi ka din naman bagay dito. Tayong lahat.” “Asus! Pero oo nga! Akala tuloy ng iba na parehas tayo sa iba na nagbibigay ng extra service.” inis na sabi ni Wendy pero bulong na lang niya kasi baka may ma-offend na iba. Syempre iyon naman talaga ang iisipin ng karamihan. Iyon nga din ang unang pumasok sa isip ko ng alukin ako ni Wendy para magtrabaho dito. "Maghanda ka na ah!" dagdag pa ni Wendy at mabilis naman akong tumango. Kahit na marangal naman ang trabaho namin, hindi pa rin maiiwasan na may ganoon nga na nangyayari lalo na sa uri ng trabaho namin. Mas madaling kumita kung ibebenta mo ang sarili mo pero wala akong balak na gawin ‘yon. Hindi kahit kailan! Kapag ginawa ko ‘yon para ko na ding ginawa ang gustong mangyari ng Tiya ko sa’kin. Gusto ko pang magpatuloy sa pag-aaral, hindi lang dito natatapos ang lahat. Sa mga matatandang nirereto ng tiyahin ko halos lahat sila nangako na kapag nagpakasal ako sa kanila, makakapag-aral akong muli at talagang sigurado na ang kinabukasan ko at ng tiyahin ko. Syempre oo ang tiya ko pero ayoko pa rin. Hindi ko maatim ang gusto niyang mangyari. Sa gabing ito, waitress muna ako pagkatapos nito sa labas naman ako para magtinda ng sigarilyo, minsan naman may nabili ng yosi sa akin na nandito sa loob ng club lalo na kung madalas silang nandito, mga suki ko na. Halos kilala ko na rin ang mga taong bumibisita dito sa club. Kailangan mo lang talagang makisama sa kanila. Napakisamahan ko nga ang maingay na bunganga ng tiya ko kaya natitiis ko rin ang mga amoy alak na hininga ng mga lalaki dito. Tiisan lang talaga para mabuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD