Hindi ata kami matatapos sa kakaikot sa bahay niya. Nilibot niya ako sa ilang lugar sa bahay niya para maging pamilyar ako. Kaya lang hindi ko alam kung kailan kami matatapos, sobrang laki ng bahay niya. “This is your room.” Binuksan niya ang isang kwarto. Pumasok siya sa loob kaya sumunod ako. Pinagmasdan ko ang buong kwarto. May mga gamit na dito at maayos na din ang lahat. Cream white ang pintura ng pader at may magandang view rin na makikita sa bintana. Sobrang spacious at moderno ang disenyo. Sumagi sa isip ko na kung ganito na kaganda ang kwarto na para sa bisita paano na lang kaya 'yong kwarto niya? “If ever na hindi mo gusto-“ Umiling na ako kaagad. “Hindi. Hindi.” tumingin ulit ako sa paligid bago nagsalita. “Gusto ko.” Hindi maalis sa’kin ang pagkamangha sa lugar na ‘t

