Naisipan kong magsuot ng dress, simpleng sleeveless black dress at sandals. Maayos naman ‘to at mamimili lang naman kami, naisipan kong magpatalon na lang pero mas mukhang mas maganda kung naka-dress. Pinanatili kong nakaladlad ang buhok ko at hindi na nag-abala pang ayusin, tamang suklay lang ay ayos na. Wala din naman akong make up maliban sa isang lipstick kaya iyon lang ang nailagay ko. May pagka-pinkish na medyo nude ang kulay ng lipstick ko. Gusto ko ang lipstick na ito kasi natural looking vibe ang binibigay nito, ito ang lagi kong suot at medyo konti na lang siya. Nilgay ko sa sling bag ko ang cellphone na binigay niya pati ‘yong card. Bumaba na ako. Wala pa siya doon sa baba kaya umupo muna ako sa sala. Napatitig ako sa eagle mural wall art. Ang ganda at sa tingin ko hindi i

