Amara “Oh my god naman Babe, may kissmark ako sa may neck. Kainis you talaga!” dinig kong sambit ni Trisha. Naiirita ako sa boses nya na parang ipis. Akala mo naman ikinaganda nya ang pag-iinarte nya. Kahit nakaheadset ako ay naririnig ko ang mga halinghingan nila. “Kainis you talaga!” inis na bulong ko habang rumurolyo ang mga mata ko sa sobrang inis. Ginaya ko ang huling sinabi ng babaeng iyon. “Huh? Ano iyon Amara?” Tanong ni Ernest. Napalunok naman ako bigla dahil nagulat ako sa presensya ni Ernest. Katabi ko nga pala sya at maririnig nya ang kahit na anong ibulong ko. “Ha? Wala naman Ernest. Ahhm! Nakatulog ka ba ng maayos? Ikaw naman kaya ang humilig sa balikat ko? Dalawang oras pa raw ang byahe.” Wika ko Kaagad naman syang humilig sa balikat ko. Nakaalalay ako sa kanyang pi

