Highschool reunion

1723 Words
Chapter 1  Nakatingin ako sa bintana ng opisina ko at pinapanood ang mga taong nasa baba. Nasa mataas na palapag ang opisina ko kaya nakikita ko ang lahat ng taong nasa baba ng building. Inalog-alog ko ang basong hawak ko at ininom ang wine na nasa loob nito Parang mga langgam sila sa paningin ko. Yung iba nagma-madali habang tumatawid ng daan. Yung iba chill lang na nag-uusap habang naglalakad. Yung iba masayang pamilya. Ganiyan sana kami ng parents ko kung nandito pa sila. Mapait akong ngumiti "Ma'am." When I heard my secretary's voice, I turned around "Pa-sign po nitong mga papers." I looked at the folders she was holding. "Put it here." I returned to my desk and sat down in my swivel chair. Mabilis siyang lumapit sa harap ng lamesa ko at binaba ang mga files na hawak niya. Isa isa ko itong binuksan at binasa "Here." Inabot ko sa kaniya ang mga folders pagkatapos kong pirmahan.  "May meeting din po kayo after lunch, mamayang 3 pm at mamayang 5 pm," she said.   "Okay," I answered.  Before leaving my office, she bowed slightly. I sighed and leaned in my chair. Attending meetings is a hassle. Parang gusto ko tuloy mag bakasyon  Nahagip ng tingin ko ang magazine na nasa gilid ng lamesa ko.  Mukha ko ang nasa front page ng magazine. Nakalagay pa sa gilid ang stage name ko na Elly  Isa akong sikat na model at ceo ng isang malaking company. Sobrang layo na ng narating ko, natupad na ang pangarap ko pero may kulang at yun ay ang mga magulang ko. Hindi madali ang pinagdaanan ko maabot lang ang pangarap ko. Nawala sa'kin ang mga magulang ko dahil sa pangarap na gusto kong abutin  Pinilig ko ang ulo ko at humarap sa computer ko. Bumalik nalang ako sa trabaho ko kaysa isipin ang nakaraan  Tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung ano yun. May notifcation ako galing sa luma kong email. Sino naman ang mag e-email sa dati kong e-mail? E-mail ko pa kasi yun noong high school ako at hindi ko na iyon ginagamit ngayon since nag iba na ako pero naka log in parin sa cellphone ko dahil may mga important files akong nilalagay dun Pinindot ko ang email at nagulat ako ng makitang galing yun kay Cheska. My classmate from high school Ang laman ng e-mail ay invitation para sa high school reunion namin. Magkakaroon kami ng meeting sa Wednesday, 3 pm. Two days from now "Denice!" I called my secretary. Itatanong ko kung may meeting ba ako sa Wednesday. "Ano po yun ma'am Elly?"  "What's my schedule for Wednesday?" I asked. "Check ko lang po." In-open niya ang tablet na hawak niya at tiningnan ang schedule ko. "Meron po kayong 10 am meeting with Mr. Smith, lunch meeting with the board members,  3 pm meeting with your manager, and dinner meeting with Mr. Ramirez."  "Cancel my meeting with my manager and with the board members. Reschedule mo nalang yung meeting."  "Okay po ma'am," she answered and left my office.  Ilang taon na ba simula nung huli ko silang nakita? Huli ko silang nakita noong graduation namin nung high school. 8 years narin pala. Sobrang tagal na. Kamusta na kaya sila?  ****************** JAYNE'S POV "Omy! Are you blind?" Inis na bulyaw ko sa nakabangga sa'kin.  "Jayne?"  "Cheska?" Tinitigan ko siya sa mukha.  Si Cheska Castro, ang kaibigan ko nung high school ako. Ilang taon na ba nung huli kaming nagkita? 7? 8? Hindi ko na nabilang kung ilang taon na. Huli ko silang nakita nung graduation namin sa high school. Naging busy na kasi kami sa life so hindi na kami nagkita after pero nagkaka-usap parin kami minsan "Jayne, ikaw nga!"  "Yes, it's me," mataray na sabi ko.  "Hindi ka parin nagbabago. Mataray ka parin. Hindi mo ba ako na-miss?" She asked.  "No. Anyway, are you alone?" I asked.  "No, Rain is with me," she answered.  "Rain? Where is she?" Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin si Rain.  "Ayun." May tinuro siyang store kaya lumingon ako dun. Nakita ko si Rain na papalabas ng isang clothing store. Ang dami niyang hawak na paper bag kaya sigurado akong nag shopping siya. Well, mahilig naman talaga siyang mag shopping.  Rain Flores. One of my classmate in high school. She's pretty but she's dumb, ganda lang ang meron siya pero kulang sa utak "Jayne? Ikaw na ba yan?" Tanong niya ng makita niya ako.  "No, kambal ako ni Jayne," I answered. "Ha? Kaialan pa nagkaroon ng kambal si Jayne?" Napa irap ako sa sagot niya sa'kin.  Kahit kailan talaga napaka uto-uto niya "Uto-uto ka talaga," sabi ni Cheska.   "It's me, Rain," I said. "Ikaw talaga si Jayne?" Clueless na tanong niya. "Tara sa Starbucks," aya ko kay Cheska.  "Sure," she answered.  Naglakad na kami papunta sa Starbucks. Naka-sunod samin si Rain na nagta-tanong parin kung ako ba talaga si Jayne. Ang bobo niya talaga. Akala ko pa naman tutubuan siya ng utak kapag lumaki-laki na kami pero until now mukhang wala paring tumutubong utak sa kaniya Pagdating namin sa Starbucks naghanap kami ng vacant table, buti nalang at may nakita agad kami "So, ikaw ba talaga si Jayne?" Tanong na naman ni Rain. "Omygosh, Rain!" Mahinang bulyaw ko dito. "Naririndi na ako sa tanong mo. Hanggang ngayon ba wala paring utak? It's me, Jayne Rosales."  "Sabi mo kasi kanina kambal ka ni Jayne, eh." Naka-pout na sabi nito. "Na-miss kita!" Yayakapin sana ako nito kaso hinarang ko ang kamay ko sa pagitan namin. "Don't hug me. You know naman na I don't like germs," I said. Binaba niya ang kamay niya at tumango. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang wallet ko. "Ikaw na ang um-order ng drinks natin Cheska. Here's my card." Inabot ko sa kaniya ang credit card ko.  "Okay." Kinuha niya ang card ko at pumunta sa counter para um-order. "Kamusta ka na Jayne? Ang tagal na nating hindi naka-kapag bonding,"Rain said and smiled to me.  "Well, I'm fine. Ikaw, how are you?" I asked back.  "I'm fine din naman. Anyway, totoo ba yung kumakalat na rumor about your company? Bumabagsak na daw ang company niyo?" Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.  "That's not true! Kahit kailan talaga uto-uto ka talaga kahit kailan," mahiang bulyaw ko sa kaniya. Ayoko namang gumawa ng scene dito. That's very palengkera.  "Okay." I flipped my hair. Ang sakit niya talaga sa ulo  "Here's our drink." Binaba ni Cheska ang order namin sa table namin. Alam niya naman ang mga gusto namin kaya hindi niya na tinanong kanina.  "So, kamusta ka na? Kamusta na ang company niyo?" Tanong ni Cheska sa'kin. "Okay lang naman. Nasa mataas parin ang pwesto namin," I responded confidently. "Ikaw? How's life? Anong work mo?" I asked Cheska.  "Well, sa office ako nag wo-work. Manager ako ngayon ng isang malaking company," she answered.  "Diba may business kayo? Nasaan na yun?" Tanong ni Rain.  "Oo nga, sino na ang nag ha-handle ng business niyo?" I asked "Binenta na nila mommy since wala ng mag ha-handle," she answered. "How much naman yung sahod mo kada-buwan?" I asked again.  "Fifty thousand," she answered.  "Fifty? Medyo malaki na nga. Iikaw, Rain? Model ka right?" Tumingin ako kay Rain. "Uhmm.. Yes."  "Nakita nga kita sa mga magazine," she smiled to what I said.  "Pero mas sikat si Elly. Kilala niyo ba yun?" Napatingin kami kay Cheska dahil sa sinabi niya.  "Yes, I know her," I answered. "Ewan ko pero, hindi ako nagagandahan sa kaniya," dagdag ko.  "Why? Ang ganda niya kaya." "I don't know. Hindi lang talaga ako nagagandahan sa kaniya." Kibit balikat kong sagot kay Cheska.  "Maiba tayo. Ang tagal na nating hindi nakikita yung iba nating kaibigan." "Oo nga. I miss them, pati yung mga ka-klase natin nung high school. Ang tagal ko na silang hindi nakikita," segunda ni Rain sa sinabi ni Cheska.  "Wait. What if mag plan tayo for a reunion. High school reunion," Cheska suggested.  "Omygosh! Oo nga!" Tili ni Rain.  "Keep your voice down, Rain. Nakakahiya ka." I rolled my eyes.  "What do you think, Jayne?" Cheska asked me.  "Okay lang naman," I answered and drink my coffee.  "Tapos dun tayo sa island niyo. May island pa naman kayo, right?" Nagulat ako sa sinabi ni Cheska pero hindi ko iyon pinahalata.  Binaba ko ang iniinom ko bago siya sagutin. "Check ko. Ginagamit kasi yun ng tito ko ngayon." "E'di dun tayo sa isa. Dalawa naman ang island niyo diba?" Tanong sa'kin ni Rain.  "Check ko muna," I answered. Tsk, bakit ba dun pa nila gusto? Pwede namang sa resort nalang.  "Naaalala niyo pa ba yung nerd nating ka-klase? Si Elize? Aayain rin ba natin siya?" Napatingin sa'kin si Cheska dahil sa tanong ni Rain. "Hindi na. Hindi naman natin alam kung nasaan na siya," I answered.  "Huh? Sayang naman, kulang tayo. Tsaka ayaw niyo bang malaman kung ano ng lagay niya ngayon? After kasi ng graduation natin hindi ko na talaga siya nakita." "Oo nga naman. Ayaw mo bang malaman kung ano na ang narating niya?" Tanong sa'kin ni Cheska.  Tsk, talagang  sinang-ayunan niya pa si Rain. She's really a plastic btch I smiled. "Fine. Invite her."  "Okay. Invite ko narin yung iba nating ka-klase. Meeting muna tayo sa Wednesday?" Tanong ni Cheska sa'kin.  Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Bakit pa nila kailangan i-invite si nerd? Ugh! Nkakainis talaga!  "Saan gaganapin yung meeting?" Rain asked.  "Anywhere, basta sa isang fancy restaurant," I answered.  "Okay. May alam akong magandang restaurant," Cheska said.  Naging busy si Cheska at Rain sa cellphone niya. Ininom ko nalang ang kape ko at nag **   "Na-invite ko na silang lahat," Cheska said.  "Pati si nerd?" Bored na tanong ko.  "Yes. Nahanap ko yung account niya. Tingnan niyo yung account niya, super luma na." Pinakita niya sa'kin ang cellphone niya.  "Ano pa bang aasahan mo? She's a nerd. Baka nga madre na siya ngayon." I rolled my eyes.  "Yeah, kaya siguro hindi niya ma-update ang account niya," ani ni Cheska.  "Baka nga hindi pa siya marunong gumamit ng internet," I said and laughed. Naki-tawa narin silang dalawa sa'kin.  Huminto ako sa pag tawa. "I have to go. Marami pa akong gagawin." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "See you on Wednesday." I flipped my hair and walk away.  Sana naman hindi magpunta si nerd. Ayoko siyang makita                                                                                                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD