Welcome to hell

2712 Words
Chapter 2 ELLY'S POV Mabilis na lumipas ang araw. I didn't realize it was Wednesday now. Ngayon ang meeting namin para sa high school reunion namin I just finished my meeting and instead of returning to my office, I went home. I need to get dressed so that I can look presentable when I meet with them later. When I got home, I went straight to my walk-in closet and sat on the couch. I took my cellphone from my bag and dialed my stylist's number. She was in my room in less than ten minutes looking for clothes that I can wear for our meeting I'm wearing a pastel pink long sleeve dress that fits me well enough to show off my curves. I'm carrying a white bag and wearing white stiletto heels. I also called my hairdresser to have my hair fixed. Habang inaayusan ako ng buhok pini-pirmahan ko ang mga papel na binigay sa'kin ng secretary ko Pagkatapos kong pirmahan ang ilang papers dinalhan kami ng pagkain ng katulong ko kaya kumain muna ako pati ang hairdressers ko. Pagkatapos nilang kumain nagpahinga muna sila saglit bago ipagpatuloy ang pag-aayos sa buhok ko. Pagkatapos nilang gawin ang buhok ko ay umalis na sila Before leaving my mansion, I checked myself in the mirror to make sure I looked good. I got in my car and told my driver to my office because I needed to fix something before heading to the restaurant where our high school reunion would be held. The meeting will be held in a fancy restaurant, and we will meet in the VIP room. Pagdating ko sa office ko ginawa ko na agad ang mga paper works ko dahil ayokong ma-late sa meeting namin. 3:15 na ako natapos kaya nagmadali akong lumabas ng company at sumakay sa kotse ko. Nagpahatid ako sa restaurant kung nasaan ang mga high school classmate ko Ilang minuto lang ay nakarating na kami agad sa restaurant. Sinuot ko ang white shades ko bago lumabas ng kotse. Medyo malaki ang shades na suot ko kaya natatabunan ang mukha ko. Naglakad ako papasok sa restaurant at mabilis naman akong nilapitan ng waiter "Good afternoon ma'am, have you made a reservation?" The waiter asked. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at pinakita sa kaniya ang invitation "This way po." She assisted me to the VIP room where my high school classmates were *********************** THIRD PERSON'S POV Nauna sa restaurant sila Cheska at Rain, sunod na dumating ay si Yassy Ocampo at Sheyn Garcia hanggang sunod sunod ng dumating ang mga ka-klase nila Maingay na nagku-kuwentuhan ang lahat ng biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan nila "Hi guys," bati ni Jayne Rosales pag pasok niya ng VIP room. "Jayne is here," Cheska said and stood up to approach Jayne. Ibe-beso sana ni Cheska si Jayne pero binigay ni Jayne ang hawak niyang bag kay Cheska kaya hindi niya na nagawa. Napa-simangot si Cheska at bumalik sa upuan niya. Nakaramdam siya ng inis dahil alalay parin ang tingin ni Jayne sa kaniya. "Ito na ang huli Jayne, sa susunod na gawin mo sa'kin to ay humanda ka na sa'kin," sabi niya sa isip niya habang nakatingin sa bag ng kaibigan. Wala na siyang nagawa kaya nilagay nalang niya ang bag sa lamesa kung saan umupo si Jayne. "How are you?" Julie smiled at Jayne. Hindi na nito mapigilan ang sarili na tanungin ang kaibigan tungkol sa pabagsak nilang kumpanya. Julie Espinoza is one of Jayne's close friends. "I'm fine. Ikaw? Kamusta ka na and ano ng work mo ngayon?" Jayne asked back. "I'm fine. I don't have a job right now because I'm planning to start my own business," Julie answered excitedly. "Your own business? What happened to your parent's business?" Matty Dela Cruz asked. He's also Jayne's close friend. "Binenta na namin because we want to start a new business," she answered. "Ikaw, Matty? How are you?" She asked to Matty. Ang huling balita niya sa kaibigan ay bumagsak ang company nila dahil sa new pastry business na nag open. She wonders how his gluttonous friend eats now that they are poor. "I already have my own salon," confident na sagot nito. Umangat naman ang kilay nila dahil sa sagot niya. "Salon? Magkano naman ang kinikita mo dun?" Cheska asked. "20 to 30 thousand a month since nagsisimula palang akesh. I'm so blessed nga, eh. Malaki na agad ang kita," Matty answered. Mabuti nalang at prinactice niya na ang sasabihin niya kaya mukhang totoo talaga ang sinasabi niya. "Sayo na pala dapat ako nagpapa-ayos," Rain said. "Sure. Once na matapos ang renovation," Matty answered. "Hindi pa ba magsisimula?" Inip na tanong ni Jayne kay Cheska. "Wala pa si Elize," sagot ni Cheska habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Kanina niya pa ini-email ang babae kung makakarating ba ito pero wala naman syang sagot na nakukuha. Natahimik ang iba nilang kasama at tumingin sa grupo nila "In-invite niyo si Elize?" Vince asked. Huling kita niya sa babae ay noong graduation nila. Malungkot pa nga ito dahil sa aksidenteng nangyari. Oh well, wala naman siyang pake sa nerd nilang ka-kalase. "Yes. Naging ka-klase parin naman natin siya," sagot ni Cheska pero sa totoo lang ay gusto niya lang na makita ang kalagayan ng dating ka-klase. "Let's just wait for a liitle longer." "Ano na kayang itsura ni nerd?" Tanong ni Vince sa mga kasama niya. Na-curious din tuloy ang mga ito sa dating ka-klase. "Ganun parin. Hindi naman tatablan ng make over yun," Jayne make fun of Elize. Talagang na sa-satisfy siya kapag nai-insulto niya si Elize. Tumawa silang lahat dahil sa sagot nito "Buti in-invite niyo siya. May utusan na tayo, hindi na natin kailangan mag hire," Joseph Basco remarked. Nagtawanan na naman silang lahat pero huminto rin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang hinihintay nila Tinanggal ng bagong dating ang shades na suot nito at tumingin sa kanilang lahat. Gulat na gulat ang lahat dahil nakatayo sa harapan nila ang sikat na model. Walang iba kundi si Elly. "Hi." Ngumiti ang babae sa kanila. "Miss Elly!" Hindi maka-paniwalang sabi ng mga lalaki at lumapit sa babaeng bagong dating. Nawala agad sa isip nila si Elize. "Ano pong ginagawa niyo dito?" "Pwede po magpa-picture?" "Pa-picture naman po." Nilabas nila ang mga cellphone nila pero bago pa sila makapag picture ay nag salita na si Elly. "Wala munang picture," Elly said. Mabilis naman nilang binaba ang mga cellphone na hawak nila. Natatakot silang magalit ang model sa kanila. Tumayo si Jayne at lumapit sa kanila. "What are you doing here? At paano ka naka-pasok dito? May event kami dito ngayon," puno ng awtoridad na sabi ni Jayne. Galit siya sa babaeng nasa harpan niya dahil siya ang rason ng mga paghihirap niya ngayon. "You invited me here," Elly answered. Tinitigan niya ng mabuti ang babaeng nasa harapan niya. Hinding-hindi niya talaga makakalimutan ang mukha ni Jayne. Naguluhan silang lahat sa sinabi nito "You invite her here, Cheska?" Lumingon si Jayne sa kaibigan niya. "Paano siya nagkaroon ng koneksyon kay Elly?" Tanong nito sa isip niya. "No." Umiling si Cheska. Naguluhan din si Cheska sa sagot ng sikat na model. "Hindi niyo ba ako nakikilala?" Elly asked again. Masaya siya sa nakukuhang reaksyon mula sa kanila. "We know you. Ikaw si Elly, yung sikat na model," Vince answered. "It looks like I've really changed a lot. Let me introduce myself, I'm Elize Antonio. Naaalala niyo pa ba ako?" ********************* ELIZE'S POV Tiningnan ko ang gulat na mukha ng mga ka-klase ko. Lahat sila ay nakatulala lang sa'kin pagkatapos kong ipakilala ang sarili ko. Bigla ko tuloy naalala ang araw na nakatanggap ako ng scholarship from Grim Stone High "Nay! Tay! Nakapasok ako!" Sigaw ko Ehabang nakatingin sa papel na hawak ko. "Saan ka naman nakapasok?" Lumapit sa'kin si nanay na galing pa sa kusina ng bahay namin. "Bakit ka ba sumisigaw, Elize?" Lumabas mula sa banyo si tatay at lumapit sa'kin. Binigay ko ang hawak kong papel kay nanay para mabasa niya ng maayos ang nakasulat sa papel "Nakapasa po ako sa Grim Stone High!" Tumalon-talon ako sa tuwa. "Akala ko nagbibiro lang ang principal nung sinabi niyang kukunin niya ako bilang scholar sa Grim Stone High," dagdag ko pa. "Nakilala mo ang principal ng Grim Stone High?" Tanong ni tatay sa'kin. "Opo. Naalala niyo po nung dinalhan ko kayo ng pagkain? Palabas na ako ng school nang makita ako ng principal. Nung nalaman niyang anak niyo ako sinabi niyang bibigyan niya daw ako ng scholarship. Akala ko nga nung una nagbibiro lang siya pero hindi! Makakapasok na ako sa dream school ko!" Mahabang paliwanag ko. Sobrang lawak ng ngiti ko habang nakatingin sa mga magulang ko. Matagal ko ng kinu-kwento sa kanila na gusto kong makapasok sa Grim Stone High bago ako magtapos ng highschool. Prestigious school kasi ang Grim Stone High kaya magandang dun ako magtapos ng highschool. Pinag-ipunan ko nga ang pag-aaral ko dun kaso hindi parin umabot ang ipon ko sa tuition fee ng Grim Stone High. Mabuti nalang at nabigyan ako ng scholarship. "Masaya ako para sayo, Elize." Lumapit sa'kin si nanay at niyakap ako. "Napaka-galing talaga ng anak ko." Lumapit rin sa'kin si tatay para yakapin ako. Ilang segundo ang tinagal ng yakapan namin bago kumalas si nanay dahil may naaamoy na kaming nasusunog "Yung niluluto ko sa kusina!" Dali-daling tumakbo papunta sa kusina si nanay para patayin ang kalan. "Yang nanay mo talaga." Umiling si tatay. "Kuya, Henry! Pasakay po." May tumawag kay tatay mula sa labas. "Papunta na," sabi ni tatay bago humarap sa'kin. "Aalis lang ako saglit." Hinalikan ako ni tatay sa noo. "Ingat po kayo." Kumaway ako sa kaniya . "Bibilhan kita ng pasalubong kapag may nadaanan kaming bakery." Aangal pa sana ako kaso nakalabas na si tatay. Pumunta na lamang ako sa lamesa at inayos ang kakainan namin Henry Antonio. Sabi ni tatay pangmayaman daw ang pangalan niya kaya dapat tunog mayaman rin ang pangalan ko kahit hindi kami mayaman. Elize, yan ang binigay na pangalan sa'kin ni tatay. Mahirap man kami pero buo kami at masaya kaya okay lang sa'kin kahit hindi na kami yumaman. Hangga't nandito silang dalawa sa tabi ko, wala akong pake sa status ko sa buhay "Oh, nasaan ang tatay mo?" Tanong sa'kin ni nanay. Nilapag niya ang ulam sa lamesa. "Naghatid po," sagot ko. Bakasyon kasi ngayon kaya namamasada si tatay. Tuwing may pasok naman ay isa siyang guard sa Grim Stone High at ang nanay ko ay isang janitor sa school na yun. Isa sa mga dahilan kung bakit ko gustong makapag-aral sa Grim Stone high ay para kasama ko sila nanay kahit nag-aaral ako. Simula maliit ako hindi na talaga kami naghiwalay tatlo "Susana, mare!" May kumatok sa pintuan ng bahay namin. "Mauna ka na munang kumain," sabi sa'kin ni nanay bago labasin ang kumakatok sa pinto namin. Malapit na kaming matapos kumain nang dumating si tatay at may dala siyang cake "Bakit bumili ka ng cake, tay?" I asked. "Syempre, ice-celebrate natin ang scholarship na nakuha mo." Binaba niya sa lamesa ang cake na dala niya. "Tay naman, kahit monay masaya na ako." "Hayaan mo na. Minsan lang naman tayo kumain ng cake." "Congratulations, anak. Proud na proud talaga kami ng tatay mo sayo." "Thank you po. Sobrang saya ko na kayo ang naging magulang ko." ___ Ilang araw nalang pasukan na naman. Nandito kami sa mall para bumili ng gamit ko sa darating na pasukan. Binigyan ng principal sila nanay ng pera pambili ng gamit ko. Para wala na daw silang gastusin "Nandito rin kayo?" Napatingin ako sa likod ng may marinig akong nag salita. Unang tingin palang halatang mayaman na ang babaeng nasa harapan namin. Sa tingin ko kasing edad niya lang rin ang mga magulang ko "Kayo po pala ma'am Rosales," bati ng mga magulang ko sa babaeng nasa harapan namin. "Siya na ba si Elize?" Tumingin siya sa'kin. "Opo ma'am, e'to na po ang anak namin," ani ni nanay. "Ang gandang bata." Nguiti na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko "Bumibili rin po kayo ng gamit ma'am?" Tanong ni tatay sa babaeng nasa harapan namin. "Oo, sinamahan ko lang mamili ang anak ko," sagot niya. Biglang tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng bag niyang Gucci ang brand. Alam ko ang brand na yun dahil nakikita ko yun sa internet. Iphone ang cellphone niya na sobrang mahal rin "Wait lang, ha." Lumayo muna siya samin bago sagutin ang tawag. "Sino po siya?" Tanong ko kila nanay. "Siya si ma'am Rosales. Yung anak niyang si Jayne ay nag-aaral sa Grim Stone High. Mabait yan si ma'am Rosales, medyo maldita nga lang yung anak," sabi ni nanay pero bulong lang yung huling sinabi niya. Tumango-tango ako. Nai-kwento na siya sakin nila nanay dati Binalik ni ma'am Rosales sa bag niya ang cellphone niya tapos ay lumapit ulit siya samin. "Hinahanap na ako ng anak ko. Maiwan ko na kayo and congratulations pala ija." "Thank you po," nakangiting sabi ko. Umalis na siya kaya tinuloy na namin ang pamimili namin. Pagkatapos naming mamili kumain muna kami sa isang fast food chain bago umuwi Pag-uwi namin inayos ko na agad ang mga gamit ko dahil excited na ako sa mga bago kong gamit. Ngayon lang kasi naging ganito kadami ang gamit ko for schooll. Hindi naman kami mayaman kaya kung ano lang yung mga kailangan talaga yun lang ang lagi naming binibili Mabilis na lumipas ang araw. Sa sobrang excited ko parang napaka-tagal na ng five days. Maaga akong nagising dahil excited na akong suotin ang uniform ko, gamitin ang mga gamit ko at pumasok sa dream school ko. Grabe, para akong nasa panaginip. Hindi kaya nananaginip lang talaga ako? "Nay, kurutin mo nga ako," sabi ko kay nanay. "Ha? Bakit naman?" Kumunot ang noo ni nanay. "Baka kasi nananaginip ako." Napailing si nanay sa sinabi ko. "Bilisan mo na diyan at baka ma-late ka pa." "Opo," masayang sagot ko at binilisan ang kain pero sinigurado kong hindi madudumihan ang damit ko. Pagkatapos naming kumain lumabas na kami ng bahay at sumakay sa trycicle ni tatay "Sabihin mo samin kapag may umaway sayo dun ha?" Napatingin ako kay nanay. Katabi ko siya dito sa loob ng trycicle. "Wala naman po sigurong aaway sa'kin dun," I answered. "Sana nga wala, pero kung meron man sabihin mo agad samin ng tatay mo ha? Iaalis ka namin sa school na yun. Matalino ka naman anak kaya hindi mo na kailangang mag-aral sa ganoong skwelahan." Hinagod ni nanay ang buhok ko. "Wag po kayong mag-alala sa'kin nay. Sigurado akong mababait ang tao dun." "May ibang masasama ang ugali pero may mga mababait rin. Iwasan mo nalang yung mga ganun klase ng tao anak, pero kung may gagawin sila sayo lumaban ka ha? Kahit mahirap tayo hindi nila dapat tayo kinakaya kaya. 'Wag kang matakot sa kanila." "Opo, lalaban ako kapag mali na ang ginagawa nila." Sagot ko na lamang para hindi na humaba pa ang usapan namin. Ayoko kasing pinag-aalala ang mga magulang ko. Mababait kaya ang mga magiging kaklase ko? Sana mabait sila. Magkakaroon kaya ako ng bagong kaibigan dun? Huminto ang sinasakyan namin sa gate ng school "Bumaba ka na anak. Sa likod kami ng school papasok," sabi ni nanay sa'kin. "Bye, nay! See you po mamaya." Humalik ako sa pisngi niya bago bumaba. Lumapit ako kay tatay at humalik rin sa pisngi niya. "Bye, tay!" "Mag-aral ng mabuti," sabi ni tatay sa'kin. "Opo." Nakangiting sagot ko at kumaway sa kanila ni nanay bago pumasok sa gate ng school. Ang laki ng gate ng school at nakasulat sa taas nito ang Grim Stone High. Maaga pa naman kaya nilibot ko muna ang school. Tuwing pumupunta ako dito dati hindi ako nakakapag libot dahil bawal mag tagal ang mga outsider dito. Kilala naman kasi ako ng guard dito dahil kaibigan yun ni tatay kaya nakakapasok ako pero saglit lang dapat Tumingin ako sa orasan ko at nagulat ako dahil malapit na palang magsimula ang unang klase. Napasarap ang paglilibot ko! Tumakbo ako papunta sa classroom ko. Alam ko naman na kung saan ang classroom ko dahil tinuro na ito sa'kin ni nanay Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pintuan ng classroom ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD