Elize Antonio

1908 Words
Chapter 3 Pag pasok ko sa room nakuha ko agad ang atensyon ng lahat "May bagong student." "She's ugly." "Akala ko naman may magandang babae tayong kaklase." "Ugh! Nerd." "Bakit may nerd dito?" Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Napayuko ako at mabilis na pumunta sa likuran para dun umupo. Bakit ganun? Akala ko pa naman mabait sila Bumukas na naman ang pinto kaya dun napunta ang atensyon naming lahat "Omy! Jayne you're here!" Mabilis na lumapit ang ilan sa babaeng bagong dating. Jayne? Siya ba yung anak ng babaeng nakita namin sa mall nung nakaraan? "Pwede ba? Lumayo-layo kayo sa'kin ng konti," maarteng sabi niya sa mga lumapit sa kaniya. Mabilis namang lumayo ang mga nakapalibot sa kaniyang students. Nakita ko pang patagong umirap ang ilan sa kanila. May nilabas na pabango si Jayne mula sa bag niya at ini-spray ito sa paligid niya. "Naligo ba kayo? Ang baho niyo, eh" Maarteng sabi nito sabay lagay ng mamahaling pabango niya sa bag niya. Umupo siya sa upuang nasa harapan. Habang yung ibang student ay nakatayo parin sa gilid niya pero mabilis na umupo ang mga ito ng bumukas ang pinto at pumasok ang teacher namin "Dahil first day of school palang magpakilala muna kayo dito sa harapan," sabi ng teacher samin. "Pakilala na naman? We know each other naman na," sabi ni Jayne. Tumatak agad sa isip ko ang boses niya kaya kahit nakatalikod siya sa'kin. "May bago kayong ka-klase kaya kailangan niyong magpakilala sa harap isa isa." "New classmate?" Lumingon ito at nilibot ang tingin sa classroom hanggang huminto ang tingin niya sa'kin. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya kaya hindi ko nakita ang reaksyon niya. Isa isa na silang nagpakilala at dahil ako ay nasa dulo, ako ang pinaka-huling nagpakilala. Lumakad ako sa harapan at hinarap silang lahat "My name is Elize Antonio, 17 years old." Tipid akong ngumiti sa kanilang lahat. "I have a question." May nagtaas ng kamay. Kung hindi ako nagkakamali siya si Julie Espinoza. Katabi siya ni Jayne at isa siya sa mga lumapit kay Jayne nung pumasok ito sa room. "Ano yun?" I asked. "Hindi ba uso sayo dumalaw sa dermatologist?" She asked back. "And, what's with the glasses?" Tanong ng isa pang student na hindi ko na maalala ang pangalan. Umiling ang teacher na nasa gilid ko at humarap sa'kin. "Wag mo ng sagutin, Elize. Welcome to Grim Stone high," nakangiting sabi niya sa'kin. Siya palang ang taong ngumiti sa'kin simula ng pumasok ako dito sa school. "Thank you po," sagot ko at bumalik na sa upuan ko. "Ang KJ mo naman ma'am," sabi ni Matty Dela Cruz na nasa likod ni Jayne. Isa siya sa mga student na lumapit kay Jayne nung pumasok siya dito sa room. Hindi na siya pinansin ni ma'am at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. Ilang minuto ang nakalipas tumunog na ang bell kaya lumabas na ang teacher namin Hindi pa ako nakakatayo ng biglang lumapit sa'kin ang grupo nila Jayne. Yung iba naming ka-klase ay nanonood lang samin "Hi." Nawala ang kaba ko ng ngumiti siy sa'kin. Akala ko talaga hindi siya mabait. Baka maarte lang talaga siya. "Hello." Nahihiya akong kumaway sa kaniya. "Hindi talaga uso sainyo yung derma?" Tanong ulit sa'kin ni Julie. Hindi ba talaga siya titigil sa tanong na yun hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot? "Shut up, Julie," ani ni Jayne kay Julie kaya mabilis na tinikom ni Julie ang bibig niya. "Anyway." Lumingon ulit siya sa'kin. "What's with the glasses? And yung hair mo." Tinaas niya pa ang konting strand ng buhok ko. "Eww. Hindi ka nagpapa-treatment? Or derma? Hindi rin uso sayo yung mag-ayos?" Napa-yuko ako sa tanong niya. Anong sasabihin ko? Kapag sinabi ko yung totoo baka i-bully nila ako "Uhm..." "Baka hindi niya afford ang derma." Tumawa silang lahat dahil sa sinabi ni Matty. "So, poor ka talaga?" Tanong ni Rain sa'kin. Sa tingin ko may anim na kaibigan si Jayne. Sila Rain Flores, Cheska Castro, Vince Sanico, Ariel Lopez, Matty and Julie. Simula kasi kanina ay silang pito na ang magkakasama Hindi agad ako naka-sagot sa tanong ni Rain sa'kin at nanatili lang na naka-yuko "Shut up, Rain! Boba ka talaga," inis na sabi ni Jayne sa kaibigan niya. "Hindi pa ba halata? She's poor, duh!" Sabi ni Julie. "I don't know kung saan mo nakuha ang mga gamit mo, siguro ninakaw mo yan no?" "H-ha? H-hindi, ah." Umiling-iling ako. "Scholar ako dito," dagdag ko. "Scholar? Tumatanggap ba ng scholar ang school natin?" Gulat na tanong ni Julie. "Hindi. Wala naman tayong scholar dito," sagot ni Rain sa kaniya. "I know." Inirapan ni Julie si Rain. "Bakit mo tinanong kung alam mo na?" Tanong na naman ni Rain. "Ugh! Can you just shut up. Manahimik ka nalang," inis na sabi ni Julie kay Rain. "Tell me, paano ka naka-pasok dito? At pano ka naging scholar?" Jayne crossed her arms. "Nagtra-trabaho kasi dito yung parents ko," mahinang sagot ko. "Teacher ang parents mo?" Tanong ni Matty. "N-no. Janitor tsaka Guard sila dito sa school." Proud na sabi ko. "What? Janitor at Guard?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vince. "Bakit ka nagulat Vince? Halata naman sa itsura niya." Tumawa silang lahat dahil sa sinabi ni Jayne. "Listen nerd, I don't know kung paano ka naging scholar dito pero you're not belong here. Bawal dito ang nerd! Kuha mo yun? So, kung ako sayo I will leave this school." Tinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya. "Eww, your faice is oily," nandidiring sabi nito habang nakatingin sa hintuturo niya. "Alcohol." Nilahad nito ang kamay niya sa gilid. Mabilis naman siyang binigyan ni Cheska ng alcohol. Tumalikod sila at naglakad palabas ng room. Pinagtitinginan rin ako ng ibang ka-klase namin tapos tatawa sila bago lumabas ng room "Elize Antonio? Yung nerd?" Gulat na tanong ni Rain. "Yes," nakangiting sagot ko. "Paanong naging ikaw si Elize?" Tanong sa'kin ni Thalia. Thalia Sy. I thought I'd never recognize them if I saw them again, but I was wrong. I can recognized them even with my back turned. "May nagbago lang sa appearance ko hindi niyo na agad ako nakilala?" I chuckled. "Nagpa-plastic surgery ka ba?" Tanong sa'kin ni Jayne. I looked at her. Tama ang hinala ko. Yan ang magiging reaksyon niya. For her, I will always be the ugly nerd na nakilala nila noong high school. Sabagay, hindi nga naman uso ang salitang change, sa kaniya. "No. Hindi ko naman gawain yun. Gawain mo yun diba?" I laughed. "Joke," dagdag ko. "What did you say?" Gulat na tanong niya sa'kin. I guess, hindi niya inaakala na sasagot ako sa kaniya. "Jayne, joke nga lang daw diba?" Sabi ni Samuel sa kaniya. Samuel Mercado. She's Jayne's boyfriend back in high school. Nakakagulat na pinagtatanggol niya ako samantalang dati ay lagi siyang nasa side ni Jayne. Naglalakad si Jayne sa gilid ko nang bigla siyang matisod. Nagulat kaming mga nakapaligid sa kaniya, nagpipigil pa ng tawa ang mga kaibigan niya at mukhang walang balak na tulungan siya kaya mabilis ko siyang hinawakan pero tinanggal niya lang ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. "Don't you dare touch me!" Sa lakas ng sigaw niya ay napa-atras ako. Siya na nga ang tinutulungan siya pa ang galit. "Itayo niyo ako!" Bulyaw niya sa mga kaibigan niyang nakatingin lang sa kaniya. Mabilis naman silang kumilos para tulungan siya. "What's happening here?" Biglang dumating si Samuel at mabilis na lumapit kay Jayne. "Pinatid lang naman ako ng pangit na to!" Tinuro at sinamaan ako ng tingin ni Jayne. "H-huh? H-hindi ah. Napatid ka ng kusa," I tried to defend myself kahit na alam ko namang si Jayne ang paniniwalaan ni Samuel. Lagi naman, kahit anong sabihin ni Jayne yun ang pinaniniwalaan niya. "Nakita niyo diba?" Tumingin si Jayne sa mga kaibigan niya. "Pinatid siya ni Elize," Cheska said. "True, akala naman niya may pampagamot siya sa balat ni Jayne kapag nagkasugat si Jayne," Matt said. "Baka nainis siya dahil sa ginawa natin sa kaniya kanina," ani naman ni Julie. Tumalikod na ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Kailangan ko na silang layuan kung hindi-- "Aray!" Malakas na daing ko nang may humawak sa buhok ko. "Ang kapal din ng mukha mo para saktan ang girlfriend ko no? Baka nakakalimutan mo na dahil sa pera namin kaya ka nandito," madiing sabi ni Samuel. "S-Samuel masakit, bitawan mo na ako," I pleaded. Dahil sa kakasabunot nila sa'kin ay mas lalong numinipis ang buhok ko. "Okay." Patulak niya akong binitawan kaya bumagsak ako sa sahig. I clenched my fist. "Ano bang ginawa ko sa inyo!" I cried. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil naaawa na ako sa sarili ko. Gusto kong lumaban pero hindi pwede. "Drama queen, pasalamat ka at wala akong sugat. ara na guys, I'm starving." Umalis sila na parang walang nangyari. Sila parin kaya hanggang ngayon? Pero sa nakikita ko parang hindi na. I walked over to the empty seat next to Samuel's seat. Nakita ko ang masamang tingin sa'kin ni Jayne dahil tumabi ako sa ex-boyfreind niya. Hahaha! Bahala siyang sumakit ang mata diyan. They also went back to their seats and sat down. "Waiter." Cheska raised her hand. The waiter approached us immediately and handed us the menu. Pagkatapos naming um-order umalis na agad ang dalawang waiter. "Ang daming nag bago sayo, Elize," sabi ni Vince sa'kin. Nakikita ko ang pagkamangha sa mata niya but I know better. "Wala naman masyadong nag bago sa'kin," I answered. "Paano naging successful ang business mo? Did you sleep with a wealthy man?" Tanong ni Jayne sa'kin. "I wish ganun ko kadaling nakuha ang lahat. You know the word hard work? I work hard para lang maging successful ang business ko. Pero mukhang hindi mo alam yun kasi nalamangan ko na nga ang business niyo," I answer confidently. Natahimik silang lahat dahil sa sinabi ko. Kahit si Jayne ay naging speechless dahil sa sagot ko. "Dapat manghingi ka ng advice kay Elize, Julie. Magtatayo ka rin ng business mo, right?" Ariel changed the topic. "Yes," sagot nito. Bago pa ako makapag salita inunahan na ako ni Jayne. "Sa'kin ka nalang humingi ng advice. We have been in business for a long time and I have more experience than Elize. I'm sure mas makakatulong ang advice ko." Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. "Anong advice naman ang ibibigay mo kay Julie? How to make a company bankrupt. Ganun ba?" I asked Jayne sarcastically. Yun kasi ang rumor ngayon sa business world. Unti-unti na daw bumabagsak ang Rosales company simula ng hawakan ito ni Jayne. "Where did you get that information? Naunahan mo lang ang company namin but hindi kami bankrupt," kalmadong sagot sa'kin ni Jayne. "Hindi mo alam? Usap-usapan na kasi. I'm sure laaht ng tao dito alam na yun," I answered. "Well, that's a fake news. Our company is thriving. Walang makakapagpabagsak sa company na binuo ng angkan namin." Nagkibit balikat ako. "Tinanong ko lang naman kung totoo. You can answer yer or no lang naman." Tumingin ako kay Smauel. "Ikaw? Kamusta ka? Walang masyadong nagbago sayo no? Fit ka padin." Hinawakan ko ang braso niya. "I'm good." Nakangiting sagot niya sa'kin. Kitang-kita ko ang pag-usok ng ilong ni Jayne dahil sa ginawa ko. "Saan gaganapin ang high school reunion natin?" Kiya asked kaya sa kaniya kami napatingin. Kiya Salazar, my ex-friend. Kung hindi niya kaya pineke ang pakikipag kaibigan sa'kin, magkaibigan parin kaya kami hanggang ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD