She's gone

1756 Words
Chapter 40 RAIN'S POV Nagising ako ng ako nalang mag-isa sa kwarto kaya naman mabilis akong bumaba. Nakita ko sila sa sala. Wala pa ang iba naming kasama, konti palang kaming nasa baba "Hindi niyo ko ginising," ani ko kila Jayne na nag bre-breakfast na. "Bakit prinsesa ka ba para gisingin?" Tanong ni Cheska sa'kin. "Sana sinabi mo sa'kin para ako na ang gumising sayo." Napatingin ako kay Elize na kalalabas lang ng kusina. "Really? Sige, bukas," I said happily. "Don't bother Elize, sasayangin mo lang ang oras mo. Tsaka hindi na bata si Rain para gisingin," ani ni Jayne. "No, I insist tsaka magkalapit lang naman ang room namin so hindi naman yun magiging pabigat sa'kin," sagot ni Elize sa kaniya. "Ikaw ang bahala." Kibit balikat na sabi ni Jayne. "Nasaan yung iba?" Tanong ko. "Baka tulog pa," sagot ni Cheska. "Ay oo nga no?" Muntik ko ng matampal ang noo ko dahil hindi ko agad naisip yun. "How's Rey and Marie?" Tanong ni Elize habang kumakain ng pancake. "Ayun. Hindi parin pinapansin ni Marie si Rey," sagot ni Josielyn. "Eh, sila JP ba? God! Hindi ko talaga inaakalang may ganon pala kayong issue before ha," sabi ni Miggy habang nagha-halo ng kape niya. "Ayun, hindi rin nagki-kibuan," sagot ni Joy. "Eh si Vince? Kamusta siya?' Tanong ulit ni Elize. "Gusto nalang atang mag kulong sa kwarto for one week," sagot ni Julie answered. "Supposedly masaya dapat tayo pero what happen? Sinisira nila yung mood natin. Akala ko pa naman makakapag bakasyon ako yun pala another stress lang to," Jayne said. "I suggest we ignore them para naman hindi tayo mahawa sa bad vibes na dinadala nila," Matty said. "Speaking of that mabuti pala tulog pa sila, dahil kung bumaba na sila e'di nag away away na naman yung mga yun," ani ni Josielyn. "Uuwi na kami." Napatingin kaming lahat sa bagong dating na si Marie kasama si Rey. Okay na sila? "Speaking of the devil," bulong na sabi ni Miggy. "Pwede bang pag-usapan nalang muna yan Marie," Elize said. "Tsaka pano naman kayo uuwi," Tanong ni Miggy sa kaniya. "Sa yacht ni Elize," sagot niya at tumingin kay Elize. "Sa Monday pa dadating ang yacht," sagot ni Elize. "Tawagan mo ngayon na," Marie demanded. "Wala ka talagang utak, tingin mo matatawagan ni Elize yun? Wala ngang signal diba," inis na sabi ni Julie. "Anong sinabi mo!" Susugod na sana si Marie ng pigilan siya ni Rey. "Ano ba! Bitawan mo ako!" "Marie, please calm down. I know may problema kayo ng boyfriend mo pero hindi pa kasi pwede yung gusto mo." Tumayo si Elize at lumapit sa kaniya. "Uuwi na kami." Napatingin kami sa bagong dating na sila JP at Thalia. "Oh no," bulong ni Jayzie. Nagsi-baba narin ang iba pa naming ka-klase kasunod nila JP. Tanging sila Jasmine, Yassy, Sheyn, Jelly, Joseph, Collins, Jeco and Eyra nalang ang wala pa dito "Hayaan niyo silang umuwi," sabi ni Jeff na chill pa habang kumukuha ng pagkain niya. "Manahimik ka!"Galit na sigaw ni JP kay Jeff. "Wag kang mayabang diyan," sagot ni Jeff habang masama ang tingin kay JP. "GUYS!" Napahinto ang lahat nang sumigaw si Elize. Halatang naiinis na siya dahil salubong na ang kilay niya. Aww, kawawa naman si Elize. "NO ONE IS GOING HOME! OR KUNG GUSTO NIYO TALAGANG UMUWI THEN SWIM. MAG START NA KAYONG MAG SWIMMING DAHIL HINDI AKO MAGPAPASUNDO DITO!" Galit na sigaw niya. Tiningnan niya ng masama si Marie. "Stop being a b***h. Walang pumipilit na makipag-ayos ka kay Rey at Vince pwede mo silang iwasan kung gusto mo." Sunod ay lumingon siya kila JP. "Matagal na ang problema niyo, besides parehas silang lasing so walang rape na nangyari. If I we're you magagalit ako sa girlfriend ko at kay Jeff. 'Wag mong sisihin si Jeff dahil mukhang parehas nilang nagustuhan ang nangyari." Huminga siya ng malalim bago bumalik sa upuan niya at kumain. Ang galing ni Elize! "Kung b***h ako fake ka naman. Stop hiding your anger Elize," inis na sabi ni Marie bago mag walk out. Nag walk out narin si JP ng walang sinasabi. "Thank you so much Elize," sarkastikong sabi ni Thalia bago sundan ang boyfriend niya. "Good job Elize!" Masayang sabi ni Jayzie. "Napa-alis mo ang masasamang elemento!" Bati rin ni Miggy sa kaniya. Napatingin ako kay Jayne na mahigpit ang hawak sa kubyertos niya. Naiinis din ba siya kila Marie? ******************************** ELIZE'S POV Medyo naparami ang kain ko dahil sa inis. Sobrang ganda ng mood ko pero sinira lang nila "Nasaan si Sheyn?" Napahinto ako at napatingin kay Jasmine ng mag tanong siya. "Kayo ang kasama sa room diba?" Sagot ni Jayzie sa kaniya. "Wala na siya pagka-gising namin," Jasmine. "Hayaan niyo nga siya, baka nag iinarte," walang pake na sabi ni Yassy. I can't believe her. Kahapon lang ay inis na inis siya kay Jasmine dahil nasangga niya si Sheyn samantalang ngayon halos itapon niya na si Sheyn sa dagat "Baka umuwi na siya," Rain said. "Gosh, tingin mo paano siya uuwi?" Sagot ni Julie sa kaniya. "Saan siya nag punta kung wala sa room?" Tanong ko. "Baka naglilibot sa isla," sagot ni Jelly. "Baka nakain na siya ng Anaconda!" Rain shouted. "You should stop watching horror movie Rain," umiiling na sabi ni Ariel. "Wala naman na sigurong ahas dito diba?" Tanong ni Jayne. "I guess?" Hindi siguradong sagot ko. "Pero sa tingin ko naman wala na kasi pina-check ko na ang buong island bago pa tayo magpunta dito." "So nasaan na nga si Sheyn?" Tanong ni Maris. "If I we're you hindi ko na pro-problemahin yun dahil baka umalis na siya sa sobrang inis," ani ni Yassy bago tumayo. "At baka ikaw gusto mo naring umalis," ani ni Yassy kay Jelly bago mag lakad paalis. "That b*tch!" Inis na sabi ni Jelly. "Anyway, anong gusto niyong gawin ngayong araw?" Tanong ni Kiya. "Swimming, wala naman tayong ibang magagawa. I wish may signal dito," reklamo ni Julie. "Well, what do you expect? We are in the middle of the ocean," sagot ko sa kaniya. "Besides, masaya akong may kuryente dito. Anyway, hindi ko pa pala naipapakita sa inyo ang entertainment area." "Entertainment area?" Tanong ni Yuris. "Yes, come with me." Naglakad ako palabas ng dining area habang nakasunod sila sa'kin. Huminto kami sa isang room na nandito lang din sa baba. "I hope you'll enjoy this," ani ko bago buksan ang pinto sa entertainment room. Sa loob ay may arcade. Lahat ng laro sa arcade ay nandito, may iba ring laro like billyard, Darts. May bar din at karaoke "WOW!" "Bakit hindi mo sinabi to kahapon!" Excited na sabi ni Joy. "Bakit may arcade? Ano tayo bata?" Tanong ni Jayne habang nakatingin sa mga machine na nandito sa loob. "Naisip ko lang na baka may gustong maglaro--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang tumakbo si Rain papunta sa claw machine. "O M G! This is cute!" Tumingin ako kay Jayne at ngumiti. "Well I guess tama ang naisip ko." Lumapit ako sa bar counter at kumuha ng margarita. "May gusto bang uminom?" Tanong ko sa mga kasama kong naglilibot na sa loob ng kwarto. "Me." Lumapit sa harapan ko si Maris. "Marunong kang mag timpla?" Tanong ni Kiya sa'kin. "Yes, nagpaturo ako sa fiance ko," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Bartender siya?" Tanong ni Julie. "No, but nag-aral siya kasi gusto niyang ma-experience," sagot ko at naglagay ng hinalo kong alak sa baso at binigay kay Maris. Kinuha niya ito at ininom. "Masarap ba?" Tanong ko. "Ngayon nalang ulit ako nakatikim ng ganitong alak," sagot niya bago ubusin ang natitirang laman. "I'm glad nasarapan ka. It's actually my first time," sabi ko at naghalo pa ulit ng isa. Sa bar counter lang kami tumambay samantalang nasa karaoke ang iba naman ay nasa bilyards, darts at arcade. Well, hindi pa naman kami super matatanda, nasa twenty's palang kami so masaya parin kami sa arcades "Saan kaya nagpunta si Sheyn?" Tanong ni Kiya habang nakatingin sa malayo. Mukhang hindi pa niya napansin na malakas niyang nasabi ang iniisip niya "Hayaan mo na siya. For sure makikita rin natin siya mamaya," I said. Napatingin siya sa'kin dahil sa sinabi ko. "What do you mean?" She asked. "Hindi naman kasi pwedeng hindi siya magpakita satin diba? Baka gusto niya lang umiwas sa gulo kaya tinataguan niya tayo," sagot ko at humigop sa margarita na hawak ko. "Buti pa siya marunong umiwas," ani ni Jayzie na nakikinig pala sa usapan namin ni Kiya. "Na-stress ako sa nangyari kahapon." "Me too. Mas nakaka-stress pa yung away nila kaysa sa pag ha-handle ng company," I said and sighed. Bigla ko tuloy na-miss ang office ko. Ako mismo ang nag design nun para kahit stress ako sa company ay nare-relax parin ako "Nakakagulat talaga ang success mo Elize. Ikaw ang pinaka-successful sa batch natin," Jayzie said. I chuckled. "Well, tyaga lang talaga ang kailangan para maging successful. Kahit sino sa batch natin kayang maging mas successful sa'kin," sagot ko. "Hi Elize." Napatingin kami kay Jeff na biglang sumulpot sa harapan namin. "Hey," I greeted him back. "Ayaw mo bang sumali samin?" Tanong niya at tumingin kila Samuel na nasa bilyaran. "No, thanks. I'm fine here," I rejected his offer. "Gusto ko sana naming makalaro, eh," he said. "Uhmm, si Rain din gusto niya kayong kalaro." Tumingin ako kay Rain na kadarating lang habang may hawak na stuff toy. "Me? What game?" She asked excitedly. "Bilyards," I answer. "Sure. Tara, Jeff." Hinatak ni Rain si Jeff. I remember when we we're high school sobrang gusto ni Jeff si Rain pero hindi ko na nakikita yun ngayon. Hay nako Jeff. ___ We are having fun nang may narinig kaming sigaw "What's that?" Tanong ni Kiya. "Baka may nangyari sa mga kasama natin," nag-aalalang sabi ni Kiya bago tumakbo palabas kaya sumunod kami sa kaniya. Nakarating kami sa living room kung nasaan si Marie at Rey. Nakita namin sila JP, Thalia, Yassy at Vince na pababa. Umiiyak si Marie habang yakap siya ni Rey "Anong nangyayari?" Tanong ni Kiya kay Marie. "Ano na namang inaarte mo Marie?" Tamad na tanong ni Vince. "Si Sheyn!" Sigaw ni Rey. "Huh? Nasaan?" Tanong ni Jelly. "Nasa likod!" Sigaw niya ulit. Does he need to shout? Tumingin kami sa likod pero napahinto kaming lahat sa nakita namin. Sheyn was hanging from the ceiling. Wala na siyang mata at puno ng dugo ang damit niya. Ang mga mata niya ay nasa baba at nakatingin samin. Buong-buo ito na parang dahan dahan pang kinuha "Omygosh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD