Chapter 39
ELIZE'S POV
Pagdating ko sa sala inabot ko agad kay Jeff ang yelong dala ko
"Nasaan sila Thalia?" Tanong ko kay Yuris.
"Nasa taas na. Baka mag-away pa ulit kung pare-parehas silang nandito," sagot niya.
Tumango ako at umupo sa couch dahil wala na akong energy para tumayo
"Gusto ng umuwi nila JP," sabi ni Nelson.
"Pano naman sila makaka-uwi?" Tanong ni Julie.
"Bukas na pag-usapan," sagot ko.
"Nasaan nga pala si Vince?" Tanong ni Rain.
Nilibot ko ang tingin ko sa living room. Wala nga si Vince. Ang nandito lang ay si Rey at Marie na hindi nagpa-pansinan
"Rey diba magkasama kayo kanina?" Tanong ni Ariel sa kaniya.
"Pumasok siya dito," walang ganang sagot ni Rey.
I still can't believe na papatol si Rey kay Vince. Mukhang hindi niya naman mahal si Vince so I think pera lang ang habol niya?
"Baka nasa room, paki-check naman," I said.
Tumayo si Ariel at Rain para umakyat sa taas
"Rey and Marie pasok narin kayo sa room niyo. Mukhang kailangan niyong mag-usap," sabi ko sa dalawa..
"Ayokong kasama yan," matigas na sabi ni Marie. "Kadiri ka!"
"Well you need to talk," I said.
"Wala na kaming dapat pag-usapan. We are over!" Sigaw niya kay Rey bago tumakbo paalis. Sinundan naman agad siya ni Rey.
"I can't believe this, sila ni Vince?" Nagsalita agad si Julie pagka-alis ng dalawa.
Mukhang kanina pa nga nila gustong pag-usapan sila Vince.
"Tsaka sila Jeff at Thalia," Cheska said.
"Sinong mag-aakalang pangit pala ang taste ni Rey," Matty said.
"Akala ko nga wala siyang gusto kay Vince," ani ni Cheska.
"Ano ulit yung trabaho ni Vince?" Tanong ni Jayne.
"Manager?" Hindi siguradong sagot ko.
"Baka naman pera lang ang habol ni Rey," Jayne.
"Nakuha niyo pa talagang pag-usapan yung kaibigan niyo no?" Singit ni Maris.
"Oo nga, hindi ba kayo concern sa kaniya?" Tanong ni Joy.
"Siya ang gumawa nun sa sarili niya," sagot ni Matty.
"So harapin niya ang consequence," dugtong ni Julie.
"Bilib din ako sa sungay niyo." Umiiling na sabi ni Maris.
"Tama na nga yan, baka mamaya kayo naman ang sumunod," awat ni Collins.
"Wag nalang natin pag-usapan yung nangyari kanina. Hindi naman na natin problema yun. I think we need to rest, naging mahaba ang araw nating lahat," I said.
"Buti nalang hindi magkakasama sa room ang magkaka-away," Joseph said.
"Sinabi mo pa, baka nagbabantay tayo ng mga bata kung nagkataon," Nelson joked.
"Bakit kasi sa dinami-dami ng araw ngayon pa nila piniling ilabas yung sama ng loob nila," Josielyn complained.
"Sinira lang nila yung mood natin," inis na sabi ni Miggy.
"Pwede parin naman nating ituloy ngayon," Samuel said.
"Ngayon?" Tanong ni Kiya.
"Yes, wala naman na sigurong maglalabas ng sama ng loob ngayon? Kasi kung meron pa ilabas niyo na." Tumingin samin si Samuel.
Wala ng nag salita kaya nagpatuloy ulit siya sa pagsasalita
"May natira pa namang beer tsaka snacks. Ano?" Tanong niya samin.
Tumango nalang kami dahil hindi pa naman late. Eight thirty palang naman.
"Cheers!" Masayang sabi ni Samuel habang nakataas ang baso niya.
"Cheers!" Inangat naming lahat ang beer na hawak namin bago ito ininom.
*****************************
JAYNE'S POV
"Cr lang ako guys," sabi ko at tumayo.
"Me too," Julie said.
"Ako rin," sabi rin ni Cheska at tumayo.
Naglakad kaming tatlo papunta sa cr
"Ano sa tingin niyo ang nangyari kay Vince? Hindi na sila bumalik tatlo," Cheska said.
"I think he's broken hearted. Halata namang hindi siya ang pinili ni Rey," Julie answered.
"Well, I can't blame Rey," I said.
Nagtawanan kaming tatlo dahil sa sinabi ko
"He's crazy!" I said.
"Nabaliw sa pagmamahal kay Rey. I can't believe na hindi parin siya nakaka-move on kay Rey," ani ni Julie habang naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi.
"He's obsessed with him. Ang creepy," sabi ni Cheska habang tinitingnang mabuti ang sarili sa salamin.
Kahit naman abutin pa ng five hours ang pagtingin niya sa sarili niya nothing will change so hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang titigan ang sarili niya sa salamin
"He needs a doctor or mas maganda sa mental health," I said.
"Tsaka nakakagulat rin yung sinabi ni Thalia no?" Cheska.
"Yes, ang bigat ng ibinibintang niya kay Jeff," Julie.
"Baka ginusto niya rin yun. Parehas naman sila ni Eyra. Malandi," sagot ko.
"Yeah, maybe gusto niyang iblackmail si Jeff," ani rin ni Julie.
Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Blackmail, ang ginagawa ni Maris sa'kin ngayon.
"Yung utak ng mga kaklase natin hindi man lang tumanda," Cheska.
"Ganun talaga pag walang class," sagot ko. "I'm done, kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yep," sabay na sagot nila.
Lumabas na kami ng cr pero napahinto kami ng makita namin si Samuel na naghihintay sa labas. Ano namang ginagawa niya dito?
Hindi ko siya pinansin at nilampasan lang pero hinawakan niya ang braso ko, dahilan para mapahinto ako
"What?" Walang ganang tanong ko sa kaniya.
I'm having a bad night so 'wag niya ng dagdagan
"Can we talk."
"No, we can't." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko pero ayaw niyang tanggalin.
"Mauna na kami," ani ni Julie at naglakad paalis kasama si Cheska.
What the f? Iniwan nila ako dito kasama si Samuel!
"Ano bang gusto mong pag-usapan?" Tanong ko sa kaniya.
"I'm hoping to fix our relationship," aniya.
"Relationship na matagal ng natapos. Naka-move on na ako at sana ikaw rin."
"Naka-move on ka na?" Tanong niya sa'kin.
Inulit ba siya?!
"Ilang beses ko bang dapat sabihin?"
"Kung naka-move on ka na, gusto kong tingnan mo ako sa mata ko tsaka mo sa'kin sabihin yan."
"Fine." Tumingin ako sa mga mata niya. Ibinuka ko ang bibig ko pero bago pa may lumabas na words mula dito ay hinalikan niya na ako.
"Hmp!" Hinampas-hampas ko siga pero ang higpit ng hawak niya sa'kin.
He such a good kisser kaya kahit anong laban ko ay bumigay parin ako
I almost moan when he touch my butt!
Siya ang unang kumalas. "Naka-move on pala," he grin at me.
"Tse!" Inirapan ko siya bago ako maglakad paalis.
Argh! May babae na siya, ah. Bakit ako ang kinukulit niya ngayon!
"Jayne." Napahinto na naman ako ng pigilan niya ulit ako.
"What now?"
"Please, give me a chance to prove to you that I won't do it again," he pleaded.
"Chance? Chance na sirain mo na naman ang tiwala ko," mariing sabi ko.
"No, I won't do it again. Please, believe me," aniya.
"Please lang Samuel, 'wag ngayon." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at naglakad na paalis.
This time ay binilisan ko na ang lakad ko para hindi niya na ako mahabol ulit.
********************************
RAIN'S POV
Ilang oras na naming binabantayan si Vince. Nasa cr siya pero rinig namin ang hikbi niya. Aww, poor Vince. Kanina ko pa siya kinakausap kasi naaawa ako sa kaniya
"Ayaw mo ba talaga siyang kausapin?" Tanong ko kay Ariel.
"Para saan?" Tanong ni Ariel habang nakahiga sa kama.
"Diba yun ang pinagawa satin ni Elize," sabi ko sa kaniya.
"Sabi niya lang i-check natin kung nandito si Vince, ikaw tong ayaw pang umalis," bulong niya.
"Huh? Hindi kita marinig tsaka bakit ka bumubulong?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala. Hinaan mo nalang yung boses mo kasi baka mainis pa si Vince sayo," aniya.
"Bakit naman siya maiinis sa'kin eh, concern nga ako sa kaniya."
"Pwede ba 'wag mo nalang akong kausapin? Mababaliw ako kapag pinag patuloy mo pa yan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano naman siya mababaliw?
"Paano ka naman mababaliw?" I asked her.
"You know what, try to comfort Vince. Kawawa naman siya, broken hearted."
Tumango ako at lumapit ulit sa pintuan ng cr. May naaalala ako sa ganitong scenario. Para kaming bumalik sa high school. Mukhang hindi pa nawawala ang drama sa katawan namin
"Vince, okay ka lang ba?" Tanong ko habang kumakatok.
"Leave me alone!" Sigaw niya.
"Hindi pwede, sabi ni Elize--" I stop talking when he cut me off. "Kailan pa kayo natutong makinig kay Elize?! Don't tell me best friend niyo na siya?"
"She's nice," sagot ko sa kaniya.
"Tama na nga yan Rain, mas lalo lang sumasama ang loob niya dahil sayo," ani ni Ariel sa'kin.
"Ha? Eh, sinusubukan ko nga siyang i-comfort."
"Mukha ba siyang na co-comfort?" Tumingin ako sa pinto ng cr dahil sa sinabi ni Ariel.
I sighed. Muhang hindi nga gumagaan ang pakiramdam niya kaya naglakad nalang ako papunta sa kama at tumabi
"Ano ng gagawin ko?" Tanong ko kay Ariel.
"Tumahimik or let's go downstairs."
"Bakit naman tayo bababa?" I asked him.
Ibubuka niya palang sana ang bibig niya ng bumukas ang pinto at pumasok si Julie at Jayzie
"Julie, nasa banyo si Vince." Tumayo agad ako at lumapit sa kanila.
"So?" Walang ganang tanong ni Julie sa'kin.
"Ayaw mo ba siyang puntahan?" Tanong ko.
"No. Bumalik ka na sa room mo. Baka pag saraduhan ka pa nila Jayne," sagot niya bago ako lampasan at dumiretso sa kama niya.
"Ako ng bahala kay Vince," ani ni Jayzie at tinapik ang balikat ko.
Tumango ako bago lumabas ng kwarto nila. Hay! Kawawa talaga si Vince
Paglabas ko ng room nila nakita ko si Elize na papasok palang ng kwarto niya
"Elize," I call her.
"Yes?" Nakangiting tanong niya sa'kin.
She's always smiling. Parang hindi ko pa siya nakitang sumimangot
"Totoo ba talaga yung sinabi mo kanina?" I aksed. Kanina pa kasi tumatakbo sa isip ko yung sinabi niya. Buti nga at hindi napapagod kaka-ikot sa isip ko, eh.
"About sa project ko?" I nodded as a response. "Yes, I'm happy to help you."
"Thank you talaga. That's my dream project," masayang sabi ko.
"Welcome. Pano, magpapahinga na ako. See you tomorrow." Kumaway siya sa'kin bago pumasok sa loob ng kwarto niya.
Tumalikod narin ako at pumasok sa kwarto namin. Pag pasok ko sa loob ay nag-aayos nasila para matulog. Nang makita ko si Jayne ay bumalik sa'kin ang plano namin para kay Elize
Tutulungan naman na ako ni Elize so pwede ng mag stop yung plan. She's really nice and hindi kaya ng konsensya ko kung may gagawin ako sa kaniyang masama
"How's Vince?" Tanong ni Matty sa'kin.
"Not fine. He's still crying," sagot ko at umupo sa kama ko.
"Well, deserve." Tumawa silang lahat dahil sa sinabi ni Matty.
Napa-iling ako dahil sa kanila. Hindi ba sila naaawa kay Vince?
"Guys." Napatingin sila sa'kin ng tawagin ko sila.
"Bakit?" Tanong mo Cheska.
"Naka-usap ko kasi si Elize and she's willing to help me. Hindi na natin itutuloy yung plano diba?" Tanong ko.
Nagtaka ako ng tumawa sila ng malakas. Hindi naman ako nag joke so bakit sila tumatawa?
"Do you really think na tutulungan ka niya?" Tanong ni Jayne sa'kin.
"Yes," I nod my head.
"You're so naive. Hindi ka niya tutulungan Rain, pinaiikot ka lang niya," Jayne.
"Ang bobo mo talaga." Umiiling na sabi ni Cheska.
"Hindi ako bobo, I know she's telling the truth," inis na sabi ko.
Lagi nalang nila akong sinasabihan ng bobo, nakakainis na
Nagkatinginan sila dahil sa sinabi ko. "Paano mo naman nasabi na nag sa-sabi siya ng totoo?" Tanong ni Matty sa'kin.
"Kasi nafe-feel ko," sagot ko.
"Tingin mo tama yang nararamdaman mo?" Tumayo si Jayne mula sa higaan niya at lumapit sa'kin. "Kung ayaw mong maging part ng plano namin okay lang pero sa oras na sabihin mo kay Elize ang plano namin humanda la sa'kin. I will make sure na mawawala ang career mo sayo," mariing sabi niya sa'kin. "Naiintindihan mo ba ako?"
Mabilis akong tumango
"Good." She smiled before walking back to her bed.
"Let's sleep guys, marami pa tayong gagawin bukas." Tumingin pa ulit si Jayne sa'kin bago humiga.
Pinatay na nila ang ilaw kaya naman wala na akong nakita kundi dilim kaya humiga na ako
Hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Jayne. I don't know what to do. Ayoko namang ipahamak si Elize pero ayoko ding mawala ang career ko pero kaya ba talaga ni Jayne pabagsakina ng career ko? Diba bankrupt na sila? Pero si Elize hindi so mas matutulungan ako ni Elize!
It's final, sasabihin ko kay Elize ang lahat!