Chapter 38
This time huminto ang bote kay Joseph. They all cheer for him
"Kailangan pa ba kitang tanungin?" Nalangising tanong ni Jeco.
"Dare, dude," sagot ni Joseph.
"Okay. Isulat mo sa ere ang pangalan mo using your ass and take off your pants," Jeco said.
"Fine!" Naghiyawan ang mga lalaki dahil sa sinabi ni Joseph.
Mabilis na hinubad ni Joseph ang pants niya kaya naman umiwas agad kami ng tingin. Hindi ako sigurado kung nagawa niya ba ng maayos ang dare sa kaniya dahil naka-iwas lang ang tingin ko sa kaniya
I'm not trying to be a virgin but I don't like buttholes
Malakas ang hiyawan nila kaya I'm sure nagawa niya ng maayos ang dare sa kaniya. Umupo na ulit si Joseph at pina-ikot ang bote. Huminto ito kay Thalia
"Thalia, truth or dare?" Tanong ni Joseph.
"Truth," sagot agad ni Thalia.
"Hmm, playing safe huh. Anyway, I need you to tell us kung bakit kanina pa mainit ang ulo mo kay Jeff? Sa totoo lang, nung highschool pa mainit dugo mo sa kaniya, eh." Tanong ni Joseph.
"Kailan ka pa naging detective?" Sarcastic na sagot ni Thalia sa kaniya.
"Sino ba ang nagtanong satin? Ako o ikaw?" Bagot na tanong ni Joseph.
"Well." Tumingin si Thalia kay Jeff.
Base sa kilos na Jeff para siyang kinakabahan na ewan
"Matagal ko na tong tinatago and I think it's time para malaman niyong lahat kung gaano ba talaga kasama ang kasama natin. Ni-rape lang naman ako ni Jeff."
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Thalia. Wth?!
"What?!" Napatayo si Jeff. "Anong sinasabi mo diyan?" Galit na tanong niya kay Thalia.
"Totoo naman diba? Sa bahay nila Jayne. Lasing ako nun."
"What?!" Napatayo rin si Jayne. "Sa bahay pa talaga namin?"
I roll my eyes. Really? Mas inisip niya pa yun?
"What the fvck?!" Napatayo rin si JP habang masamang nakatingin kay Jeff.
"Lasing din ako nun. Tsaka ikaw ang unang lumapit sakin nun, ah."
"Wag mo nga akong baliktarin Jeff," Thalia said.
Tumataas ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Walang balak pumagitna. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Why do I feel like habang papatagal mas maraming mangyayari?
"Ako ang 'wag mong baliktarin dahil kapag hindi ka pa tumigil ay ako mismo ang magpapatahimik sa bibig mo," ramdam ang gigil sa boses ni Jeff.
Susugod na sana si JP sa kaniya nang pumagitna ang iba naming mga kasama
"Alam niyo bro, sa tingin ko dapat in private niyo pag-usapan yan," Yuris said.
"Mabuti pa nga," ani ni Nelson.
Nakatahimik lang kami dahil hindi naman namin alam kung anong dapat naming gawin. My god! Nakaka-isang araw palang kami pero parang ang dami ng nangyari
"Samahan niyo na sila Nelson, Yuri," ani ni Samuel.
"Tara, dito kayo mag-usap." Inakbayan ni Nelson si Jeff at hinatak paalis sa pwesto namin.
Sumunod naman ang tatlo sa kanila
"Tama ba ang narinig ko?" Tanong ni Rain.
"What do you think? Mukha bang sinungaling ang kaibigan ko," sarkastikong sagot niya kay Rain.
"Nagtatanong lang naman," nakangusong sabi ni Rain.
"Oo nga, ang init naman ng ulo mo Eyra," Ariel said.
"Bakit? Dapat ba kong maging masaya? Na-rape yung kaibigan ko tapos gusto niyo masaya ako," sagot niya kay Ariel.
"Wag kang OA, rape ba yun kung parehas silang lasing?" Jayne answered. "Baka kaya mainit yang ulo mo dahil sa dare sa boyfriend mo."
"Hindi naman kasi ako plastik katulad niyo kaya may pake ako sa kaibigan ko,"
"Naghahanap ka ba ng away?" Tumayo si Ariel pero bago pa siya makalakad papunta kay Eyra ay tumayo narin ang iba naming mga kasama para pigilan siya.
"Guys, ano ba? Dapat masaya tayo ngayon, eh," Jayzie said.
"Paano magiging masaya? Lumalabas ang mga baho niyo," sarkastikong sabi ni Marie.
"Wow, nahiya naman kami sayo," sagot ni Vince sa kaniya.
Mukhang hindi talaga matatapos ang araw namin ng walang nag-aaway. Akala ko dati sa'kin lang sila galit. May galit pala talaga sila sa isa't isa
************************
VINCE'S POV
"Wala akong sikreto," sagot ni Marie sa'kin.
"Talaga ba? Sinong niloko mo," sagot ko pabalik.
"Baka ikaw ang may sikreto, o sikreto pa ba yun? Kasi alam naman na namin."
Pinagpawisan agad ako dahil sa sinabi niya. Anong sikreto ang sinasabi niya?
"Ano namang sikreto yun?" Tanong ko. Hindi ako nagpahalatang kinakabahan ako dahil baka mamaya iba pala ang tinutukoy niya. Hindi nila pwedeng malaman ang nangyari sa'kin at sa pamilya ko.
"Na wala ka naman talagang boyfriend."
Para akong nakahinga ng maluwag dahil tama ang hinala ko
"Wala? Baka kapag nalaman mo kung sino ang boyfriend ko ay magwala ka," I grin.
Napahinto siya at namutla. Mukhang may idea na siya
"Vince!" Sigaw ni Rey pero hindi ko siya pinansin. Sawang sawa na akong itinatago niya ako.
Yes, tama kayo ng basa. Si Rey ang boyfriend ko
"Tutal nagkakalabasan na ng sikreto. Edi ilalabas ko narin ang sa'kin. Tama ang iniisip mo Marie. Si Rey ang boyfriend ko," malakas na sabi ko.
Hindi agad siya nakapag react na ikinatuwa ko. Ang saya lang panoorin ng reaction niya
"Totoo ba yun Rey?" Tanong ni JP.
"Wag ka ng magkaila Rey. Nasabi ko naman na tsaka diba sabi mo iiwan mo narin naman si Marie?" Tanong ko kay Rey.
"Mag-usap tayo," mariing sabi niya.
"No! Kung mag-uusap kayo dito kayo mag-usap!" Sigaw ni Marie. "Walanghiya ka! Paano mo ako nagawang lokohin?! At talagang dito pa sa baklang to!" Lumingon sa'kin si Marie. "At ikaw na bakla ka!" Sumugod siya sa'kin pero bago pa niya ako masaktan ay inunahan ko na siya. I slap her hard!
Napa-upo siya sa buhangin habang hawak ang pisngi niyang namumula
"Babe!" Sigaw ni Rey at lumapit kay Marie.
Parang may tumusok na kutsilyo sa puso ko dahil sa nakita ko. Bakit niya kinakampihan ang girlfriend niyang mukhang paa?
"Humanda ka sa'kin!" Sigaw ni Marie at tumayo ulit para sugurin ako pero hinawakan na siya ni Rey.
"Pakikuha naman si Marie," sabi ni Rey sa mga kasama namin.
"No! Magbabayad ang baklang yan! Bitawan mo ko! Kadiri ka!" Sigaw ni Marie habang nagpupumiglas sa hawak ni Rey.
"Sige lang Marie, kahit sumigaw ka pa diyan wala namang magbabago na iisa lang ang boyfriend natin," pang-aasar ko lalo sa kaniya.
Kulang nalang ay sumabog ang ulo niya sa sobrang gigil dahil sa sinabi ko
"Humanda ka talaga sa'kin! Halika rito! Bitawan niyo ko!"
"Marie tama na," ani ni Collins at Samuel na kumuha kay Marie mula kay Rey.
"Bitawan niyo sabi ako!"
"Mag-uusap tayo," sabi ni Rey sa'kin at hinatak ako paalis dun.
Nang malayo na kami sa kanila ay huminto na kami pero hindi niya parin ako binibitawan
"Rey masakit na," kalmadong sabi ko pero hindi niya parin ako binibitawan.
"Rey ano ba!" Sigaw ko.
Binitawan niya na ako ng sumigaw ako
"Bakit mo sinabi!" Mariing tanong niya sa'kin.
"Bakit? Ayaw mo ba nun? Free na tayo."
"Ako ang magsasabi sa kaniya! Diba yun ang sabi ko?!"
"Kelan pa Rey?! Kelan pa?! Yan naman ang lagi mong sinasabi sa'kin, eh! Yan nalang lagi!" Sigaw ko.
Nagsisimula ng bumuhos ang luha ko. "Akala mo ba hindi ko napapansin?! Wala ka namang balak na sabihin kay Marie, eh! Wala kang balak na iwan siya."
"Hindi naman sa ganun-- Yun ang totoo! Wag ka ng magsinungaling Rey," pinutol ko ang sasabihin niya.
"Sasabihin ko naman sa kaniya pero sana hindi mo ako pinangungunahan."
"Sabihin mo nga sa'kin ang totoo. Mahal mo ba ako? O mahal mo ang perang ibinibigay ko sayo?" Seryosong tanong ko sa kaniya.
Hindi agad siya nakasagot. Sa katahimikan niya palang, alam ko na agad ang sagot.
Tinalikuran ko siya at naglakad paalis. Alam ko namang pera lang ang habol niya sa'kin. Ang gaga ko lang kasi akala ko baka mahalin niya ako ng totoo
**********************
SHEYN'S POV
Nagkakagulo na ang lahat. Maling-mali na nag reunion kami. Imbes na maging close ay mas lalo lang atang lumayo ang loob namin sa isat-isa. Sabagay, matagal naman ng malayo ang loob namin sa isa't-isa
Napatingin ako kila Yassy at Jelly na nasa gilid ko lang. Mukhang naramdaman nilang nakatingin ako dahil tumingin sila pabalik sa'kin. Inirapan ko sila dahil sa inis ko
"Anong imaarte mo diyan?" Mataray na tanong ni Jelly sa'kin.
"Kung tusukin ko kaya yang mata mo?" Ani naman ni Yassy.
Hindi ko sila pinansin at lumayo nalang. Ayokong sayangin ang oras ko sa dalawang plastic na yun. Nasabi ko naman na ang nga bagay na gusto kong sabihin
"Guys, tulong! Nagpapatayan na si JP at Jeff!" Napatingin kami kay Yuri na kadadating lang.
"Sh*t!" Palatak ni Jeco at mabilis na tumakbo paalis. Sumunod naman sa kaniya si Joseph.
"Kinakausap ka diba!" May humila sa buhok ko mula sa likod kaya napasigaw ako sa sakit.
Pagharap ko sa likuran ko ay mabilis kong hinatak ang buhok ni Yassy dahil siya ang humatak sa buhok ko
Sinabunutan niya ako kaya sumama narin si Jelly. 2 vs 1
"Bitawan mo ko!"
"Malandi ka!"
"Ahas!"
"Inggit!"
"Oh my gosh! Tumigjl na nga kayong tatlo!" Sigaw ni Jayne.
"Ano ba Yassy!" Naramdaman kong may humawak sakin at nilayo ako kila Yassy.
"Bitawan mo ko!" Sigaw ko habang pumipiglas sa hawak ni Jayzie at Maris.
"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ni Maris.
"Ipasok niyo na sila sa loob. Magpahinga nalang muna tayo ngayon," ani ni Elize.
"Mabuti pa nga," sumang-ayon si Jayzie at hinatak ako papasok sa mansion.
Hindi na ako umangal at inayos nalang ang sarili ko. Makakaganti din ako sa dalawang yun!
Pagpasok namin sa mansion ay sa kusina kami dumiretso. Pina-upo ako nila Marie at Jayzie sa upuan at ikinuha ng tubig
"Ang tanda niyo na pero para parin kayong bata," pangaral ni Jayzie.
"Hanga't hindi mo nararamdaman ang naramdaman ko wala kang dapat sabihin," sagot ko sa kaniya.
"For god's sake Sheyn! Ilang taon ka na pero yung utak mo na stuck sa highschool!" Inis na aniya.
"Tama na nga yan! Baka kayo pa ang sunod na mag-away. Pagod nakong pumigil," sabi ni Maris na naka-upo sa harapan ko.
Wala ng kumibo ni isa samin pagkatapos nun. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang ingay. Mukhang pumasok narin ang iba naming mga kasama
"Nandito pala kayo." Napatingin kami kay Elize na kakapasok lang.
"Nasaan na sila Jeff?" Tanong ni Jayzie.
Hindi na ako nagtaka na nagawa ni Jeff yun. Halata naman sa itsura niya diba
"Nagpapalamig na," sagot ni Elize at kumuha ng yelo sa ref.
"Mabuti pa umakyat ka na sa kwarto niyo Sheyn. Kami ng bahala sa iba," sabi ni Elize bago lumabas.
Tumayo na ako at umalis ng hindi nagsa-salita. Wala rin naman akong sasabihin
Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto namin. Pagpasok ko ay nandun na sila Jasmine, Yassy at Jelly sa loob
Great! Pano ako makakapagpahinga!
"Subukan niyong mag-away. Dadaganan ko kayo," Jasmine warned us.
Inirapan ko nalang sila at dumiretso sa cabinet. Kumuha ako ng gamit ko at pumasok sa banyo para maglinis. Gusto ko ng matulog para hindi ko na makita ang mukha ng dalawang plastic
Pagkatapos kong maglinis ay lumabas na ako at dumiretso sa kama ko. Nag blower muna ako ng buhok bago mahiga at pumikit. Ramdam ko na kasi ang pagod kaya siguro mabilis akong nakatulog