Shadow

1997 Words
Chapter 15 Bumili narin ako ng mga damit na gagamitin ko sa high school reunion. Ang ibang gamit ko kasi ay nakahanda na nung nakaraan pa Napangiti ako habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. I can buy all the clothes that I want but I'm not happy, not yet "Nay," tinawag ko si nanay habang nag uurong siya sa kusina. "Oh? Bakit? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni nanay sa'kin. "Wala naman po." Umiling ako. "Gusto ko lang po sanang magpa-alam," nahihiyang sabi ko, Medyo mahigpit kasi sa'kin sila nanay dahil ako ang kaisa-isa nilang anak. "Magpapa-alam? Saan ka naman pupunta at sino ang kasama mo?" Huminto si nanay sa ginagawa at pinunas ang kamay sa suot niyang short tsaka humarap sa'kin. "Inaaya kasi ako ni Kiya sa isang party." "Party? Anong party naman yan?" Tanong ni nanay. "Party po sa bahay nila Jayne. Kapag daw po nanalo ang nobyo niyang si Samuel ay magpapa-party siya sa bahay nila," sagot ko. "Inaya ka ba nila?" "Opo, pinipilit din po ako ni Kiya na pumunta." "Oh, anong pinag-uusapan niyo?" Napalingon kami ni nanay sa likuran ng marinig namin ang boses ni tatay. "E'to kasing anak mo nagpapaalam sa'kin, aalis daw siya. Pupunta daw siya sa party ni Jayne," sabi ni nanay kay tatay. "Pinipilit po kasi ako ni Kiya. Kailangan daw po nandun ako dahil buong klase ay a-attend," paalam ko kay tatay. "Eh, kailan ba yan?" Tanong ni tatay sa'kin. "Sa sabado na po," sagot ko. "Pag-iisipan pa namin ng nanay mo." Tumango ako sa sinabi ni tatay. "Thank you po." Niyakap ko silang dalawa at hinalik sila sa kanilang pisngi bago tumakbo papunta sa kwarto ko. Maliit lang ang bahay namin pero nagawan ng paraan ni tatay para magkaroon ako ng sarili kong kwarto kahit maliit lang. Pag laki ko talaga magpapagawa ako ng sobrang laking kama Nag-aral muna ako saglit bago mahiga sa papag. Feeling ko talaga nananaginip lang ako. Parang ang bilis kasi ng mga nangyari. Bigla nalang silang naging mabait sa'kin. Pano yun? At anong sumapi sa kanila para maging ganun sila sa'kin? Hay ewan! Sana nalang mag tuloy tuloy na ang pagiging mabait nila sa'kin. Nakatulog akong nakangiti at gumising ng may malawak na ngiti sa labi ko. Pumasok ako ng school at kahit isang ka-klase ko ang bumati sa'kin o inaway ako "Elize, ano pupunta ka ba?" Tanong ni Kiya sa'kin. "Pinagiisipan pa nila nanay at tatay, eh. Magkita nalang tayo kila Jayne pag pinayagan ako," sagot ko sa kaniya. "Pag ikaw Elize hindi nakapunta magtatampo talaga ako sayo." Naka-pout na sabi niya. "Huwag kang mag-alala dahil makakapunta ako. Pipilitin ko sila nanay," I assure her. "Sabi mo yan ah. Hindi talaga kita kakausapin kapag ikaw ang wala dun," pananakot niya sa'kin. Mabilis na lumipas ang oras, sabay sabay kaming umuwi nila nanay at tatay. Tumulong muna ako sa gawaing bahay bago pumasok sa loob ng kwarto ko at gawin ang mga assignments ko "Elize anak." Tumigil ako sa pagsu-sulat ng marinig ko ang tawag ni nanay sa'kin. "Po?" Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Nakita ko sila nanay sa sala na nakatayo at nakaharap sa'kin. May hawak na paper bag si tatay "Bakit po?" Tanong ko sa kanila. "Pasalubong ko sayo." Inabot ni tatay sa'kin ang hawak niyang paper bag. "Ano po ito?" "Buksan mo anak," nakangiting sabi ni nanay sa'kin. Ginawa ko ang sinabi ni nanay. Binuksan ko ang paper bag at kinuha ang laman nito "Para saan po ito?" Tanong ko habang nakatingin sa dress na laman ng paper bag. "Para sa party. Diba may party si Jayne?" Nagulat ako sa sinabi ni tatay. "Pinapayagan niyo na po ako?" "Oo basta mag-iingat ka dun," sagot ni tatay. "Maraming salamat po!" Niyakap ko silang dalawa dahil sa tuwa. "Pasensya ka na anak at hindi masyadong mahal ang nabili ko," ani ni tatay. Kumalas ako sa yakap. "Okay lang po. Ang ganda nga, eh. Parang katulad lang din sa mall." Tinaas ko ang damit at tinapat sa'kin. "Mag-iingat ka dun ha," paala ni tatay sa'kin. "Umuwi ka kapag may nangyaring hindi maganda," ani ni nanay. "Opo," sagot ko. "Thank you po talaga." ___ Maaga akong nag-ayos para sa party ni Jayne. Kinuha ko ang bag ko at tumingin sa salamin, sinugurado ko munang maayos ang itsura ko dahil nakakahiya naman sa mga ka-klase ko kung pupunta akong dun na mukhang bagong gising lang. Nang okay na ang lahat ay lumabas na ako dahil nandun na sila nanay at tatay "Tay, hindi pa po ba ayos?" Tanong ko kay tatay. Nasira kasi ang motor namin. "Malapit na anak." "Ano ba naman tong motor natin, ayaw makisama. Kung kailan naman aalis," nakasimangot na sabi ni nanay. Luma na kasi ang motor namin at pinag-iipunan pa namin ang pambili ng bago "Hayaan mo at malapit na tayong makabili ng bago," sabi ni tatay. "Okay ka na ba anak?" Humarap sa'kin si nanay. "Ang ganda ganda talaga ng anak ko," sabi ni nanay habang nakatingin sa'kin. "Si nanay talaga lagi nalang akong binobola." "Hindi kita binobola. Tumayo ka dun, pipicturan kita." Tinuro ni nanay ang mga alaga niyang halaman. Naglakad ako papunta dun at nag pose dahil nakatapat na sa'kin ang camera ni nanay "Oh, saan ang punta mo Elize?" Napatingin kami sa labas ng gate ng may tumawag sa'kin. "Sa party ng kaibigan niya," si nanay na ang sumagot. "Ay wow! Ang sosyal naman party. Mag uwi ka ng handa, ah," ani sa'kin ni manang bising. "Sige Susan, aalis na ako." Kumaway siya kay nanay bago maglakad paalis. "Tapos na," sabi ni tatay habang pinapagpagan ang kamay niya. Maghu-hugas lang ako ng kamay tapos aalis na tayo kaya mabuti pa sumakay na kayo," ani ni tatay bago pumasok sa loob ng bahay namin. Pumasok na kami ni nanay sa loob ng trycicle katulad ng sabi ni tatay. Wala pang limang minuto ay sumakay narin siya at nagsimulang paandarin ang trycicle. Buti nalang at hindi traffic kaya mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila Jayne. Sa labas palang ay naririnig ko na ang tugtog sa loob "Mukhang nagsi-simula na. Pumasok ka na, mag text ka nalang samin kapag magpapa-sundo ka na," sabi ni nanay. "Opo, thank you po. Mag-iingat po kayo pauwi." Humalik muna ako sa pisngi ni nanay bago bumaba ng tricycle. Hinintay ko muna silang maka-alis bago mag pindutin ang doorbell. Ang ganda ng bahay nila Jayne, sobrang laki. Kasyang kasya ang buong bahay namin sa loob ng bahay nila "Sino yan?" May narinig akong boses mula sa loob ng gate. Yun siguro ang guard. "Elize Antonio po, ka-klase po ako ni Jayne," sabi ko sa guard. "Ikaw pala ma'am. Pasok ka po." Bumukas ang gate kaya pumasok na ako. Iginaya nila ako papunta sa likod ng bahay nila Elize dahil mukhang dun ang party. Dun ko din naririnig ang malakas na music Napatingin sa'kin ang ibang mga tao pag pasok ko sa loob. Binati rin ako nila Jayne ng makita nila ako. Lumapit ako kay Kiya pagkatapos kong kausapin sila Jayne "I'm glad nakapunta ka," nakangiting sabi sa'kin ni Kiya. "Sabi ko naman sayo pupunta ako, eh," sagot ko. Nagsimula na kaming sumayaw at ng mapagod ay kumuha kami ng pagkain na nasa gilid lang at binabantayan ng mga maids Kumuha nalang ako ng pagkain ko at kumain habang nanonood sa mga nagsa-sayaw sa gitna. Akala ko kami lang mag kaka-klase ang nandito meron din palang ibang students "Hey guys!" Humina ang kanta ng mag salita si Jayne. Ano kayang meron? "First of all I want to say congratulations to my loving boyfriend, Samuel!" Sumigaw sila para batiin si Samuel. Hindi na ako nakapag saltia dahil may kinakain pa ako "Gusto ko ring tawagin si Elize, can you come here sa tabi ko." Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko at tumingin sa'kin lahat ng students. Anong meron? "Pumunta ka daw sa harapan!" Sigaw ni Ariel sa'kin. Binaba ko ang kinakain ko at pumunta sa unahan pero pagdating ko dun umalis si Jayne at bumalik sa tabi nila Samuel "Enjoy Elize!" Sigaw niya sa'kin kaya kumunot ang noo ko. Ano bang meron? Bago pa ako makapag salita ay may naramdaman na akong bumuhos sa'kin. Napayuko ako habang naririnig ko ang tawa ng lahat. Wala man lang gustong tumulong sa'kin. Lahat sila ay tumatawa habang nakatingin sa'kin Akala ko yun lang ang gagawin nila sa'kin pero hindi pala. Naramdaman kong may kung anong binato sila sa'kin. Hindi ko tinaas ang tingin ko at nanatiling nakayuko. Pinigilan kong umiyak kahit gustong gusto ko na dahil awang-awa ako sa sarili ko. Bakit ko nga ba inisip na magiging mabait na sila sa'kin? Ang tanga ko naman "Ayan, mas bagay sayo." Narinig kong sabi ni Jayne. "Assuming ka rin ano? Akala mo siguro bumait na kami sayo. But I guess nagising ka na sa katotohanan na you're not belong in our school. Look at yourself, sa sobrang hirap niyo siguro wala kayong mirror sa house niyo kaya hindi mo nakikita ang sarili mo," saad niya. Natawa na naman sila dahil sa sinabi ni Jayne "You're so stupid. Hindi mo man lang nahalata na this is all our plan. Kasabwat din namin ang tinuturing mong kaibigan, si Kiya. Akala mo talaga ka-kaibiganin ka niya no? Wake up Elize! No one likes you here. She just use you for her grades." Nagulat ako sa sinabi ni Jayne at napatingin kay Kiya na nasa gilid. Ilang segundo ko lang siyang tiningnan bago tumakbo palabas ng bahay nila Jayne. Yung ginawa nilang pamamahiya sa'kin kaya ko pa pero yung nalaman ko hindi na. Akala ko magkakaroon na ako ng kaibigan, akala ko kahit papano ay may natirang mabait sa kanila pero nagkamali ako. Pare-parehas lang sila! Napa-upo ako sa gilid ng labas ng bahay nila Jayne at dun umiyak "Tsk, kulit kasi." Umangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses na yun. "A-anong ginagawa mo dito?" Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. "Sinusundo ka, ano pa ba?" Nakasimangot na sagot niya sa'kin. "Bakit? Susunduin ako nila tatay." "Magpapakita ka ng ganyan ang ayos mo?" Tanong niya sa'kin kaya mabilis kong naalala ang dumi sa katawan ko. "Tara." "Saan tayo pupunta James?" Tanong ko sa kaniya. "Sa bahay para makapag palit ka ng damit bago umuwi . Mabuti nalang at binilhan na kita ng damit." Umiiling na sabi niya. "Iku-kwento mo rin sa'kin ang ginawa nila." Nag tubig ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Sa impyernong school na yun siya lang talaga ang naiiba. Lagi nalang siyang nandyan tuwing kailangan ko siya. Parang alam na alam niya talaga na may mangyayaring hindi maganda sa'kin. Hindi ko talaga alam kung bakit nandun siya, hindi niya naman kauri ang mga demonyo sa school na yun Tinanggal ko ang pipino na nasa mata ko ng marinig ko ang katok sa pintuan ng kwarto ko. "Sino yan?" "Ako po ma'am." Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sa likod nito ay ang bodyguard ko. "Why?" Tanong ko sa kaniya. Siya ang bodyguard na inutusan kong i-check ang island para tingnan kung safe ba ang bahay at ang buong isla. Kabibili ko lang kasi nun kaya hindi ko pa napupuntahan "May nakita po kaming tao sa island." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Nahuli niyo ba kung sino?" Tanong ko. "Hindi po, eh. Pero napa-alis naman po namin siya." "Good. Makaka-alis ka na." Humigga ulit ako at nilagay ang pipino sa mata ko. I hope everything is fine at walang mangyaring kung ano bukas. Makakatulog palang sana ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Umupo ulit ako at kinuha ang cellphone ko na nasa gilid ko lang "Hi," bati ko sa tumawag sa'kin. "Hello, what are you doing?" "Preparing," nakangiting sagot ko. "Para bukas?" Tanong niya sa'kin. "Yes, para mas maganda ako bukas." "Are you excited?" "Yes, I'm super excited. Ngayon ko nalang ulit sila nakita after so many years," I answered. "I hope maging masaya ang high school reunion namin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD