Getting Ready

1171 Words
Chapter 14 ELIZE'S/ ELLY'S POV "Denice!" "Yes, ma'am?" Mabilis na dumating sa office ko ang secretary ko. "Cancel my meetings this weekends and next week." Nagulat siya sa sinabi ko. "Lahat po?" "Yes. Reschedule mo nalang next next week. Kahit mag sunod sunod ang meetings ko. Bigyan mo rin sila ng flowers at ilagay mo sa loob nun ang isang apology letter," I explained. "Okay po, ma'am. May kailangan pa po ba kayo?" I shook my head "Pwede po bang magtanong?" Nahihiyang sabi niya sa'kin. "Ano yun?" "Saan po kayo pupunta?" She asked. "Magbabakasyon lang ako saglit," I answered. "Maging masaya po sana kayo sa bakasyon niyo," nakangiting sabi niya sa'kin. "Thank you." Tipid akong ngumiti. Lumabas na siya ng office ko kaya mag-isa na naman ako. Ginawa ko na lahat ng dapat kong tapusin para pagbalik ko ay hindi ako matatambakan ____ Mabilis na lumipas ang araw linggo na ngayon at bukas na ang pag-alis ko papuntang island kaya naman inaayos ko na lahat ng dapat kong ayusin dito sa kumpanya Kinuha ko ang bag na nasa gilid ko pati ang cellphone ko na nasa lamesa bago humarap sa secretary ko. "Ikaw na muna ang bahala dito. Sinabi ko naman na ang lahat ng dapat mong gawin," I said to her. "Okay po ma'am. Ingat po kayo," nakangiting sabi niya sa'kin. Tumango lang ako at lumabas na. Dumiretso ako sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko "Manong sa mall po tayo," sabi ko sa driver ko. "Okay po ma'am." Tumango siya at nag simula ng mag maneho. Tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag text. Mabilis na nagkaroon ng ngiti sa labi ko ng makita ko ang pangalan ng nag text "Ma'am nandito na po tayo." Napatingin ako sa labas ng bintana. Nandito na pala kami sa likod ng mall. Ang mall ko. Hindi kasi kami pwedeng dumaan sa harap ng mall dahil baka may makakilala sa'kin. Mabilis akong nag reply bago kunin ang shades ko pati ang hat ko na malaki. Kinuha ko ang purse ko at kumuha ng isang libo sa loob ng wallet ko. "Here manong." Inabot ko sa kaniya ang isang libo. "Thank you po ma'am," nakangiting niyang kinuha ang binigay ko bago lumabas at pag buksan ako ng pinto. Lumabas ako ng kotse at pumasok sa back door ng mall. Maraming staff ang bumati sa'kin. Ngiti lamang ang sina-sagot ko sa bawat pagbati nila sa'kin Pumunta ako sa paborito kong salon. Dinala naman nila agad ako sa vip room "Yung dati lang din," nakangiting sabi ko sa babaeng mag-aayos sa'kin. "Okay po," nakangiting sabi niya sa'kin. Kinuha ko ang magazine na nasa gilid. Napangiti ako ng makita ko ang sarili ko sa magazine. I should thank my high school classmates, kung hindi nila ako pinahirapan dati baka wala ako dito sa kinatatayuan ko ngayon, kung hindi dahil sa ginawa nila baka iba ang naging takbo ng buhay ko. Hindi siguro magiging ganito kasarap damhin ang achievements ko kung iba ang pag trato nila sa'kin dati Wala atang gabi ang hindi ako nag dasal na sana ay umayos ang buhay ko sa school. Gusto ko mang umalis pero sayang ang binigay na scholarship sa'kin ng principal at malaking opportunity ang pwede kong makuha kung makaka-graduate ako sa isang magandang university Bumuntong hininga ako bago pumasok sa loob ng room. Nakaka-isang hakbang palang ako ng may bumangga sa'kin kaya bumagsak ako sa sahig. Iindahin ko palang sana ang sakit ng balakang ko dahil medyo malakas ang pagkakabagsak ko sa sahig ng marinig ko ang sigaw ni Collins "Paharang-harang ka naman!" Inis na sigaw niya sa'kin. "Pangit na nga sagabal pa," ani ni Miggy na nasa likod lang ni Collins. Miggy Castanieda, bakla rin siya katulad nila Vince at Matty. "P-pasensya na," nakayukong paumanhin ko. Isa-isa kong pinulot ang mga gamit kong nahulog sa sahig pero napahinto ako ng maramdaman kong may humila sa buhok ko. "A-aray, C-collins m-masakit," nanginginig na sabi ko habang nakahawak sa kamay niyang nakahawak sa buhok ko. Mabilis niya namang binitawan ang buhok ko. "Humarap ka kasi sa'kin kapag kinakausap kita. Ganun dapat diba? Matalino ka pero wala kang manners." Hindi na ako sumagot dahil baka mas lalo lang siyang mainis sa'kin. Nag-umpisa lang naman siyang mainis ng sobra sa'kin nung naging partner ko siya sa isang subject at tinama ko ang maling naging sagot niya "Bakit hindi ka makasagot?" Tanong ni Miggy sa'kin. "Napipi na ata," sabi ni Jayzie na lumapit pa samin. "Inganga niyo tas hilahin niyo yung dila," sabi ni Maris na naka-upo sa upuan niya habang nanonood samin. Para talaga sa kanila isang nakakatuwang show ang ipahiya ako at saktan. Sa school lang talaga nato may malalalang taong katulad nila. Mayayaman naman sila at nasa sa kanila na ang lahat pero hindi nila kayang maging mabuting tao para sa mga taong hindi naging swerte katulad nil "Oo nga, bakit hindi natin gawin yun," nakangising sabi ni Samuel habang naka-akbay kay Jayne na nakangiti habang nanonood sa nangyayari. Napa-atras ako ng lumapit si Collins sa'kin. Humakbang pa ulit siya papalapit kaya mabilis akong tumakbo palabas ng room at dumiretso sa gate "Oh, bakit humahangos ka? May humahabol ba sayo?" Tanong ni tatay sa'kin ng makita niya ako. "W-wala po." Umiiling na sagot ko. Hindi ko sinasabi sa kanila ang nangyayari sa'kin, ang mga pambu-bully sa'kin ng mga ka-klase ko dahil alam kong mag-aalala lang sila sa'kin. Minsan inaasar sila ng mga ka-klase ko pero hindi nalang nila pinapansin yun dahil matagal naman ng ganun ang ugali ng mga tao dito sa school. Isang tao nga lang ang kilala kong naligaw dito at yun ay si Jacob, Jacob Ramirez. Siya lang ang naging mabait sa'kin at sa mga magulang ko "Sigurado ka ba?" Tanong ni tatay sa'kin. "O-opo. Babalik rin po ako sa klase mamaya," sagot ko. Alam kong naghihinala na sila tatay sa pambu-bully sa'kin ng mga ka-klase ko. Minsan kasi ay nakikita nila akong may basa or kung ano sa damit ko at madalas ding ipalinis nila Jayne ang kalat na ginawa nila kay nanay Narinig kong tumunog ang bell kaya nagpaalam na ako kay tatay na babalik na ako sa classroom "Umiiyak po ba kayo?" Mabilis akong napahawak sa pisngi ko dahil sa sinabi ng babaeng nag-aayos ng buhok ko. "No, I'm not crying," sagot ko tsaka tumingin sa magazine na binabasa ko. Ilang minuto pa akong nagtagal dun bago matapos ang pag-aayos sa buhok ko "Thank you," nakangiting sabi ko sa kaniya bago kunin ang glasses ko at isuot. Pumunta ako sa cashier at kumuha ng pera sa wallet ko. "Wag na po ma'am. Itinawag ko na po kay ma'am Rina, sagot na daw po ng salon, Pinasasabi rin po ni ma'am na salamat daw po kasi " ani niya habang umiiling "Sabihin mo she's always welcome and you know I don't like getting free stuff right? This is still business so tanggapin mo na. Yung sukli ibigay mo kay Che." Nilapag ko ang pera sa counter bago naglakad palabas ng salon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD