Chapter 26
JOSIELYN'S POV
Pwede ba mamaya 'wag mo ng isama si Marie? Baka kasi wala tayong magawa kung madi-distract ka sa kaniya," ani ko kay Rey.
Tumango naman siya. "Sige. Kakausapin ko si Marie."
"Sige, salamat." Naglakad na ako papasok sa room pagkatapos naming mag-usap
Mabilis na namang lumipas ang oras. Uwian na kaya nag meet kami ni Rey sa gilid ng school. May mga kubo at lamesa kasi dun tapos mahangin kaya masarap tambayan
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na niya kasama si Marie. Makakagawa na kami ng maayos. Sinimulan na agad namin ang pag gawa dahil parehas naming gustong maka-uwi ng maaga
Nang malapit na kaming matapos inaya ko siyang mag meryenda muna dahil nagugutom narin ako
"Ako nalang ang bibili," ani niya.
"Sige. Hotdog lang sa'kin na nasa bun tapos coke." Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at binigay sa kaniya.
"Hindi, libre na kita."
"Talaga? Salamat, ah," masayang sabi ko.
Ayos! Makakatipid ako! Paubos narin kasi ang allowance ko. Medyo mahal kasi ang pagkain sa school na to, eh
"Wala yun. Sige, bili lang ako." Tumalikod na siya at tumakbo paalis.
Ang swerte naman ni Marie kay Rey. Mabait siya tapos gentleman. Mapang-asar lang talaga pero mabait siya
Ilang minuto lang ay bumalik na siya dala ang pagkain namin. Kumain muna kami at nag kwentuhan saglit. Biglang humangin ng malakas. May pumasok na dumi sa mata ko kaya napapikit ako
"Napuwing ako," ani ko habang kinukuskos ang mata ko.
"Wait. Hipan ko." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mukha ko. Idinilat niya ang mata ko at hinipan ito.
"Ayan, okay na." Kumurap-kurap ako.
"MALANDI KA!" Nakarinig kami ng sigaw mula sa malayo kaya napalingon kami sa taong sumigaw.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Marie na tumatakbo papalapit sa'kin pero bago pa niya ako masaktan ay hinatak na agad siya ni Rey palayo sa'kin
"Ano bang sinasabi mo Marie?" Tanong ni Rey habang pinipigilan si Marie na lumapit sa'kin.
"Kaya pala gustong mong masolo ang boyfriend ko. Lumapit ka dito malandi! Akala mo kung sinong maganda, probinsyana naman! Amoy kang palay! Amoy lamang lupa!" Sigaw niya sa'kin.
Tumayo ako at tinuro siya. "Wala akong ginagawa diyan sa boyfriend mo! Tsaka anong gustong masolo? May activity kaming ginagawa! Baliw! Praning! At FYI lang, may hacienda kami, hindi magsasaka! At sating dalawa mas mukha kang lamang lupa!" Sigaw ko sa kaniya. "Rey, thank you for cooperating and please pakalmahin mo ang jowa mong mukhang palaka," ani ko kay Rey.
Tumingin ako kay Marie at inirapan siya. Kinuha ko muna ang mga gamit ko bago mag lakad paalis
"Bumalik ka dito! Hindi pa ako tapos sayo! Malandi!"
Pagkatapos nun nagpakalat siya at ang mga kaibigan niyang higad na inagaw ko daw si Rey. Kaya nagpakalat din ako ng rumor about sa kaniya. Na pangit siya kaya siya praning na baka iwan siya ni Rey. Isang linggo kaming pinag-usapan ng lahat. At madalas kaming punahin ng mga ka-klase namin
Nagka-ayos din kami-- nagka-ayos kuno-- dahil kay Jayne
"Magbati na kayo. We're classmates dapat hindi tayo nagkaka-gulo," ani niya.
Napa-irap ako dahil sa kaplastikan niya. Pwede niya naman kaming kausapin privately pero mas pinili niyang marinig ng iba naming ka-kalse para siya na naman ang bida. Naiinggit kasi siya na nasa samin ang atensyon ng lahat. Kulang ata sa pansin
"Mari, Jsosielyn, hindi ba kayo nahihiya? Akala tuloy ng iba super gulo ng section natin," ani niya pa.
"Oo nga naman," ani rin ng boyfriend niyang si Samuel. "Magbati na kayo."
"True! Si Marie kasi masyadong praning. Inaagaw mo ba si Rey sa kaniya?" Tanong ni Vincent sa'kin.
Kunwari pa siyang concern, gusto niya lang naman inisin si Marie at baka nga naiinis siya sa'kin dahil na-link ako kay Rey
"No, hindi ko nga gusto si Rey. Hinipan niya lang naman yung mata ko since napuwing ako. Masyado lang tamang hinala si Marie," sagot ko.
"Tamang hinala ka lang naman pala Marie," ani ni Vincent kay Marie.
"Syempre hindi siya aamin," masungit na sabi ni Marie.
"Babe, totoo ang sinasabi ni Josielyn. Ayaw mo lang maniwala," ani ng boyfriend niyang si Rey.
"Tsaka mabait si Rey, gentleman naman siya sa lahat ng kakilala niya," dagdag ko.
Sumang-ayon ang iba naming mga ka-klase kaya natuwa ako
"Yun naman pala Marie, eh. Tamang hinala ka naman pala. Dinamay mo pa si Josielyn," ani ni Julie.
"Yeah, right. Gusto niya lang naman ma-finish yung activity nila ni Rey. You should apologize to her Marie. What you did is so wrong," ani ni Jayne.
I smirk. Mag sorry ka ngayon Marie, praning kasi masyado ayan tuloy
"Ayoko nga," umiiling na sabi ni Marie.
"Ayaw mo Marie?" Seryosong tanong ni Jayne.
Malakas na bumuntong hininga si Marie bago humasarap sa'kin
"Sorry," hindi sincere na sabi niya.
"Grabe, tagos sa puso ang sorry mo, ah," ani ni Vincent sa kaniya.
Inirapan niya si Vincent at malakas na bumuntong hininga. Sorry lang di niya pa masabi? Gagawa kasi ng kagagahan, hindi naman pala marunong mag sorry
"I'm so sorry Josielyn. I thought kasi na hinalikan mo si Rey."
Kung hindi ko siguro kilala si Marie ay aakalain kong sincere na siya. Pero hindi plastik siya at mataas ang pride. Takot niya lang kay Jayne pag di pa siya nag sorry
"Wala yun, nagkakamali naman talaga tayo diba?" Sagot ko sa kaniya.
Gusto kong isuka lahat ng sinabi ko. Kadiri! Masyadong mabait. Natuto talaga akong maging plastik simula ng pumasok ako sa skwelahan na to. Kailangan kasi naming sumunod kay Jayne kung ayaw naming maging impyerno ang buhay namin. Mahirap din na magkaroon ka ng kaaway dahil baka pagka-isahan ka nila
Ang school na to at impyerno!
"Yes, babe. Super ganda mo," sagot ni Rey at hinalikan pa sa labi si Marie. Kadiri!
"Alam niyo naalala ko yung time na inaway ni Marie si Josielyn because akala niya inaahas ni Josielyn si Rey," Eyra said.
Wow! Talagang naalala pa nila yun ah
"Yeah, nag spread pa kayo ng maling rumor," I said.
"Hindi naman mali yun. Bakit mo naman kasi ipapahipan ang mata mo sa boyfriend ko," sagot ni Marie sa'kin.
Jusko! Ilang taon na ang lumipas mukhang di parin nawawala ang pagka-praning niya at ang galit niya sa'kin
"Kamusta na nga pala yung hacienda niyo Josielyn?" Tanong ni Eyra sa'kin.
"Okay lang naman. Malakas parin ang benta namin sa mga furits and vegetables," sagot ko.
Bakit bigla niyang natanong ang buhay ko?
"Alam niyo dapat after ng reunion na to pumunta tayo dun." Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Jayzie.
"Good idea," ani ni Thalia.
"Oo nga, gusto kong makapunta sa probinsya. Fresh air dun diba? Hindi katulad sa Manila, napaka polluted ng air," ani rin ni Joy.
"Oo nga, probinsya life sounds nice," sumang-ayon rin si Elize. "Anong masasabi niyo?" Tanong niya sa iba naming mga ka-klase.
Isa-isa silang sumang-ayon kaya halos manlamig ako
"Anong masasabi mo Josielyn?" Tanong ni Elize sa'kin.
"Sure, pwede naan," nakangiting sabi ko.
"Bakit mas gusto niyo sa province? Ayaw niyo ba sa resort?" Tanong ni Jayne.
Syempre ayaw niya sa probinsya. Maarte siya, eh
"Resort? Nakakasawa na kaya yung resort. Mas maganda kung bagong experience right?" Sagot ni Elize sa kaniya.
Mag-aaway ba sila? Kasi ready naman akong makinig sa away nila
"Kung ayaw mo pwede namang kami nalang," dagdag ni Elize.
"Kayo guys, gusto niyo ba sa province kaysa resort?" Tanong ni Jayne sa kanila.
"Ako resort," ani agad ni Rain.
"Province," anni naman ni Josielyn.
Sa huli mas maraming pumili ng province kaya wala ng choice sila Jayne
"Okya lang ba sayo Josielyn?" Tanong ni Jayzie sa'kin.
"Oo naman," sagot ko.
Tsk. Ano bang naisip nila at gusto nila sa probinsya namin!