Chapter 27
ELIZE'S POV
"Pag-usapan nalang natin yan after ng reuinon natin," Joiselyn said.
"Oo nga. Anyway, grabe nakaka-miss ang school. I think after this, we need to visit the school," Julie said.
Gusto kong tumawa dahil sa sinabi niya. Sila lang naman ang nakaka-miss sa school na yun. Pulos bad memories lang ang natatandaan ko sa school na yun. May mga good memories dahil kila nanay, tatay at sa kaisa-isang kaibigan kong si James. Sila lang talaga ang dahilan kung bakit ako nakatagal sa school na yun pero sana pala nakinig nalang ako kila nanay at tatay
Bigayan na naman ng card at katulad dati ako parin ang top 1 kaya tuwang-tuwa sila nanay at tatay sa'kin. Dalawa pa talaga silang um-attend sa meeting kaya naman sobrang saya ko
"Bakit ang saya mo?" Napatingin ako kila Jayne ng lapitan nila ako.
Yumuko lang ako at hindi sumagot sa kaniya
"I'm taking to you." Inangat niya ang mukha ko gamit ang hawak niyang pamaypay tsaka ito hinampas sa pisngi ko. "Masaya ka ba dahil top 1 ka na naman? Nerd ka talaga no? If I we're you, kahit top 1 ako hindi ako magiging happy, lalo na't yang mukhang yan ang araw-araw kong makikita sa salamin," pang-iinsulto niya sa'kin.
Tumawa naman ang mga kasama niya
"Sa true!" Matty said.
"Baka kasi walang salamin sa kanila kaya hindi niya alam kung gaano siya kapangit," Ariel said.
"Siguro nga," Jayne said. "Cheska, salamin," utos niya kay Cheska.
Inabutan naman agad sya ni Cheska ng salamin
Hinarap niya sa'kin ang salamin na binigay ni Cheska sa kaniya. "Nakikita mo ba ang mukhang yan? Siguro naman ngayon alam mo na kung gaano ka kapangit? Or baka makalimutan mo pa? Don't worry kasi I'll give this mirror to you para naman ma-remind mo ang sarili mo na you are so ugly." Nilapit niya lalo ang salamin sa mukha ko hanggang sa dumikit ito sa balat ko.
Lumayo ako sa kanila kaya nahulog ang salamin pero hindi naman nabasag
"Ayaw mo ba ng gift namin?" Tanong ni Jayne.
"G-gusto," utal na sagot ko.
"Then take it."
Umupo naman agad para kunin ang salamin pero ng dadamputin ko na ito ay pinatigil niya ako
"Pulutin mo gamit ang bibig mo," ani ni Jayne.
"Ohh!" Sigaw nila Julie na tuwang-tuwa na naman sa nangyayari.
Naka-upo lamang ako at hindi alam ang gagawin. Ayoko namang sundin ang utos nila pero pag hindi ko yun ginawa baka kung ano na naman ang gawin nila sa'kin
"Bingi--- ELIZE!" Napahinto sila ng marinig nila na may tumawag sa'kin.
Pumalakpak ang tenga ko ng marinig ko ang boses ni James. Thank you lord! Maraming salamat po!
Inalalayan niya akong tumayo at chineck kung may sugat ba ako. "Okay ka lang ba? Anong nangyari? May ginawa na naman ba sayo ang mga to?" Tumingin siya kila Jayne na nasa harapan namin.
Halatang hindi sila masaya na hindi ko nagawa ang gusto nila. Kitang-kita ko yun sa taas ng kilay ni Jayne habang nakatingin samin
"What's happening here?" Lumapit sila Samuel kila Jayne.
"Wala naman, babe. May mga losers lang sa paligid. Tara na guys, sayang oras natin sa dalawang loser na to," Jayne said. Inirapan niya pa ako bago maglakad paalis.
Ano ba talagang problema nila? Para talagang ikamamatay nila kapag nakita nila akong masaya