Chapter 27
"Ang dami nating memories sa school na yun," ani ni Kiya.
"Yes. Anyway, Elize," tinawag ako ni Julie kaya napatingin ako sa kaniya. "Anong feeling ng maging ceo ng maraming business?" Tanong niya sa'kin.
"Super busy, super hectic ng schedule kaya buti nalang may assistant ako para i-remind ako sa mga dapat kong gawin," sagot ko sa kaniya. "By the way." Lumingon ako kay Rain na nasa tabi lang nila Jayne. "Sorry pala Rain, I heard kasi na yung isang project mo ay binigay sa'kin."
Nakita kong kumuyom ang kamao ni Rain dahil sa sinabi ko. Napatingin rin sa kaniya ang mga ka-klase namin at kitang-kita ko ang panghu-husga sa mga mata nila. Diyan naman sila magaling, eh. Kaya nga sinigurado kong maganda ang lahat dito sa island dahil kung pangit malamang ay iinsultuhin nila ako. Malaki rin ang gastos ko sa reunion namin na to, siguro naka seven hundred thousand to eight hundred thousand ako. Pinabago ko kasi yung rooms, bumili ako ng kakain namin dito for one week, nagpahanda pa ako ng maraming pagkain para ngayong araw and yung sahod pa ng mga taong kinuha ko para mag linis, mag bago ng bahay na to at kung ano-ano pa. Feeling ko nga naka one million na ako dun palang sa rooms. Lahat kasi ng gamit sa kwarto namin ay bago at pinagawa ko pa
Tipid na ngumiti sa'kin si Rain. "Okay lang. Marami din naman akong project so baka hindi ko narin matanggap yun," sagot niya.
"Really? Akala ko ba gustong-gusto mo yung project na yun? Yun kasi yung sabi sa'kin. If you want, pwede ko namang ibigay sayo yung project na yun kung gusto mo," I said.
"Really? Ang bait mo naman," gulat na sabi niya.
"No problem. Pag-uwi ko sa manila, sasabihan ko nalang sila na hindi ko na kukunin yung project at ire-refer kita," nakangiting sabi ko.
"Ang bait mo talaga Elize," Kiya said.
Ngumiti lang ako sa kaniya
"Oo nga," sumang-ayon din si Joy.
Kanina ko pa napapansin na patingin-tingin siya sa singsing na suot ko
"Gusto mo bang hawakan?" Tanong ko sa kaniya.
"Pwede ba?" Parang kumislap ang mata niya dahil sa tanong ko.
"Sure basta ingatan mo lang. This ring is precious." Hinubad ko ang suot kong singsing at maingat na inabot sa kaniya. Kinuha niya naman ito at tiningnan mabuti.
Nakatingin narin ang mga kasama namin
"Kumikinang talaga, oh," ani ni Jasmine.
"Babe, pag nag propose ka sa'kin gusto ko ganiyan ah," ani ni Marie kay Rey.
"Oo naman, babe," nakangiting sagot ni Rey.
"Ako din, gusto ko mas malaki diyan," Thalia said.
"Sure, gusto mo mas malaki pa sa kamay mo yung bato," biro ni JP kaya natawa kami.
Sumimangot si Thalia at pinalo siya sa braso. "Ewan ko sayo."
"Ako kahit small lang yung bato. Baka manakaw kapag masyadong malaki," Eyra said.
"Tama baby, baka mapahamak ka lang," Jeco agreed to his girlfriend.
"Wala ka lang pambili," Yuris said.
"Anong wala?" Tanong ni Jeco sa kaniya.
"Sigurado mahal yang singsing ni Elize," ani ni Yuris.
"Oo nga. Alam mo ba kung magkano to?" Tanong ni Joy sa'kin.
"Hindi niya sa'kin sinabi yung exact price pero sabi niya nasa six digits daw," I answered.
Napa-whoah naman silang lahat
"Sobrang yaman naman ng boyfriend mo." Binalik niya sa'kin ang sinsing kaya kinuha ko na ito at sinuot.
"Yes, he also own different businesse just like me," proud na sabi ko.
"Relationship goals," Sheyn said.
"Yes, we helped each other kaya hindi ako makakarating sa kinatatayuan ko kung hindi dahil sa kaniya," nakangiting sabi ko habang bumabalik sa ala-ala ko yung mga panahon na nag su-suffer ako pero hindi niya ako iniwan.
"Sana all!" Kinikilig na sabi nila Yassy, Jelly, Jayzie, Josielyn.
"Gusto ko rin ng ganiyan," ani ni Maris.
"Ay akala ko gusto mong tumandang dalaga," asar ni Miggy sa kaniya.
"Kailan ko naman sinabi yan?" Mataray na tanong ni Maris sa kaniya.
"Para ka kasing tomboy. Mas mukha pa nga akong babae sayo, eh. Konting transformation nalang babaeng, babae na ko,"proud na sab ni Miggy at rumampa pa sa harapan namin.
"Magpapalagay ka ng ari ng babae?" Tanong ni Jeff. "Pwede yun diba?" Tanong niya samin.
"Yes, pwedeng pwede," si Miggy na ang sumagot. "At plano namin ng boyfriend ko na gawin yun para naman mas masarap ang loving loving namin." Kumindat siya samin.
"Yuck," halos masuka na sabi ni Cheska. "Wag ka ngang feeling Miggy," ani niya.
"Di mo lang matanggap na mas maganda ako sayo," sagot ni Miggy sa kaniya.
Tumawa si Cheska. "Mas maganda pa ang kuko ko sayo sis," sagot niya pabalik.
"Tama na nga yan, mas maganda parin si Elize," awat ni Jeff sa kanila.
"Yun, eh! Makabanat lang talaga," Maris said.
I laughed. "Sorry, Jeff. Someone owns my heart," ani ko.
"Nagiging totoo lang. Grabe kayo sa'kin," depensa niya.
Natawa nalang kami sa kaniya.
"Ano na nga pala nangyari sa inyo ni James?" Tanong ni Joseph.
"Oo nga no. Bigla siyang lumipat nung malapit na tayong magtapos," Samuel said.
"Boyfriend mo ba talaga siya?" Tanong ni Jasmine.
"No, he's just my friend," sagot ko.
"So, nagsinungaling ka?" Tanong ni Jayne sa'kin.
"Oo nga no? Kasi sabi mo boyfriend mo siya," ani din ni Julie.
"Mali ata ang naaalala niyo. I never said that he's my boyfriend. Siya ang nag sabi na girlfriend niya ako. Right Samuel? Diba sa inyo sinabi ni James yun?" Tanong ko kila Samuel.
"Oo ata," sagot ni Samuel.
"So, bakit siya lumipat?" Tannong ni Ariel.
"Nakalimutan ko na pero personal problems ata," sagot ko sa kaniya.
"Let's just enjoy the food guys," singit ni Jayne.
"Oo nga naman," ani ni Jasmine habang patuloy sa pagkain.
Ang laki lang ng pinagbago namin pagdating sa physical appearance pero sa ugali, masasabi kong ganun parin sila. Ano kayang kalalabasan ng reunion na to
***********************************
JAYNE'S POV
After naming kumain nagaya-yaan kaming mag swimming sa dagat kaya naman niligpit na nila ang pinagkainan namin at umakyat naman ako sa taas paramagpalit na. Yung iba tapos na tumulong ay umakyat narin para hindi magka-siksikan sa banyo
Pagkatapos kong mag bihis sinuot ko muna ang swimsuit cover-up ko at lumabas na ng kwarto. Sila Cheska at Julie ay nasa kwarto pa samantalang yung iba ay nasa baba
Paglabas ko ay nakita ko si Maris na pababa ng hagdan. Gusto ko siyang itulak ng mawala na ang problema ko pero hindi pwede yun
"Maris," tinawag ko siya kaya napalingon siya sa'kin.
"Jayne." Ngumisi siya ng makita ako. "Bakit?"
"Let's talk." Hinatak ko siya pababa.
Hindi naman siya umangal at nagpahatak lang sa'kin. Dinala ko siya sa walang tao para walang makarinig ng pag-uusapan namin
"Bakit mo ako gustong makausap?" Tanong niya sa'kin.
"Ano yung sinasabi mong sasabihin mo kay Elize?" Seryosong tanong ko sa kaniya.
"Narinig ko kayo dati," nakangising sabi niya.
"Anong narinig mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Bakit ko sasabihin sayo? Kay Elize ko na sasabihin yun," ani niya.
"What do you want Maris," mariing tanong ko sa kaniya.
Lumawak ang ngisi sa labi niya. "Wala akong gusto. Ang gusto ko lang, malaman na ni Elize ang totoo."
Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso niya. "Subukan mo," banta ko sa kaniya.
"Gagawin ko talaga." Halatang mas lalo niya pa akong iniinis.
Hindi pwede to!
"Anong kailangan mo? Pera? Magkano? Sabihin mo sa'kin ibibgay ko sayo basta tumahimik ka lang." I sound desperate but I don't care.
"Wala ka naman ng pera kaya anong ibabayad mo sa'kin?" Tanong niya sa'kin.
"Marami akong pera. May savings ako, kayang-kaya kitang bayaran kaya sabihin mo sa'kin kung magkano ang kailangan mo para tumahimik ka."
Tumingin siya sa taas na parang nag-iisip. "Fifty thousand monthly."
Hindi agad ako nakapag-react sa sinabi niya. Saan ako kukuha nun?!
"Ano? Deal or no deal?" Inip na tanong niya sa'kin.
'Fine. Pagbalik natin sa Manila nasa sayo na agad ang pera mo." Hinatak ko siya ng konti papalapit sa'kin. "Pero kapalit nun ay tatahimik ka. Subukan mo lang na lumabag sa deal natin." Padabog kong binitawan ang braso niya tsaka naglakad palayo.
O my gosh! Anong gagawin ko!
******************************
MARIS POV
Tiningnan ko muna kung nakalayo na si Jayne bago ako tumawa at tumalon dahil sa tuwa
"Yes! Yes!" Tuwang -tuwang sabi ko.
Hinampas-hampas ko pa ang pader dahil sa tuwa. Hindi ko na kailangan gumawa ng kung ano-anong trabaho!
Simula ng makapag tapos ako ng highschool ay hindi na ako nag-aral ng college dahil wala naman kaming pera. Natanggal kasi sa trabaho si papa dahil nalaman nilang nagnanakaw pala siya kaya ayun umalis kami sa bahay namin dahil hinuhuli na siya. Nagbago din kami ng gupit at kulay ng buhok para hindi kami makilala
Buti nga at tapos na ako sa highschool ng mangyari yun dahil baka hindi pa ako nakapag tapos kung sakali. Buti din hindi nila nalaman yung nangyari dahil sigurado akong magagaya ako kay Elize pag nangyari yun
Mabuti nalang at hindi ako maarte katulad nila Jayne at ng iba ko pang mga ka-klase kung hindi napag tripan ako dito sa squatter's area
Sumama ako sa mga kaibigan kong mamalimos at magnakaw. Wala naman akong choice dahil kung hindi ko gagawin yun wala kaming kakainin. Si papa maliit nalang ang sweldo dahil sa pabrika lang naman siya nagtra-trabaho. Si mama naman ay tambay lang sa bahay
Gusto ko sanang mag-aral pero ayaw naman nila. Lagi nilang sinasabi na wala na kaming pera kaya tinapon ko nalang buhay ko
"Hindi ba tayo pupunta mamaya sa divisoria?" Tanong ko sa mga kaibigan ko.
"May manghu-huli mamaya. Baka gusto mong mahuli tayo," ani ni Marj sa'kin.
"Tsk, e'di mag-ingat. Para namang hindi pa tayo sanay sa ganito," ani ko sa kanila.
Binuga ni Marj ang usok bago sumagot sa'kin. "Gipit ka ba ngayon?" Tanong niya sa'kin.
"Medyo, gusto ko kasing bumili ng bagong cellphone," sagot ko sa kaniya.
"Bagong cellphone? Bakit? Sira na ba yung sayo?" Tanong nya sa'kin.
"Naibagsag ko kasi. Tsaka may bagong labas yung iphone, yun ang gusto ko," sagot ko sa kaniya.
"Yung mahal pa talaga ang gusto mo, ah. Patingin nga ako ng cellphone mo."
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko at inabot ko sa kaniya
"Basag na nga." Tumatangong sabi niya. "Oh, may nag email sayo."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sino namang mag e-email sa'kin?
Kinuha ko mula sa kamay niya ang cellphone ko at tiningnan yung nag email sa'kin. Mas lalo lang kumunot ang noo ko ng makita ko ang pangalan ni Cheska
"Sino ba yan?" Tinapon ni Marj ang hawak niyang sigarilyo at nakitingin.
"Dati kong ka-klase to." Pinindot ko na ang email niya. Mabagal na ang cellphone ko kaya inabot ng ilang segundo bago lumabas ang email niya
"Oh reunion pala," Marj said.