Chapter 28
May reunion kami?
"Sana all may reunion!" Sigaw ni Marj.
"Tumahimik ka nga muna. Babasahin ko pa yung email, oh," pagpapatahimik ko sa kaniya.
Putcha may meeting daw kami sa wednesday!
"Diba mayayaman ang mga ka-klase mo?" Tanong niya sa'kin.
"Oo! Bwisit." Inis na sabi ko at wpumadyak sa sahig. Hindi nila pwedeng malaman na ganito Z,,a ako, anak ng magnanakaw! Baka mapatay ko pa sila kapag inasar nila ako at baka mag sumbong pa sila sa pulis.
"Oh, bakit ka naman naiinis? Ayaw mo ba silang makita?" Tanong ni Marj sa'kin.
"Panong hindi ako maiinis? Mas kailangan ko ngayon ng pera," inis na sagot ko sa kaniya.
"Kumalma ka nga." Kumuha siya sa bulsa niya ng sigarilyo at binigyan ako.
Kinuha ko ito at sinindihan. Lagi talaga akong may dalang lighter para hindi na ako nakikihiram sa iba pag naninigarilyo ako
"Paano ako kakalma? Hindi nila ako pwedeng makita ng ganito?!" Sagot ko sa kaniya.
"Bakit naman hindi? Basta 'wag mo nalang sabihin yung ginagawa mo ngayon." Umiling ako sa sinabi niya.
"Hindi pwede. Maarte at matapobre ang mga yun . Mamatahiin ka nila kapag nakita ka nilang walang narating," sagot ko sa kaniya.
"Eh diba yung isa mong ka-klase pabagsak na yung company?" Tanong niya sa'kin.
"Oo, pero sigurado akong ide-deny niya yun," sagot ko sa kaniya. "Paano ng gagawin ko?"
"Malaking pera nga ang kailangan mo. May alam ako kaso baka hindi mo yun gusto pero magiging malaking tulong talaga sayo yun. Kung kukulangin padin handa naman akong pahiramin ka." Kinuha ni Marj sa kamay ko ang sigarilyo at hinithit ito.
"Ano namang trabaho yan?" Tanong ko sa kaniya.
"Sumama ka sa'kin mamayang gabi para malaman mo. Sige, alis nako." Kumaway siya sa'kin at naglakad palayo.
"Hindi mo ba talaga ako sasamahan?" Tanong ko sa kaniya.
"Ayoko pang makita si satanas!" Sigaw niya sa'kin pabalik.
Pumara ako ng jeep at sumakay. Sa divisoria ako nagpababa, mabilis ang kamay ko kaya kahit ilang taon ko na tong ginagawa hindi padin ako nahuhuli kahit isang beses. Nakihalubilo ako sa mga tao. Lahat ng mga taong nakikita kong sa tingin ko ay may pera ninanakawan ko. May dala akong blade at hinihiwa ko lang yung mga bag nila para makuha ko yung wallet nila. Kinuhukuha ko rin yung relo nila
Nang madami na ako ay pumunta ako sa banyo para tingnan ang mga nakuha ko. May nakuha akong tatlong cellphone, tatlong wallet, dalawang relo at isang bracelet. Tinanggal ko agad yung mga sim ng mga cellphone na nakuha ko para di na sila makatawag. Sunod kong binuksan ang mga wallet. Three hundred lang ang laman ng isa. Seven hundred yung isa tapos three thousand naman yung huli
"Tsk, konti," inis na bulong ko.
Binalik ko na lahat sa bag ko bago lumabas ng banyo. Pumunta ako sa gilid at patagong tinapon ang mga wallet na nakuha ko. Wala naman na akong gagawin sa wallet nila. Pagkatapos ay pumunta ako sa kaibigan kong pinagbe-bentahan ko ng mga cellphone, relo, bracelet
"Oh, bat nandito ka? May mga pulis ngayon, ah," sabi niya ng makita niya ako.
"Magaling ako, eh." Pinakita ko sa kaniya yung bag ko kung saan nakalagay ang mga ninakaw ko.
"Nakapag trabaho ka talaga kahit wala si Marj."
"Syempre. Kailangan ko ng pera, eh. Tsaka kilala mo naman yun, takot sa pulis kaya kung aasa ako sa kaniya baka mamatay ako sa gutom," sagot ko. "Tingnan mo na nga to." Nilabas ko ang cellphone, relo at bracelet na nakuha ko.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nanakaw ko. "Yung relo fake kaya hindi kita mabibigyan ng malaking pera para dito. Yung bracelet totoo kaya jackpot ka dito. Saglet, tingnan ko lang yung cellphone kung okay ba."
"Matagal ba yan?" Tanong ko sa kaniya.
"Baka nga bukas pa to matapos. May password, eh." Pinakita niya sa'kin ang cellphone. "Dapat kasi kuhanin mo yung walang password."
"Malalaman ko pa ba yun?" Tanong ko sa kaniya. "Bigay mo lang sa'kin yung bayad."
"Ano ka? Baka mamaya may sira pa to."
"Edi ibabalik ko yung sobra. E'to parang ginugulangan," sagot ko sa kaniya. "Tsaka gipit ako ngayon. Kailangan ko talaga ng pera."
"Aanhin mo naman?" Tanong niya habang kinakalikot ang cellphone na binigay ko.
"May pag gagamitan. Ano na? Bayad mo?" Nilahad ko sa harap niya ang kamay ko.
"Eto na nga. Ibalik mo sa'kin tong abono ko, ah."
"Oo na bilis!" Inip na sabi ko.
"Eto na nga, oh." Inabot niya sa'kin ang perang kinuha niya sa bag niya.
Binilang ko agad yun. "twenty five thousand lang?"
"Oo, di naman iphone tong nakuha mo," sagot niya sa'kin.
"Tsk. Kuripot. Alis na ko." Kumaway ako sa kaniya bago mag lakad papunta sa sakayan.
Ano kayang trabaho ang ibibigay ni Marj sa'kin?