Island

2153 Words
Chapter 18 THIRD PERSON'S POV "Guys yung island!" Sigaw ni Marie habang nakaturo sa island na nasa harapan na nila. "Ang laki!" Namamanghang sabi ni Maris habang nakatingin sa islang nasa harapan nila. "Big time na talaga si Elize!" Ani ni Jeco. "Magkano kaya ang island na yan?" Tanong naman ni Jasmine habang may hawak na chips. "Itanong natin mamaya kay Elize," Jelly said. "Speaking of Elize, nasaan na ba siya?" Tanong ni Thalia sa mga kasama. "Hey!" Tinawag ni Cheska ang isamg bantay na nasa gilid. "Nasaan na si Elize?" "Papunta na po," sagot ng lalaking timawag ni Cheska. "Oh, narinig niyo naman siguro ang sinabi niya diba? Papunta na daw," ani ni Cheska sa mga kasama. "Pa-VIP pa kasi," inis na sabi ni Jayne. "VIP naman talaga siya," sagot ni Maris sa kaniya. "What the hell is your problem ba? Kung makapag salita ka parang best friend mo si Elize kung ipagtanggol mo. Do you want her money? Kasi I can give you if you want. Nakakasuka ang pagiging plastic mo Maris," sarkastikong sabi ni Jayne. "Wow! Kayo lang naman ang plastic sa batch natin. Kayong pito." Tinuro niya ang pitong magka-kaibigan. "Excuse me?" Tumaas ang kilay ni Julie sa narinig. "Anong tawag mo sa ginagawa mo ngayon? Balimbing. Akala mo ba bibigyan ka ng pera ni Elize? Sa dami mg ginawa mong mali sa kaniya noong highschool baka nga tawanan ka lang niya kapag nanghingi ka!" Sigaw ni Vince sa kaniya. "Bakit ba puro kayo pera? Halatang halata ang mga pangangailangan niyo, ah." "I think mas need mo ng money kaysa samin," Ariel said. "Hindi naman pera ang gusto ko. May guato lang akong itama," ngumisi si Maris at direktang tumingin kay Jayne. Nagtinginan ang lahat kay Jayne. Ang iba ay nagtataka rin kung ano ang ibig sabihin ni Maris "What are you saying?" Tanong ni Jayne sa babaeng kaharap. "Wala naman." Umiling si Maris bago talikuran si Jayne. "Malapit na po tayo," paalala ng isa sa mga bodyguard ni Elize. "Anong sinasabi ni Maris?" Tanong ni Rain sa mga kaibigan. "Ewan namin." Kibit balikat na sagot ni Cheska. "I don't know what she's saying," Julie answered. "Nababaliw lang ata," ani ni Vince. "Gipit siguro," ani ni Matty kaya natawa silang pito. "Yeah, gipit lang ang babaeng yun kaya kung ano ang pinagsa-sasabi. Tsk, pwede naman siyang manghiram sa'kin. Bakit pa siya lalapit kay Elize," ani ni Jayne. "Wala karin namang maipapahiram," mahinang bulong ni Julie. "Are you saying something?" Tanong ni Jayne sa kaniya. "Wala naman." Nakangiting umiling si Julie. Kinuha na nila ang mga gamit nila at naghanda dahil malapit na sila sa isla. Nang huminto ang sinasakyan nilang yate bumaba na sila "Wow! Ang ganda," ani ni Jelly habang nakatingin sa mga punong nakapalibot sa isla. "Omygosh, safe ba dito? Puro puno, nasaan ang house? Baka mamaya may ahas pa dito," nakangiwing sabi ni Jayne habang nakatingin sa paligid. "Wag po kayong mag-alala pina-check po ni m'am Elly samin ang lugar na to at ang bahay po ay nasa gitna. Natatabunan lang po ng mga puno kaya hindi niyo makita," sagot ng isa sa mga bodyguard ni Elize. "Speaking of Elize, nasaan na ba siya?" Tanong ni Julie sa lalaki. "Malapit na po." Saktong pagkasagot niya ay may narinig silang ingay sa ere. Tunog ng isang helicopter. Mabilis silang tumingin sa kalangitan. May papalapit na helicopter sa isla at mukhang mag la-land ito sa isla dahil habang lumalapit ay bumababa ito "Yung buhok ko!" Sigaw ni Eyra habang nakahawak sa buhok niya. "Nakapalda ako, eh!" Sigaw naman ni Rain habang nakahawak sa baba ng palda niya para hindi ito umangat. "Ano ba naman yan!" Inis na sigaw ni Vince. Unti-unting bumaba ang helicopter sa harapan nila. Lumapit ang mga bodyguard dito at inalalayang bumaba si Elly "Hi guys," nakangiting bati ni Elly sa mga dating ka-klase. Tinanggal niya ang suot na shades at tiningnan ang mga mapanghusgang mata na nakatingin din sa kaniya niya. "Pasikat," bulong ni Jayne. "Bakit kailangan niya pa mag chopper," sabi naman ni Julie sa isip niya. "Yabang," Matty said in his self. *************************** ELLY'S POV Pag land ng sinasakyan kong chopper pinuntahan agad ako ng mga bodyguards ko at inalalayan pababa Lahat sila ay nakatingin sakin. Ang iba ay nakatulala pa sakin "Hi guys," I greeted them and take off my sunglasses. "Sayo yan Elize?" Tanong ni Jasmine sa'kin. May hawak siyang chips at soda sa kamay niya. Hindi parin pala siya nagbabago. Sabagay halata naman sa katawan niya. Mas lumaki pa nga siya. Naalala ko tuloy kung gaano siya katakaw dati. Kinuha niya pa ang pera ko dahil lang natapon ko ang pagkain niya Naglalakad ako palabas ng cr nang may bumangga sa'kin. Hindi ako nakahanda kaya bumagsak ako sa sahig "Yung pagkain ko!" Sigaw ni Jasmine. Napangiwi agad ako ng marinig ko ang boses niya. Lagot na naman ako. Galawin mo na ang lahat ng gamit ni Jasmine 'wag lang ang pagkain niya. Mahilig kasi siyang kumain at pinaka-ayaw niyang kinukuha ang pagkain niya mula sa kaniya "Bwisit ka talaga!" Sigaw ni Jasmine sa'kin. Bago pa ako makaiwas o makatakbo binuhusan niya na ako ng coke sa ulo "Bakit ba kung saan saan ka sumusulpot? Natap on pa ang pagkain ko dahil sayo! Alam mo bang nakalimutan ko ang wallet ko sa bahay at yan lang ang baon ko tapos natapon pa dahil sayo!" Inis na sigaw niya. Napapatingin at napapahinto na ang mga students para manood Mabilis akong umupo at kinuha ang mga gamit kong nagkalat sa sahig. Nang makuha ko na lahat ay tumayo na ako. "S-sorry J-Jasmine p-papalitan ko nalang," nakayukong sabi ko sa kaniya. Kinuha ko ang baon ko sa bag ko at inabot sa kaniya. "E-eto." Padabog niyang kinuha ang lunch box ko at binuksan. "Ano to?" Kunot noong tanong niya sa'kin. "G-gulay," I answered. "Alam ko gaga! Anong tingin mo sa'kin bobo? Ayoko nito! Mukha bang kumakain ako ng pagkain ng mahihirap." Binato niya ang lunch box sa sahig kaya tumapon ang laman nitong pagkain. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Hinanda sa'kin ni nanay ang pagkain na yun! "Pera ang ibigay mo sa'kin." "W-wala akong p-pera." Umiiling na sagot ko. "Anong wala? 'Wag mo nga akong lokohin." Kinuha niya ang bag ko pero hinatak ko ito. "Bitawan mo," mariing sabi niya sa'kin. "J-jasmine w-wala nga akong p-pera," sabi ko habang hinahatak ang bag ko. "Ibigay mo sa'kin ang bag mo." "A-ayoko." "Ayaw mo ah." Sinipa niya ang tuhod ko kaya nabitawan ko ang bag ko. Hinawakan ko ang tuhod ko at kinagat ang pang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. Ang lakas kasi ng pagkaka-sipa niya sa'kin. Paniguradong magkaka-pasa ako nito mamaya "J-jasmine p-parang a-awa mo na i-ipon ko yan," I pleaded. "Wala akong pake. Sana kasi marunong kang tumingin sa dinadaanan mo para hindi kung sino sino ang nababangga mo." Binuksan niya ang bag ko at hinanap ang wallet ko. Tinapon niya sa sahig ang bag ko ng makita niya na ang wallet ko "E'to lang ang pera mo? Three hundred? Ang liit naman ng baon mo. Nasaan ang iba mong pera?" "W-wala. A-akin na yan J-jasmine nag iipon kasi a-ako." Sinubukan kong kunin ang wallet ko sa kamay niya pero nilayo niya lang ito sa'kin. "Ano namang pag-iipunan mo? Pampaganda? 'Wag mo ng subukan, wala ka ng pag-asa." Kinuha niya ang laman ng wallet ko at binato sa lapag ang wallet ko. "Try mong magpabili ng new wallet. Mukhang noong panahon pa ng mga dinosaur ang wallet mo, eh." Tumalikod na siya at naglakad paalis. "J-Jasmine!" Tinawag ko siya at hinabol. Hinawakan ko ang braso niya para huminto siya sa paglalakad "Eww, kadiri yung kamay mo!" Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya at lumayo sa'kin na para akong virus. "Y-yung p-pera k-ko." "This is mine now. Tinapon mo yung pagkain ko diba?" "P-papalitan ko nalang ng i-iba." "Ayoko nga diba? Bat ang kulit mo?!" Inis na sigaw niya sa'kin. "Kapag humarang ka pa sa dadaanan ko makakatikim ka na sa'kin." "J-Jasmine--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sampalin niya ako. Hinatak niya ang buhok ko at padabog itong binitawan kaya napa-upo ako sa sahig. Ramdam ko ang sakit ng pisngi ko dahil sa ginawa niya "Kawawa naman siya." "Ang kulit kasi." "Si Elize yan diba?" "Ayaw pa kasi umalis dito, hindi naman siya bagay dito." Ilan lang yan sa bulungan ng mga students na nanonood lang samin imbes na tulungan ako. Lagi naman silang ganiyan, sanay na akong walang kakampi sa school na to "Kasalanan mo yan, ang kulit mo kasi," ani ni Jasmine at sinipa pa ang binti ko bago lumakad paalis. "Jasmine!" Sinigaw ko ang pangalan niya pero hindi niya ako nilingon. "Jasmine pera ko yan!" I shouted pero naglakad lang siya na parang walang naririnig. Napa-iyak ako dahil sa inis. Bakit ba hindi ko sila malabanan? "Elize?" "J-James, y-yung pera k-ko," humi-hikbing sumbong ko kay James. "Hayaan mo na yun. Papalitan ko nalang. Tara na." Tinulungan niya akong tumayo at maglakad paalis sa lugar na yun. "Yes, this is one my helicopters," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Pasakay naman kami!" Ani ni Jelly at lumapit sa helicopter ko pero bago niya pa mahawakan ito ay humarang na ang bodyguard ko. "Sure, paglabas natin ng island." I smiled and turn to one of my bodyguards. "Ilabas niyo na ang mga gamit ko." "Opo ma'am Elly." Tumingin ulit ako sa mga kasama ko. "Tara na sa bahay." Sinuot ko ulit ang shades ko at naglakad papunta sa bahay na nasa gitna ng island. "Guys, medyo luma na ang bahay na tutuluyan natin kasi alam niyo naman na kabibili ko palang nito so kung magpapagawa ako ng new house baka wala tayong tulugan. So, pina-ayos ko nalang muna. Don't worry the house is safe," paliwanag ko sa kanila habang naglalakad kami. "Baka lumindol lang ng konti mawasak na yung bahay, ah." Huminto ako sa paglalakad at tumingin kay Jayne. "As I said earlier it's safe pero if you don't want to sleep in that house pwede naman nating ganapin sa ibang place ang high school reunion natin. I heard may island din na pag ma-may ari ang family niyo. We can go there," I said smiling at her. "Oo nga naman, pwede tayo sa island niyo," sabi ni Cheska. "I told you ginagamit ang island namin so we can't." Jayne rolls her eyes. "May iba ka pa bang alam na place?" I asked her. "Sinabi ko bang gusto kong lumipat? Let's just go, okay? I'm so tired na," maarteng sagot ni Jayne sa'kin. "Ako rin pagod na. I want to lay sa bed," sabi ni Eyra habang nakalingkis na parang ahas sa boyfriend niyang si Jeco. "Aww, thank you Elize." Yumakap si Eyra sa braso ng boyfriend niya. Tumaas ang dalawang kilay ko sa ginawa niya. I wonder kung alam ni Eyra na nagloloko ang boyfriend niya sa kaniya Naglalakad ako pauwi pero napahinto ako ng makita ko si Jeco na papasok sa isang subdivisionmay ka-akbay siyang babae at alam kong hindi si Eyra yun. Maikli kasi ang buhok ng kasama niya, mahaba naman ang buhok ni Eyra Nagulat ako ng halikan siya ng babaeng kasama niya sa labi. Napa-atras ako pero hindi ko alam na may paso pala sa likod ko kaya natumba ako sa sahig. Mabilis akong tumayo at tumingin sa gawi nila Jeco dahil baka narinig nila ang ingay Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakatingin sa'kin si Jeco at ang babaeng kasama niya. May binulong si Jeco sa babaeng kasama niya. Tumango siya at pumasok sa loob ng subdivision. Tumalikod agad ako at naglakad paalis pero napahinto ako ng may humawak sa braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak kaya napangiwi ako dahil sa sakit "Where do you think you're going?" Tanong ni Jeco sa'kin. "J-Jeco m-masakit." Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. "Hindi ka aalis." "H-hinahanap n-na a-ako sa bahay," sabi ko habang pilit paring tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. "Wala kang pagsa-sabihan ng nakita mo. Naiintindihan mo? Kapag may pinagsabihan ka ng nakita mo humanda ka sa'kin," banta niya sa'kin. "O-oo. W-wala akong pagsa-sabihan." Umiling ako habang suma-sagot. "Good. Tandaan mo, kapag may naka-alam nito patay ka sa'kin." Naramdaman kong mas humigpit ang kapit niya sa'kin. "O-oo. N-naiintindihan ko." I nodded. "Mabuti." Padabog niyang binitawan ang braso ko at sinamaan ako ng tingin. "Lagot ka talaga sa'kin Elize." Sinamaan niya ako ng tingin bago tumalikod at maglakad papasok ng subdivision. Tiningnan ko ang braso ko, bumakat ang kamay ni Jeco dito dahil sa higpit ng pagkaka-hawak niya sa'kin kanina. Pinilig ko ang ulo ko at nag lakad nalang ulit Kung hindi na kasi ako nanood at naglakad nalang e'di sana hindi nangyari to. Kinurot ko ang sarili ko dahil sa inis. Pag-iinitan ako ni Jeco nito, eh! Bumuntong hininga ako at tumingin ulit sa subdivision kung saan pumasok si Jeco at ang babae niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD