No signal

2152 Words
Chapter 15 "Tara na," aya ko sa kanila. Naglakad kami hanggang makarating sa harapan ng bahay "Akala ko maliit lang, malaki pala," sabi ni Joy habang nakatingin sa bahay na nasa harapan niya. "Hindi ko naman kayo dito dadalhin kung maliit lang. Hindi tayo ka-kasya," I answered. "Yaman mo na talaga no? Pabalato ka naman." Joy looked at me. "I think you don't need balato. Mayaman na kayo right?" I asked them. "Kami oo, ewan ko lang sa kaniya," sagot ni Julie. "Nagbi-biro lang naman. Masama na bang mag biro?" Joy said. "Let's go inside." Tinulak ko ang dalawang pinto kaya bumukas ito. Pumasok kami sa loob ng bahay. Binuksan ko ang ilaw para makita nila ng maayos ang loob "It looks kinda old," Rain said. "Oo nga. Kailan pa ba ang bahay na to?" Jayne asked. "Mamaya may multo dito, ah," ani rin ni Julie. "Like what I said hindi ko pa napapagawa to kaya ganito talaga to. Besides isipin niyo nalang na vintage ang design ng house na to. Don't worry, wala rin namang multo dito," I explained. "Ma'am yung mga gamit niyo po." Napalingon kami sa pinto ng marinig namin ang boses ng bodyguard ko. "Pakibaba nalang diyan," utos ko at tumingin sa mga kasama ko. "Kakausapin ko lang sila. Just wait for me. Ito-tour ko kayo mamaya." Tinalikuran ko na sila at lumabas ng bahay. "Paki-check ulit yung buong island. Baka may ibang nakapasok or baka may wild animals sa paligid. After niyong ma-check pwede na kayong umalis." "Okay po ma'am." Tumango ako at pumasok na ulit sa loob ng bahay "Walang signal?" Sabi ni Rain habang nakatingin sa phone niya. "Oo nga no wala," ani rin Jeff. Nilabas ng iba naming ka-klase ang mga cellphone nila para tingnan kung may signal kaya nilabas ko narin ang phone ko "Bakit walang signal?" Tanong ni Cheska sa'kin. "I don't know." I shrugged. "Siguro kasi malayo na tayo sa city and liblib pa yung island so walang signal na pumapasok," I explained. "Paano na ako makakapag post ng pic?" Nagpa-panic na tanong ni Rain. "Paano ko masasagot ang tawag ng secretary ko?" Hysterical na tanong ni Jayne. "Kailangan ko ng signal," Thalia said. Lahat sila ay tinaas ang mga cellphone nila at sinubukang humanap ng signal "Guys!" Napatingin kami kay Jeff ng marinig namin siyang nag salita. "Wala naman tayo dito para mag phone diba? Mas okay ngang walang signal para makapag bonding tayong lahat diba?" Natawa ako sa isip ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko nung highschool kami, ako ang pinaka ayaw nilang kasama "Thank you po," pasasalamat ko kay ma'am ng bigyan niya ako ng seed. May activity kasi kami ngayon na mag tanim ng puno kaya nandito kami sa bundok. Kasama namin ang principal at ang ibang mga students from other section at grade level. "Why do we need to do this. Napaka-init naman, eh!" Asar na sabi ni Jayne. "Payungan mo aong mabuti. Ayokong umitim," utos ni Jayne kay Cheska. "Ang init naman ng ulo ng babe ko." Niyakap ni Samuel si Jayne para aluin. "Babe ang init." Mahinang tinulak ni Jayne si Samuel. "Tsaka paanong hindi iinit ang ulo ko super init. Why do we need to do this pa ba kasi? Tingnan niyo yung principal nasa lilim tapos tayo nandito sa ilalim ng sun. Baka mamaya maging itim ako like Elize," ani ni Jayne at lumingon sa'kin. Nasa likuran lang kasi nila ako. "Oo nga. Ayokong umitim katulad niya," sabi ni Vincent habang nakatingin sa'kin. "Bigyan niyo nga ng towel. Kadiri, she's so sweaty," maarteng sabi ni Julie. Yumuko ako at tinalikuran nalang sila. Bakit ba lagi nalang nila akong nakikita? Naghanap ako ng magandang pwesto. Malayo sa lahat ng ibang students dahil baka sa'kin na naman mapunta ang atensyon nila kapag lumapit pa ako sa kanila Pagkatapos kong itanim ang binigay saming seed at halaman nagsulat ako ng pangalan ko sa papel at dinikit ito sa halaman "Ayan. Sana lumaki ka," sabi ko sa tinanim kong puno at halaman. "Bakit nag-iisa ka?" Nakita ko ang dalawang pares ng sapatos sa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si James sa harapan ko. May hawak siyang payong at bottled water "Ayokong sumama sa iba, eh," sagot ko. "Sana tinawag mo ko." Inabot niya sa'kin ang hawak niyang bottled water kaya kinuha ko ito. "Eh, may kasama ka na." "Kahit na." Umupo siya sa tabi ko. "Baka madumihan yung damit mo. Mahal pa naman ata yan," sabi ko at kumuha ng papel sa loob ng bag ko at binigay sa kaniya. "Ilagay mo sa inuupuan mo." "Thank you." Kinuha niya ang papel at nilagay sa lupa tsaka inupuan. "Sanay naman akong mag-isa." Binuksan ko ang binigay niyan tubig at ininom. "Bakit mo kasi sinasanay yung sarili mo. Nandito naman ako." "H-huh?" "Nandito ako. Pwede kitang samahan." Nag-init ang dalawang pisngi ko. Kung ano ano talaga ang iniisip ko minsan "May iba karin namang kaibigan," ani ko. "So, hindi naman sila mamamatay kung sayo ako sasama." "Baliw." Umiiling na sagot ko. "Ang init. Tingnan mo nga ang sarili mo pawis na pawis ka na." Kumunot ang noo ko ng ibigay niya sa'kin ang payong na hawak niya pero kinuha ko parin ito. May kinuha siya sa bulsa niya. Akala ko pagkain pero ng ilabas niya panyo pala. Inabot niya sa'kin ang panyong kinuha niya sa bulsa niya. "Anong gagawin ko diyan." Bumuntong hininga siya. Nagulat ako ng lumapit siya sa'kin at idampi ang panyo sa mukha ko "So, totoo nga." Napatingin kami sa harapan namin ng may marinig kaming nag salita. Mabilis akong lumayo kay James ng makita ko si Jayne "Anong totoo?" Kunot noong tanong ni James sa kanila. "Elize is your girlfriend," Rain said. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay James at umiling "Sinong nag sabi?" Seroyosng tanong ni James. "Si Elize," Jayne smirk and looked at me. "Huh-" Bago pa matapos ni Rain ang sasabihin niya kinurot na siya ni Matty kaya huminto siya sa pagsa-salita. "W-wala akong s-sinasabi." I shook my head. "Hindi ko rin naman masisisi si Elize. Wala kasi siyang boyfriend dahil wala namang may gusto sa kaniya kaya she grab the opportunity na magkalat ng fake news. Ikaw naman kasi, bakit ka lumalapit kay Elize? Ayan tuloy," mahabang lintaya ni Jayne. "Bakit mo ba kasi nilalapitan si Elize? Papangit ang image mo niyan. Sayang gwapo ka pa namaan," Vince said. "First of all she's not lying. She's my girlfriend." Inakbayan ako ni James. Para akong naging estatwa dahil sa ginawa niya. Ano bang sinasabi niya? Nanlaki ang mata nila Elize dahil sa sinabi ni James. Mukhang gulat na gulat sila dahil may nagkagusto sa'kin "You're joking right?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cheska kay James. "Do I look like I'm joking?" Masungit na ani ni James. "Alam ko ang ginagawa niyo sa girlfriend ko. Kapag ako napuno sa inyo ako na ang makakalaban niyo," mariing sabi ni James. Mas lalong nagulat sila Jayne sa sinabi ni James. Hays, lagot na naman ako nito "Anong nangyayari dito?" Napatingin kami sa bagong dating. Sila Samuel, Jeff at Joseph. "Wala naman babe. Tinatanong lang namin si James kung totoo ba yung sinasabi ni Elize na boyfriend niya sa James," Jayne answered. "Elize." Lumingon ulit sa'kin si Jayne. "Kung ako sayo magpapakasaya na ako kasi malay mo one day bigla nalang mawala sayo yan. Hindi ko alam kung anong nagustuhan sayo ng boyfriend mo." Bahagya siyang tumingin kay James. "Pero one thing is fo sure it's not your face." Ngumisi siya bago kami talikuran. Narinig ko pa ang mahihinang tawa ng mga kasama niya "Aba't-- James." Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. "Hayaan mo na sila." "Bakit lagi ka nalang ganiyan?" "Huh?" "Bakit hinahayaan mo silang gawin kung anong gusto nilang gawin sayo. Bakit ayaw mong lumaban?" Natawa ako sa sinabi niya. "Paano naman ako lalaban? Ang dami nila tsaka anong gagawin ko? Lalabanan sila physically? Baka isang suntok lang sa'kin ni Samuel bumagsak na ako," I joked. "Isumbong mo sa teacher niyo." "I tried pero mas pinag-initan lang nila ako. Wala namang magagawa ang mga teacher, eh. Hindi naman nila ako kayang bantayan para masigurado nilang hindi na ako nabu-bully. Sa klase lang naman nila ako kayang bantayan pero kapag tapos na. Wala na." "Guys." Narinig ko ang boses ng teacher ko kaya mabilis akong tumayo at pinagpagan ang suot ko. "Lapit na dito." "Mamaya na lang." Binalik ko sa kaniya ang payong niya at tumakbo papunta sa teacher namin. Unti-unting lumapit sa tabi namin ang mga ka-klase ko "Pinayagan tayo ng principal na lumibot muna bago bumaba. Gusto niyo bang puntahan ang ilog? Malapit lang yun dito." "Puntahan natin ma'am!" "Oo nga ma'am." "G kami ma'am." "Ako din G!" "Ako hindi." Napatingin sila kay Jayne dahil sa sinabi niya. "Ayaw mo?" Tanong ni Samuel kay Jayne. "Oo. Gusto ko ng umuwi." Pagod na sabi nito. "Ganun ba. Sige bumalik na tayo sa bus," ani ni ma'am. "Pero ma'am," apela ni Maris. "Gusto ng umuwi ni Jayne." "Umaarte lang yan ma'am. Hindi naman ikaw ang nag tanim ng puno at halaman kaya paano ka mapapagod," sabi ni Maris kay Jayne. "Totoo ba yun Jayne?" Tanong ni ma'am kay Jayne. "Don't believe her ma'am. Ako kaya ang nag plant ng halaman at puno. Bakit ba kasi gusto niyong pumunta sa ilog." Jayne rolls her eyes. "Hindi pa naman po ako super pagod ma'am, we can go," ani niya kay ma'am. "Sigurado ka ba? Baka mawalan ka ng malay habang papunta tayo dun?" "I 'm fine ma'am. Wag po kayong mag-alala sa'kin." "Sige. Ihanda niyo na ang mga gamit niyo," ani ni ma'am at lumapit sa'kin. "Nakahanda na ba ang gamit mo Elize?" Tanong ni ma'am sa'kin. "Opo," I answered. "Kasama siya ma'am?" Tanong ni Jayzie. "Oo, ka-klase niyo rin siya hindi ba," sagot ni ma'am. "Bakit pa natin kailangan isama yan ma'am," nakasimangot na sabi ni Collins. "Oo nga. Nakakasira ng mood," Jeco said. "Kung ayaw niyong isama si Elize, 'wag na tayong tumuloy." "Anduga naman." "Unfair." Yumuko nalang ako para hindi ko makita ang masamang tingin nila sa'kin "Hayaan niyo na guys," Ariel said. "Panlaban natin sa masamang elemento ang mukha ni Elize," dagdag niya. Natawa sila sa sinabi ni Ariel "Tama na yan," saway ni ma'am sa kanila. "Biro lang naman ma'am," sabi ni Ariel at tumingin sa'kin tsaka ako nginisihan. "Oo nga naman. Hindi naman tayo nandito para mag cellphone," ani ni Joseph. "Sabagay, may point ka," ani ni Matty. "Oo nga naman," sumang-ayon rin si Miggy. "Diba? Kaya I suggest na 'wag na muna nating intindihin ang mga problema natin at mag relax lang. Isipin natin nasa bakasyon tayo," Jeff said. "Yeah, kailangan ko talaga mag relax," ani ni Julie. "I have an Idea." Napatingin kaming lahat kay Eyra ng mag salita siya. "Ano naman?" Tanong ni Jayne. "Ilagay natin sa isamg box lahat ng phone natin tutal wala namang kwenta dito ang mga cellphone natin. Para iwas check nadin diba?" "Oo nga naman," I agreed. Sunod-sunod silang um-agree sa sinabi ni Eyra "I think may box sa kusina. Kukunin ko lang," I said. "Samahan na kita," Jeff volunteered. "Sure." Naglakad kaming dalawa papunta sa kusina pero nauuna ako sa kaniya dahil hindi niya naman alam ang daan papunta dun. Pagdating namin sa kusina naghanap agad kami ng box "May nakita na ako," sabi ko habang nakatingin sa cabinet. Nakalagay sa taas ng cabinet ang box at hindi ko kayang abutin. "Can you help me get the box." Lumingon ako kay Jeff habang nakaturo sa taas. "Sure." Lumapit siya sa'kin at inabot ang box pero hindi niya rin naabot. Medyo mataas kasi ang cabinet. "Kukuha ako ng upuan." Aalis na sana ako pero napahinto ako ng hawakan niya ang braso ko. "Buhatin nalang kita. Hassle pa kapag kukuha ka ng upuan." "Kaya mo ba ako?" I asked him. "Oo naman. Para saan pa ang mga muscles ko." Tinaas niya ang kamay niya niya at pinakita sa'kin ang braso niya. "Mukhang mahilig ka sa gym," I said while looking at his muscles. "Coach kasi ako kaya kailangan talaga physically fit." "Ganun ba," I said while nodding. "Buhatin na kita." Pumunta ako sa harapan niya. Humawak siya sa bewang ko at binuhat ako. Nang maabot ko ang box ay binaba niya na ako. Naramdaman ko pa ang paghimas niya sa bewang ko pero hindi ko nalang pinansin "Pakuha naman ako ng basahan." Tinuro ko ang basahan na nasa lababo. "Ako na." Ngumiti siya sa'kin at kinuha ang box sa kamay ko. Pinunasan niya ito dahil medyo maalikabok ang box. "Tara na." Sabi ko ng matapos siya. Naglakad kami pabalik sa living room. Ang iba naming ka-klase ay naghahanap parin ng signal. Si Rain ay nakatayo pa sa couch habang nakataas ang kamay niya "Here's the box." Napatingin sila sa'kin ng mag salita ako. "Ilagay niyo na cellphone niyo dito guys," Jeff said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD