Chapter 20
"Kailangan pa ba talagang ilagay diyan?" Tanong ni Rain.
"Hindi din naman natin magagamit," sabi ni Yuris.
"Paano ko na kakausapin ang sugar daddy ko nito," nakasimangot na sabi ni Miggy. Ye's he's gay.
"May sugar daddy ka?" Tanong ni Matty kay Miggy.
"Yes, bakit?" Kunot noong tanong ni Miggy.
"Hindi halata." Natawa kami sa sinabi ni Matty.
"Mas nakakagulat pag may pumatol sa balyena." Lumakas ang tawa namin dahil sa sinagot ni Miggy.
"Tama na yan. Ilagay mo na yung cellphone mo," saway ni Jeff kay Miggy.
"Ano ba yan, eh," maktol ni Miggy at nilagay ang cellphone sa box.
"Ilagay niyo na guys, 'wag na kayong mag-inarte," sabi ni Jeff habang umiikot hawak ang box.
"Saan natin ilalagay yan?" Tanong ni Yuris.
"Sa storage room nalang," I suggested. "Tara na sa second floor para mailagay niyo na yung mga gamit niyo." Hianwakan ko ang maleta ko pero napahinto ako ng hawakan ni Jeff ang maleta ko.
"Ako na," nakangiting sabi niya.
"Hindi, ako na," Joseph said.
"Hindi, ako na mga pre." Napalingon kami kay Collins.
"Ako nalang," sabi rin ni Nelson.
Okay? Anong nangyayari sa mga to? Bakit gusto nilang kunin ang maleta ko?
"Hoy, Elize pinatatawag ka ni Jayne." Napatingin ako kay Jelly ng tawagin niya ako.
"B-bakit daw?" I asked her.
"Ewan ko. Kung gusto mong malaman puntahan mo nalang siya." Inirapan niya ako bago bumalik sa upuan niya.
Bumuntong hininga ako bago tumayo at lumapit sa upuan ni Jelly. "N-nasaan si J-Jayne?" I asked her.
"Hindi ko alam." Kibit balikat na sagot niya.
"J-Jelly sabihin mo--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay sinigawan niya na ako. "Ano ba?! Sabi ko nga hindi ko alam diba?! Hindi mo ba kayang hanapin si Jayne? Nakakainit ka ng ulo alam mo ba yun?" Inis na sabi niya.
Hindi na ako sumagot at tumakbo nalang palabas. Nakatingin na kasi samin ang mga ka-klase ko
Una ko silang hinanap sa cafeteria pero hindi ko sila nakita dun. Sunod akong pumunta sa cr pero wala din sila dun kaya lumapit na ako sa mga students na dumadaan
"Nakita niyo ba si Jayne?"
"No," mataray na sagot sa'kin ng babaeng pinagtanungan ko at naglakad paalis.
Lumapit ako sa lalaking nakasandal sa pader pero paglapit ko palang ay nag salita na agad siya. "Hindi ako nakikipag date sa mukhang paa," ani niya kaya natawa ang mga kasama niya.
"Grabe ang harsh mo naman bro."
"Ang angas!"
Umalis nalang ako dun dahil halata namang wala silang sasabihin na maganda
"P-pwedeng mag tanong?" Tanong ko sa grupo ng mga babaeng dumaan.
Huminto sila at tumingin sa'kin "Ano yun?" Tanong ng isa sa kanila.
"Nakita niyo ba si Jayne?"
"Uh, yes. Nasa court siya."
"Salamat!" Masayang sabi ko at tumakbo papunta sa court.
Pagdating ko dun nakita ko sila Jayne na naka-upo sa bleachers at nanonood sa practice nila Samuel
"B-bakit niyo a-ako p-pinatawag?" Hinihingal na tanong ko.
"Bakit ang tagal mo?" Taas kilay na tanong sa'kin ni Jayne.
"H-hindi k-kasi sinabi ni Jelly k-kung s-saan ko kayo p-pupuntahan," I answered.
"Baka sabihin mo tamad ka lang," Cheska said.
"Friday ngayon so dapat alam mong may practice ng basketball sila Samuel," ani naman ni Julie.
Oo nga no? Friday nga pala ngayon. Hays, ang tanga tanga ko talaga minsan
"Kadiri, pawis na pawis ka na naman." Tinakpan ni Ariel ang ilong niya.
"Ang baho," inis na sabi ni Vince.
"Lumayo ka nga samin." Tinaboy ako ni Jayne.
Humakbang ako ng tatlong beses paatras sa kanila
"Good. Ibili mo kami ng snacks," she ordered. Kinuha niya ang wallet sa bag niya at tinapon sa'kin ang five hundred pesos.
"S-sige." Tumalikod ako at tumakbo paalis.
Pumunta ako sa cafeteria at bumili ng pagkain. Mabuti nalang at wala masyadong student kaya nakabili agad ako. Bumalik ako sa court at binigay ang pagkain kila Jayne pati ang sukli niya
"A-aalis na ako," paalam ko sa kanila.
"No. Stay here," Jayne said.
Hindi na ako nagsalita at umupo nalang malayo sa kanila. Inuutusan nila ako hanggang matapos ang practice nila Samuel
"Good job bae! Ang galing galing mo talaga," nakangiting sabi ni Jayne sa boyfriend niyang si Samuel.
"Ako pa ba."
Lumakad na sila paalis kaya sumunod ako sa kanila
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Jeff sa'kin.
"N-naglalakad?" Patanong na sagot ko.
Sumama ang tingin niya sa'kin kaya napa-atras ako. "Kunin mo yung bag namin tanga!"
"S-sige." Mabilis kong kinuha ang bag nila pero sa dami nun ay hindi ko alam kung paano ko bubuhatin yung iba.
"Don't drop my bag or else!" Sigaw sa'kin ni Jayne bago tumalikod at mag lakad ulit paalis.
Bumuntong hininga ako at sinukbit lahat ng bag nila sa dalawang braso ko at binuhat nalang ang iba. Ang bigat ng bag nila Samuel kaya mabagal lang ang lakad ko dahil malalagot ako kay Jayne kaapg naibagsak ko ang mamahalin niyang bag. Baka ipabayad niya pa sa'kin ang bag niya kapag naibagsak ko ito
"Crush niyo si Elize no?" Asar ni Josielyn kila Jeff.
"Baka gusto niyo ring buhatin si Elize?" Sarkastikong tanong ni Vince sa kanila.
"Ang bait niyo naman." Nakangiting sabi ko sa kanila. "Bahala na kayo sa gamit ko." Naglakad na ako papunta sa hagdan at umakyat. Naramdaman ko namang nakasunod sila sa'kin.
"Ang haba naman ng buhok mo Elize," Yassy said.
Lumingon ako sa kaniya at hinawi ang buhok ko. "Mahaba nga." I smiled and walked again.
"Feeling." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi ni Jayne.
Napa-iling ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo niya sa'kin kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Pero ngayon alam ko na, galit siya sa'kin dahil madalas kaming pag kumparahin ng mommy niya, galit siya sa'kin dahil kahit mahirap ako dati ay masaya kami at sobrang pinagma-malaki ako ng magulang ko
After ng klase namin lumabas na agad ako dahil baka mapag tripan na naman ako kapag nag tagal pa ako sa loob ng classroom
"Hey." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni James.
"Bakit?" I asked him.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya 'sakin.
"Kay nanay," sagot ko.
"Sige, tara na," sabi niya at nauna pang mag lakad sa'kin.
Minsan talaga ang feeling niya, parang mas anak pa siya sa'kin sa sobrang close niya sa mga magulang ko
Nakita namin si nanay na nag wa-walis sa likod ng school
"Nay!" Tumakbo si James at lumapit kay nanay. "Ako na po." Kinuha niya ang hawak ni nanay at tinapon ang na-walis na kalat sa basurahan.
"Salamat James."
"Walang anuman po. Hinatid ko lang po si Elize, aalis na rin po ako."
"Sige, mag-iingat ka pauwi."
"Opo." Kumaway siya kay nanayat tumingin sa'kin bago umalis.
"Nililgawan ka ba ni James?" Tanong ni nanay sa'kin.
"Hindi po, ah." Umiling ako.
"Sigurado ka ba?" Pang-aasar sa'kin ni nanay.
"Si nanay talaga. Magkaibigan nga lang po kami," nakasimangot na sabi ko.
"Hindi naman kita binabawalan mag boyfriend pero dapat alam namin kung sino yun."
"Hindi pa naman po ako mag bo-boyfriend. Wala pa po sa isip ko yan."
"Ay nako, yan rin ang sinabi ko sa nanay ko. Basta Elize, anak kailangan makapag tapos ka. Okay lang na may boyfriend basta makakapag tapos ka."
"Opo." Yun nalang ang sinagot ko.
"Tara na sa tatay mo ng maka-uwi na tayo." Naglakad kami ni nanay papunta sa gate ng academy. Pagdaan namin sa principal's office nakasalubong namin ang mama ni Jyane.
"Susana, pauwi na kayo?" Tanong ng mama ni Jayne.
Alam niya kayang ang sama ng ugali ni Jayne? Mabait naman ang mga magulang niya pero bakit ganun siya? Ano kayang mangyayari kung isumbong ko si Jayne? Kaso baka hindi maniwala ang magulang niya, sino ba naman ako para paniwalaan nila
"Elize, tinatanong ka ni ma'am." Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang bulong ni nanay.
"P-po? A-ano po yun?" Tanong ko.
"Kamusta ang school? Close na ba kayo ni Jayne?" Tanong niya sa'kin.
"Okay lang naman po. Mahiyain po ako kaya hindi po ako masyadong kina-kausap ng mga ka-klase ko," pagsi-sinungaling ko.
"Hay nako 'wag kang mahiya. Mababait naman sila, anyway kamusta ang exam mo?"
Mababait. Gusto kong sabihin lahat ng ginagawa nila sa'kin pero pinigil ko ang sarili ko. Wala rin namang mangyayari kung gagawin ko yun. Baka mag-alala pa sa'kin sila nanay
"Na-perfect ko naman po lahat," I answered.
"Mom!" Napatingin kami sa likod ni ma'am Rosales.
"Nandito ka na pala. How's your day?" Tanong niya kay Jayne.
Tumingin samin si Jayne at ngumiwi bago sagutin ang mommy niya. "It's fine."
"Exam niyo ngayon diba? Anong score mo? Si Elize perfect lahat."
Tumingin sa'kin si Jayne kaya umiwas ako ng tingin
"It's... fine,' mabagal na sagot ni Jayne.
"Fine? May score bang fine?"
Jayne rolls her eyes. "Do we need to talk about that right here? Hindi ba pwedeng sa bahay nalang?"
"Bagsak ka ano?"
"Pasado ako," tamad na sagot ni Jayne.
"Siguraduhin mo lang. Bakit kasi hindi mo gayahin si Elize? Nag-aaral ng mabuti, ikaw puro gala lang ang alam" Umiling si ma'am Rosales at tumingin ulit samin. "Sige, Elize at Susana. Mauuna na kami sa inyo." Ngumiti siya samin at humarap kay Jayne. "Let's go."
Sinamaan ako ng tingin ni Jayne bago sumunod kay ma'am Rosales
******************************
THIRD PERSON'S POV
Umakyat silang lahat sa second floor
"Magpahinga na muna tayo bago lumabas," Jasmine said.
"Oo nga, napagod ako sa byahe. Feeling ko ang haggard ko na," ani ni Vince.
"Mukha ka naman talagang haggard kahit bagong ligo," Marie commented.
Tumaas ang kilay ni Vince dahil sa narinig. "Ikaw mukhang paang tinubuan ng mukha kaya hindi nakakapag taka kung one day iiwan ka nalang ni Rey," he said and laughed.
Natawa din ang mga kasama nila dahil sa sinabi niya. Sumimangot naman si Marie at inirapan si Vince
"Guys, may walong kwarto dito sa taas, sa big family ko kasi nabili yung island kaya maraming kwarto. Bawat rooms naman may cr and may dalawang cr pa sa baba. Yung isang room sa'kin--" Napahinto si Elize sa pagsa-salita ng mag salita si Jayne.
"So wala kaming sariling room?" Tanong ni Jayne. "I think that's unfair kasi magha-hati kami sa iisang room tapos ikaw may sariling room?"
"If sa island niyo gaganapin ang reunion gusto mo ring mag sarili ng kwarto diba? And besides hindi ako sanay na matulog ng may kasama," sagot niya.
"Hayaan mo na siya Jayne. Yun lang naman, eh tsaka island niya naman to. Buti nga pumayag siyang dito tayo mag celebrate ng reunion natin," ani ni Jeff.
"Shut up Jeff, kung okay lang sayo pwes samin hindi. Right guys?" Tumingin si Jayne sa mga kaibigan niya at pinanlakihan sila ng mata.
"Tama, hindi rin ako okay na may katabing ibang tao," pag-sang ayon ni Rain.
"Ako rin I need my own room," Matty said.
"Ang arte niyo naman," Sheyn said.
"Oo nga, gusto ko ng maibaba yung gamit ko," reklamo ni Jelly.
"Hayaan mo na sila Elize, saan ba yung room namin?" Tanong ni Maris.
Nagulat si Elize sa sinabi ng mga kasama niya. 'Hindi na ata sila takot kay Jayne? Sabagay buma-bagsak na ang kumpanya nila.' ani niya sa kaniyang isip
"Kung gusto niyo ng sariling room mag book nalang kayo ng hotel kailangan ko kasi ng pahinga kaya mas gusto kong mag-isa sa room. Double bed naman ang mga kama sa guest room, don't worry dahil custom made naman ang mga beds and I make sure na malinis yun. So, anong gusto niyo?" Tanong ni Elize sa magka-kaibigan.
"May choice ba kami?" Inis na sabi ni Jayne.
"Okay. Sino gusto sa kwartong to?" Binuksan ni Elize ang kwartong nasa kanan niya.
Maganda ang kwarto at hindi luma tingnan. Maaliwalas din dahil konting gamit lang ang nakalagay dito
"Ilan ba kada kwarto?" Tanong ni Jayzie.
"Four tapos sa isang room five," sagot ni Elize.
"Kami nalang dito sa first room," presinta ni Jelly.
"Yes, kaming tatlo," ani rin ni Sheyn at tinuro ang sarili pati ang dalawa niyang kaibigan na sina Yassy at Sheyn.
"Kayo nalang pumili ng kasama niyo," Elize said.
Tumingin silang tatlo sa mga kasama nila. "Si Jasmine nalang," Yassy said.
"Gusto mo ba Jasmine?" Tanong ni Sheyn kay Jasmine.
"Sige para malapit sa hagdan," ani ni Jasmine.
"Para makababa ka agad kapag gutom ka," Jayne laughed.
Natawa din ang ibang mga kasama nila dahil sa sinabi niya
"Oo din. Pero kahit naman hindi na ako bumaba, pwede naman kitang kainin," nakangising sabi ni Jasmine.
"Eww," nandidiring sabi ni Jayne.
"Papasok na kami, bahala na kayo diyan papasok na kami. Tara girls," ani ni Jelly at pumasok sa loob ng kwarto. Sumunod naman ang dalawang kaibigan niya at si Jasmine.
Lumakad si Elize papunta sa kaliwang kwarto at binuksan ito
"Elize, saan yung kwarto mo?" Tanong ni Jeff.
"Doon." Tinuro ni Elize ang pangatlong kwarto sa kaliwa.
"Dito nalang kami," Jayne said and enter the room.
Pumasok rin sa kwarto sina Matty, Rain at Cheska. Pumunta sila sa susunod na kwarto at ang pumasok dun ay sina Ariel, Vince, Julie at Jayzie
"This is my room." Binuksan ni Elize ang kwarto niya. "Palagay nalang ako ng bag ko sa loob," ani ni Elize kay Jeff dahil siya ang may hawak ng bag ni Elize.
Nilagay naman ni Jeff ang bag ni Elize sa loob ng kwarto. Tiningnan niya muna ang buong kwarto ni Elize bago lumabas. Sunod nilang binuksan ang kwarto sa tabi ni Elize
"Dito nalang kami nila Samuel," Jeff said.
Pumasok sila Samuel, Jeff, Joseph at Collins sa loob ng kwarto. Sa sunod na kwarto ay sina Thalia, Jp, Maris at Joy ang magka-kasama. Sa susunod na kwarto ay sina Rey, Marie, Yuris, Miggy at Josielyn ang magka-kasama. Sa pang huling kwarto ay sina Jeco, Eyra, Kiya at Nelson ang magka-kasama
"If you need anything just go to my room," nakangiting sabi ni Elize sa kanila bago tumalikod at mag lakad papunta sa kwarto niya.